PXD2

1.4K 47 4
                                    

Davon's POV:

Napadilat ako at ng akma akong babangon ay biglang sumakit ang tagiliran ko at naalalang nasaksak nga pala ako ng mga kumag na 'yun.

This is fucking hurt!

Nilibot ko ang paningin ko at nakitang puro puti ang loob ng kwarto pero hindi katulad ng kwarto na sa bahay nila Tyrell maybe I'm in the hospital pero nasaan sila?

Yes! Wala akong kasama, mga lokong 'yun! Bakit nila ako iniiwan? Pasyente ako dito!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang nurse na nakangiti na parang..........kinikilig? What the f!

"Goodmorning, sir" nakangiting bati nito kaya tinanguan ko lang siya, malay ko bang morning na ngayon.

"Anong oras na?" tanong ko.

"9 po ng umaga" sagot nito habang may inaaayos.

"Anong araw ngayon?"

"Monday po"

Monday? Ibig sabihin may pasok kaya pala wala sila dito.

"Kailan ako makakalabas?" napatingin siya sa akin at parang nag-isip pero ngumiti din ng alinlangan.

"Hindi ko po alam eh, pero po pupunta po dito si doctora, siya na lang po tanungin niyo" sabi nito kaya tumango na lang ako.

Dapat wala ako dito eh, kabadtrip talaga 'yung mga lokong 'yun! Sarap paguuntugin eh!

Umalis siya kaya mag-isa na naman ako, what the hell? Mas okay na mag-isa ako kung wala ako dito sa kinalalagyan ko! Hindi sa natatakot ako ah? Pero kasi creepy ang hospital kaya dapat hindi nila iniiwan ang pasyente.

Bagot na bagot ako at gusto ko na may makausap, saang hospital ba nila ako dinala? Hindi ba sa hospital nila mommy? Matawagan nga.

Hinanap ko ang phone ko pero hindi ko makita, nasaan 'yun? Pati ba naman cellphone ko?

Mamayang gabi pa 'yun pupunta 'yung mga ugok eh, ano namang gagawin ko sa hapon at umaga? Tsk!

Bumukas na naman ang pinto at iniluwa nun si.......Harlow? Bakit siya nandito eh may klase?

"Hi" bati niya kaya napakunot ang noo ko.

"What are you doing here? May klase diba?" umupo siya sa may sofa at tiningnan ako.

"Well, there's no class in afternoon"

"Sa lahat?" umiling siya.

"Just in our class"

"Sa klase lang natin? Paano 'yun?"

"I don't know, so what are you feeling right now?" pinakiramdaman ko ang sarili ko.

"I'm okay pwede na akong lumabas dito"

"Not so fast, hindi ka pa masyadong nakaka-recover" sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi mo kasi hindi masakit eh!"

"So nagpasaksak ka din?" she laughed hard. "Magkaiba tayo, Davon ako sanay na ikaw hindi kaya 'wag mo akong ginagaya" natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya lalo ng tingin.

"'Wag mo kong tinatawanan, hindi nakakatawa" inis na sabi ko pero hindi siya tumigil sa pagtawa.

Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa tumigil siyang tumawa at tiningnan ako na parang walang nangyari---anong problema ng babaeng 'to? May sayad ata 'to sa utak eh.

IN HIS ARMS AGAIN (NSG&CGH 2) Where stories live. Discover now