CAPTURED

1.5K 55 0
                                    

Quinn's POV:

Ilang araw na din simula nung malaman ni Davon ang katotohanan at simula din nung araw na 'yun ay lumayo ang loob niya sa amin, kapag may mga gatherings kami ay wala siya, kapag nagkakatuwaan kami wala din siya, nilalayo niyang pilit 'yung sarili niya sa amin, kung iniisip niya pa rin 'yung ego niya wag na siyang magpakita sa akin dahil hindi ako natutuwa na pinapairal niya ang ego niya, saan ba makakarating 'yun? Sa kapahamakan? Kalokohan niya!

"Hey" umupo siya sa tabi ko.

"Yow"

"Bakit 'di ka pa gumagawa ng paraan para matapos na ang lahat ng 'to?"

"Alam mo, Xa hindi ako pwedeng sumugod dun ng walang plano dahil kung gagawin ko 'yun baka kung anong mangyari"

"That's not what I mean"

"Then what?"

"About Davon" napalingon ako sakaniya.

"Bakit ko paga-aksayahan ng oras ang isang 'yun? If that ego eat him then so be it, I don't give a damn anymore gagawin ko na lang 'yung pinapagawa sa akin kaysa siya pa asikasuhin ko" tamad na sabi ko.

"Eh diba siya naman talaga aasikasuhin mo?" napakunot ang noo ko.

Oo nga no?

"Ah basta!"

"Come to think of this, Quinn what if he's just thinking? Give him some more time"

"I don't want to force myself to someone anymore, tama na 'yung ilang araw na pagpapa-realize ko sakaniya." she sighed.

"Okay if that's what you want" I smiled kaya nagpaalam na siyang umalis.

Natahimik na naman ang paligid, dati gusto ko palaging ganito pero simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas ayaw ko na ng nagiisa at tahimik dahil napapaisip na lang lagi ako sa maraming bagay, tulad ni Davon o Kingsley.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon at ganun siya makapag-reak, well? Lumaki kasi akong alam ko na hindi ako isang ordinaryong tao kaya wala akong dinadamdam tungkol dun pero kasi kaya lang nagawa 'yun para na rin sakaniya kung sa simula pa lang alam niya na eh baka hindi na siya nakaabot sa edad na ganito, 'di din kasi nag-iisip ng maayos eh.

"Quinn!" humahangos na tawag sa akin ni Hartley kaya napatayo ako.

"What's the problem?" takang tanong ko.

"Si Davon wala sa kwarto niya" napakunot ang noo ko.

"Oh ano naman? Malay mo naglilibot ng buong bahay nila"

"No, wala siya sa buong bahay at sa buong village nila, umalis siya"

"And? So what?" napataas ang kilay niya.

"Anong so what? Diba ikaw na rin ang nagsabi na delikado sakaniya na umalis ng mag-isa?" I shrugged my shoulders.

"Yes, pero kung umalis nga siya edi bahala siya sa buhay niya, baka gusto niyang patunayan na kaya niyang protektahan ang sarili niya, diba nga sabi ko last na beses ko ng sasabihin ang bagay na 'yun sakaniya? Kung gusto niya edi bahala siya, I don't care, patunayan niya ngayon 'yung ego niya"

"But Quinn--"

"You know what, Hart? Nakakapagod din minsan magsabi sa isang tao kung ayaw ka namang intindihin, feel me?" I tapped her shoulder and leave her in the pool side.

Concern sila sa Davon nila? Edi sila maghanap 'wag nila akong istorbohin kung 'yung tao na 'yun ay puro ego sa katawan, puro yabang wala namang binatbat.

IN HIS ARMS AGAIN (NSG&CGH 2) Where stories live. Discover now