Chapter 6

127 9 0
                                        


Chapter 6

Mika

Pagkasakay ko sa kotse ni Aly, biglang kumulo ang tyan ko. Hala, gutom na pala ako. Hindi pa kasi ako nag breakfast at nag lunch. Hindi ko na lang pinahalata dahil sobrang late ko na at mukhang nagmamadali si Aly maka uwi.

"Kain muna tayo bago umalis," wika ni Aly habang ini-start ang engine.

"Uhm, narinig mo? Haha. Sige, kahit mag drive thru na lang tayo somewhere para hindi tayo matagalan," alok ko naman.

"Susubuan mo ko?" naka ngiti niyang tinanong.

"Ha?" bahagya akong nag isip sa kanyang sinabi.

"Hahaha. I mean paano naman ako kakain kung magdadrive ako? Gutom din naman ako," sagot naman niya.

"Ay oo nga naman. Haha. Sige, basta kain na lang tayo kung saan meron. Sagot ko na."

Matapos ang aming lunch ay sinimulan na naming ang aming byahe.

Nung simula ay nagkukwentuhan pa kami. Ngunit makalipas ang ilang oras ay tila napagod na kami sa pagsasalita. Napansin kong may naka lagay na jack cord sa kanyang radio. Kinuha ko to at nag paalam kung pwedeng isaksak doon ang phone ko para may music kami.

Tumango naman siya. Medyo na-pressure tuloy ako kung anong papatugtugin. Baka kasi ma-judge niya ako sa taste ko sa music.

Salamat sa spotify at meron doong playlist for joyride. Un na lang pinili ko para safe.

Mukhang natuwa naman siya sa mga kanta, most of them are upbeat para hindi siya antukin mag drive.

"Gusto mo dumaan muna sa Vigan? Maganda din dun," yaya ko.

"Uhm, pwede naman." Sagot niya. Pero pansin kong may konting alinlangan sa boses niya.

"Hmmm, sige next time na lang," sabi ko. "Late na rin naman gawa ko."

Naka ilang stop over din kami along the way para magpahinga, kumain, at umihi. Ewan ko ba, kung kelan may byahe saka naman ako lagi naiihi. Nakakahiya na nga kay Aly e. Para kasi siyang nagmamadali. Though hindi naman niya ko sinasabihan na magmadali. She just seems distracted. Pero naisip ko, baka nagfofocus lang siya sa driving kaya hindi niya ako masyado kinakausap.

Inabot na kami ng dilim sa daan. Base sa aking estimate, mga 11pm nasa Bulacan na kami. Mukhang pagod na siya mag drive.

"Gusto mo ako naman magdrive?" alok ko habang nagdidinner kami.

Ngumiti lang siya. At saka sinabing, "kaya ko pa naman," habang nagiinat.

"Tingnan mo nga yan mata mo, parang papikit na," patuloy ko.

"Tss. Mapungay lang talaga mata ko," sabi niya sabay kindat.

Natawa naman ako.

"Mga 2 oras nasa Bulacan na tayo, gusto mo sa bahay na tayo magpalipas ng gabi?" I suggested.

"Sa bahay niyo? Sino tao dun?" agad naman niyang usisa.

"Edi ung mga kapitbahay namin. Haha. Joke. Syempre ung parents at mga kapatid ko." Sagot ko naman.

"Wag na, nakakahiya," maikli niyang sagot. Nagpatuloy ang aming pagtahimik, na tanging music lang ang naririnig.

"Hatid mo na lang ako sa amin," sabi ko makalipas ang ilang minuto.

"Hindi ka ba inaatay nina Kim sa taft?" tanong niya.

"Ok lang naman. Kahit ibaba mo na lang ako sa may exit ng Bulacan," sabi ko naman.

"Gabi na. Mahirap kung uuwi ka magisa." Wika ni Aly.

"Okay lang, takot naman mga tambay sa akin dito. Hahahaha" sagot ko naman.

"Fine," yun lamang ang sinagot niya.

Bakit ba ang sungit nito? Bigla ba siyang nagkaroon habang nasa byahe? O baka masyado na siyang nakukulitan sa akin? Sabagay, kung hindi ako nag presintang samahan siya, siguro nakauwi na siya. Pinili ko na lamang na wag magsalita.

Napansin kong kanina pa umiilaw at tumutunog ung fone niya. Nakapatong lang kasi sa may dashboard. Ilang text at tawag din un simula kanina pero hindi niya pinapansin.

"Kanina pa may nagmemessage ata sayo," hindi ko na napigilan magsalita. E kasi naman, diba nakaka OC ung hindi sinasagot o tinitingnan ang fone kahit alam mong may message na?

"Hayaan mo na yan," sagot niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

Tumango lang siya.

Napansin kong nag exit na kami ng SCTEX. "Dito mo na lang ako ibaba, may masasakyan na ako papunta sa amin," alok ko dahil ayaw ko na maka abala pa.

"San ba ang inyo? Hatid na kita dun," sagot niya.

"Ituturo ko lang yun kung doon ka din matutulog," sabi ko naman. "Masyado nang gabi para hayaan ka magdrive mag isa pauwi."

"Hay, makulit ka din ano?" sabi niya. "Fine, makikitulog na ako sa inyo," sagot niya.

She sounds exasperated. Hahaha. Mika Reyes for the win. Ayos, kaya itinuro ko na ang daan papunta sa amin.


___

Masyado ba mabagal ang pacing ng storya? 

Haha

~heart heart~ 

All Roads Lead Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon