WELL PLAYED

1.6K 57 3
                                    

Quinn's POV:

Ilang araw ng nananahimik ang Treis kaya naging alerto na naman ang mga tao sa loob ng Palacio, dito na muna nag-stay si king Lancelot para sa kaligtasan niya, wala pa akong balita kina Euphemie at Carlisle and I hope na walang masamang nangyari sakanila.

Ilang araw na rin simula nung mag-usap kami ni--ahm, ano nga bang pwede kong itawag sakaniya? Kingsley? Ah yeah, Kingsley--ilang araw na rin simula nung mag-usap kami ni Kingsley at simula nun hindi na naulit pa dahil kapag nakikita ko siyang naglalakad sa loob ng palacio ay parang sobrang drain niya, hindi ko alam kung san siya nagpupunta at ganun lagi ang lagay niya katulad ngayon, lalagpasan niya ako na parang 'di niya ako nakita dahil sa lagay niya pero may iba ngayon may sugat siya! Dumudugo ang braso niya!

Geez!

Bago pa siya makalapit sa akin ay ako na ang lumapit sakaniya kaya tiningnan niya ako na parang sinasabi na gusto niya ng magpahinga.

Hindi na ako nagtanong saka siya inalalayan hanggang kwarto niya at nang makarating kami ay pinahiga ko na siya sa kama at kumuha ng first aid kit, pinunit ko ang manggas ng damit niya saka tiningnan ang sugat niya at napangiwi ako ng ang haba nun.

"What the hell are you upto?" tanong ko kahit alam kong hindi niya ako sasagutin.

Nilinis ko ang sugat niya at nilagyan ng bandage, pagkatapos ay hinubad ko ang damit niya para palitan, nang mahubad ko na ay napalunok ako.

Paano ka nagkaroon ng ganyang katawan?

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw matanggal ng pagkakatitig ko sa katawan niya, sa pagkakaalala ko ay hindi siya nagpupunta ng gym, yeah! I know that dahil sa loob ng apat na taon ay pinasubaybayan ko siya kay Kehlani kaya nakakapagtaka kung bakit siya nagkaroon ng ganyang katawan.

Akmang hahawakan ko ng pigilan ko ang sarili ko, at tumayo saka pumunta sa closet nita at naghanap ng itim na t-shirt.

Ang init ah!

Agad ko siyang dinamitan, wala na akong pake kung masyadong mabilis at baka magising siya dahil baka kung anong magawa ko sa katawan niya kung patuloy 'yung naka-display.

Nakahinga ako ng madamitan ko na siya, tiningnan ko siya at parang ang sarap sarap ng tulog niya na parang hindi pa siya nakakatulog ng ganyan sa buong buhay niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?"

Naisipan kong dito na muna mag-stay hanggang sa magising siya pero I guess I will stay here for the whole night. Tsk! Tsk! Tsk! Tukmol talaga.

Habang binabantayan ko siya ay napansin ko din ang ilang pasa sa binti niya kaya mas lalo akong nagtaka kung ano ba talagang ginagawa niya sa buhay niya at bakit nagkaganito siya.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at pinunasan ang mga pasa sa binti niya at pinunasan ko din pati braso para paggising naman niya eh mahimasmasan siya sa katangahan na ginawa niya.

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa tuwing susubukan ko ay bigla siya mag-iingay na parang nasasaktan siya kaya hindi ko na lang itinuloy ang pagtulog ko.

Nagising siya at agad na napatingin sa akin at kumunot ng noo saka bumaling ang tingin niya sa braso niya na may bandage at tingin ulit sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" I asked.

"What are you doing here?" he asked.

"Sitting" nawala ang pagkakunot ng noo niya saka tiningnan ako ng seryoso kaya napairap ako. "I stayed here for the whole night"

IN HIS ARMS AGAIN (NSG&CGH 2) Where stories live. Discover now