Teaser : The Courier

125 11 1
                                    

Teaser

By: HarshReysh

Meet Fiobhe Lexy Catublas. 19

Years ng naninirahan sa lungsod ng Makati, 1st year college pa lamang siya, sa kursong Management. Kung nagtataka kayo kung bakit 19 na siya ay 1st year college pa lamang siya, yun ay dahil huminto siya ng dalawang taon. Dahil sa isang aksidente.

Isang malagim na car accident. Nagising na lamang siya isang araw na nasa isang puti at maliit na kwarto siya nakahiga. At ikinagulat niyang, 5 buwan na siyang natutulog sa kwarto na iyon, Himala nga raw kung tutuusin ang pagkabuhay niya.

Ngunit, para sa kanya, Literal na nabuhay ulit siya, dahil nawala ang lahat ng kanyang alaala. She suffer Post-traumatic Disorder, dahil sa aksidenteng nakalimutan na rin niya kung paano at bakit nangyari iyon sa kaniya, and ngayon bagong buhay ulit siya, bagong Fiobhe Lexy Catublas.

She has no idea of what life she has, dahil laki'ng gulat niya noon ng biglang sumugod ang limang tao sa room ng hospital kung saan siya nakaconfine. Lahat ng mga ito ay umiiyak at kulang na lang ay humagulgol sa harap niya, Tatlo silang babae, isang lalaki at isang bakla.

Na kalauna'y nakilala niya isa isa,

Si Eljane,Mace, Melanie, Christopher at si Dom. Nung una ay hindi nila matanggap na nakalimutan niya sila pero syempre, dahil nga naaksidente siya isa isa silang nagpakilala para naman daw kahit papano hindi sila strangers sa paningin ni Fiobhe.

Those happening was exactly 2 years ago from now. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang ideya kung bakit siya naaksidente, no one dare to open up with that happenings,sa tuwing naitatanong niya iyon sa mga kaibigan ay wala ito'ng mga naisasagot they keep on silence.

Hindi rin naman niya masisisi kung bakit ayaw nila ito'ng ipoen-up, dahil siguro ay gusto na lang nila kalimutan ang nakaraan. But something is strange, may kung ano sa mga mata nila, malungkot at nagdadalamhati. At iyon ang hindi niya naiintindihan.

Dahan dahan niyang iniligpit ang mga gamit niya, maghapon ata siyang nasa library ng unibersidad na pinapasukan niya, wala kasi siyang iba'ng kasama, yung lima niyang kaibigan ay nasa 3rd year college na, samantalang siya ay nasa unang kolehiyo pa lang.

Sakto alas-singko ng hapon ng mapagpasyahan niyang umuwi, Kasalukuyan pa siyang nasa library ng school, na kung saan ay kaunti na lang ang estudyante. Usap usapan kase sa loob ng campus ang ilang kababalaghan sa loob ng library.

May kung ano raw ang maririnig dito na naglalakad, o di kaya'y malalag lag na libro ngunit wala naman'ng tao.

Isinasawalang bahala ko na lamang ang mga ganoong kwento, bukod kase sa wala namang basehan, tinatakot ko pa ang sarili ko. Laging depensa ni Fiobhe sa sarili,

Aminado siyang nakakatakot nga sa loob ng library, yung ambiance kasi nito ay parang sinauna, ang sabi sabi rin kase sa loob ng campus, libingan daw ito'ng school dati, kaya ganto raw ang ambiance ng library. Sa totoo lang pati sa ibang part ng school ay ganoon din.

*blag*

Napasinghap siya ng malakas ng marinig ang pagbagsak ng libro sa kung saang parte ng library, halong gulat at kaba ang biglang bumalot sa kaniya, nilingon lingon niya ang paligid, at dumoble pa ito ng mapagtanto niyang wala ng ibang tao sa loob kung hindi siya na lang.

"Huminahon ka Fiobhe. Walang multo. Walang multo." Pagpapapayag niya sa sarili at pagkumbinsing wala talagang multo, baka hangin lang o di naman ay hindi maayos ang pagkakalagay ng libro kaya ito nahulog.

Binuhat niya ang kanyang bag pagkatapos maibalik ang mga librong ginamit niya kanina sa pagaaral, nakakailang hakbang pa lamang siya ng maapakan niya yung libro na nahulog kanina,

Nagdadalawang isip siya kung kukuhanin ba niya ito o hindi, sa huli ay dinampot niya ito at pinagpagan.

"My life in heaven"

Binasa niya ang title ng libro, nananadya ba ito? Agad agad niya ito'ng ibinalik sa lalagyan at siniguradong hindi na ito malalaglag pa.

Nang sigurado na siya ay naglakad na siya paalis.

*blag*

Kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata sa narinig.

"Nalaglag nanaman?!" Bulong niya sa sarili at dahang dahang nilingon ang lugar ng binagsakan ng libro.

"Hello!" Isang puting puting lalaki ang nasa pwesto niya lang kanina, nakatayo ito at kinakawayan siya. Malawak ang ngiti at para ba'ng tuwang tuwa pa.

"Sh*t. MULTOOOOO!!"

-----

My first story. Please support ♥ Kamsa o∩_∩o

The COURIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon