I WISH YOU WERE HERE

7.2K 114 13
                                    

Davon's POV:

Napahiga na lang ako sa kama ko sa sobrang pagod at stress sa school hindi ko lang alam kung kakayanin ko pa ah? Buti pa 'yung mga kaibigan ko may oras na mag-relax kasi may mga girlfriend eh paano naman ako? Gagawin nila akong chaperon? Ganun ganun na lang 'yun? Aba hindi pwede kung sasama ako dapat may sarili din akong babae 'no pero siguro imposible na 'yun kasi wala na si Kaia, hindi na siya makakasama sa amin. Well? Papayag kaya siya na magkaroon ako ng ibang babae? Ay wag na, baka multuhin ako nun katakot.

Maxton
Calling.......

"Ano na naman bang mga pakana ng mga taong 'to?" tamad kong inabot 'yung phone ko at sinagot ang tawag niya.

"Hey there, Davongle" argh! I hate that name they always calling me that name because I'm single daw! So what? I'm waiting for Kaia to be alive again even if she's a zombie I'll accept her.

"What?" bagot kong tanong.

"Why don't you join us here? Harper is here" oh well? Harper is a woman, okay? Pero Kaia wait mage-explain ako.

Siya 'yung habol ng habol sa akin kahit na hindi ko siya pansinin at ipinagkakalat niya pa sa buong X.U buti na nga lang at pinapaalalahanan ako ni Kaia sa panaginip ko na 'wag akong manakit ng babae though nananakit ako noon pero tinigil ko na at hindi na rin ako immature tulad ng sinasabi ni Kaia sakin dati, I grown up.

"I don't want, kung gusto niyo kayo-kayo na lang next time na lang ako sasama kapag tapos ng midterm" sabi ko.

Yes it's midterm pero may kapal sila ng mukha na magrelax, well? Hindi ko naman sinasabing hindi sila matalino para magparty-party what I mean is para kasing masyado nilang ini-easy easy lang 'yung exam 'di katulad dati na subsob talaga sila halos hindi na kami magkita dahil doon pero ngayon ewan ko ba at anong dimunyu ang pumasok sa mga sistema ng mga taong 'yun.

"Oh come on, Davongle! Can you please give yourself a break? Just this time"

"Kahit anong pilit mo sakin, Max hindi ako sasama, okay? Bye" ako na mismo nag-end ng call kasi kahit anong pagtanggi ko ay pipilitin at pipilitin niya talaga ako.

Ewan ko ba! Hindi naman 'yan ganyan dati eh, simula ng mag-college kami--second year college rather, eh nagkaganyan siya parang sinasabi niya sa sarili niya na malaya na siyang ipangalandakan ang sarili niya dahil wala na siyang itinatago  ewan ko ba sa mga tao ngayon.

"Aaaaaah! Ayoko na ng maaaaaaaaath!" sigaw ko kaya nakarinig ako ng pabalibag na bukas ng pinto.

"Hey, sweetie what happened?" oh here comes my super duper worried mommy.

Two years ago pa siyang ganyan sabi niya sa akin kaya daw ako nagkakaganito dahil daw sa pagkawala ni Kaia eh dalawang taon na nga ang nakakaraan para naman akong tanga nun kung hanggang ngayon magmumukmok pa ako diba? Hay naku! I don't know lang ah?

"Mom, I'm just stress"

"Oh I thought-"

"Stop right there, mom! Can you please stop worrying about me? I'm fine, okay? Hindi na 'to dahil kay Kaia dahil na 'to sa school kaya mom naman para naman akong baby sa ginagawa mo niyan" napanguso si mommy.

"Sorry, sweetie akala ko lang kasi pero don't worry hindi na magiging O.A si mommy, okay" I smiled.

"Okay mom" lumabas siya ng kwarto ko kaya kinuha ko ang picture ni Kaia na nasa table lang.

Alam mo Kaia? Malapit na magtapos ang midterm at pag tapos magce-celebrate ako kasama ka.

Nakangiti ako habang kinakausap siya, hobby ko na 'to sa tuwing panghihinaan ako ng loob eh siya ang kinakausap ko kahit na alam ko naman na hindi siya sasagot sa akin.

IN HIS ARMS AGAIN (NSG&CGH 2) Where stories live. Discover now