Chapter II

74 4 6
                                    

PAGkaraan niyang magising ay ang pagtanggal sa kanya ng ilang mga aparato. Wala pa siyang lakas upang magsalita. Ngunit halata sa kanya ang pagtatanong.

Hindi niya alam kung sino ang mga tao'ng naroroon ngayon, wala siyang kilala kahit isa man sa mga ito.

"FIXYYYYY!!!" Malakas na sigaw ng tatlong babae at sinamahan pa ng isang errm- bakla. Gulat siyang lumingon sa mga ito. Sino nanaman kaya ang mga ito?

"Waaaaaaaaaa---" Tuluyan ng umiyak yung apat, samantalang yung isa pa'ng lalaki ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Gusto niyang matawa sa inaasal nung apat pero hindi niya maikilos ang labi dahil sa Nakakabit na Oxygen.

"Buti naman at nagising ka na, waaa Fixy, buti at hindi mo kami iniwan.. huhuhu" maarteng sabi ng isa sa mga babae, maganda ito halatang may pagkamaate sa boses.

"Okay ka na ba talaga? My God! Akala talaga namin iiwanan mo na kami.." nakasimangot at umiiyak na sabi naman nung isa'ng medyo maliit na babae, katabi niya yung matangkad at maganda rin.

Teka nga?! Sino ba kayo?

Gusto sana niyang sabihin sa mga ito pero di niya magawa.

"Fixy. Kilala mo ba kame?" Natahimik naman yung apat, sa wakas ay nagsalita yung lalaki, ikinakunot naman ito ng noo ng apat na kasama.

"Ano ba tope?! Natural! Kaibigan niya tayo!" Galit na sabi nung bakla.

Tinitigan nila siyang apat nagaantay ng sagot. kaya naman pinaling nito ang ulo at sa pamamagitan nito, napanga nga silang lima.

"No way!" Sabay sabay na sigaw nilang apat.

Muli niyang pinaling ang ulo, hindi niya talaga kilala ang mga ito. Wala siyang kilala kahit na sino man sa mga ito.

Nagsimula na niyang marinig ang mga hikbi nila, umiyak na naman sila. Hindi niya alam kung bakit pero umiyak na rin siya, umiyak siya sa harap nila. Tumulo na lang din ang luha niya kasabay ng mga taong nasa harap niya.

Pakiramdam niya ay napakaHopeless niyang tao. May kung ano'ng kirot sa damdamin niya ang pilit na nangingibabaw. May kung ano ang nagsasabing may dapat kang maalala, dapat alalahanin mo.

NANG kumalma ang mga tao'ng nasa loob ng kwarto'ng iyon, kabilang na rin ang ina ni Fixy at ang mga kamaganak, nag pakilala isa isa ang lima raw niyang kaibigan sa harap niya.

"Fixy. Ako si Christopher, Tulad nga ng sinabi namin kanina, lahat kami ay mga kaibigan mo. " Malungkot ngunit nakangiti pa rin sa harap niya yung lalaki na nagngangalang christopher, tinitigan niya lang ito at tinanguan.

"Ako Si Mace, alam mo, lagi tayo'ng nagchichikahan kapag magkasama tayo. Punaguusapan natin ang ilang get-up and attire ng iba na nakakatawa." Tumawa pa ito ng bahagya at hinawakan yung kamay niya,

"Sana magawa na tin ulit iyon, Fixy magpagaling ka ha?" Tumango siya rito bilang sagot.

"Ako ang dahilan kung bakit head turner ka sa school. Waa Fixy, nakalimutan mo na ko? Sa ganda ko'ng to?" Suminghot pa ito ng kaunti, tsaka nagpatuloy,

"Ako si Melanie,please Fixy.. magpagaling ka, pagseselosin pa na tin yung Ex ko.." sabay halakhak nito pero halata naman ang pilit na pagtawa.

"Eljane. Ako si Eljane, partners in crime tayo, hays.. magpagaling ka ha, gagawa pa tayo ng kalokohan." Tumango siya rito pagkaraan siyang yakapin.

"Bakla." Tawag nilang apat sa nakatalikod na lalaki,

"Eeh. Naiiyak ako!" Sabi pa nito pagkaraan ay pinunasan ang luha. Nagtawanan naman sila sa inakto nito, para kasi ito'ng bata.

"Dali na bakla!" Hila sa kanya ni Melanie.

"Hays sige na nga! Uhmm. Fixy, ako ito Si Dominic, Nics sa gabi. Haha" sabay tawa nito pero umiiyak, baliw lang?

"Ako ang savior mo. Kapag may nambubully sayo, at the same time Bully na din ako. Pero okay lang yon, basta para sa mga kaibigan ko, okay lang kung na gaguidance ako at nakakausap yung mataba nating dean. Okay lang kase alam ko di na sila uulit na saktan ka... " sabay patak ng luha sa mga mata nito, pati siya ay napapaluha dahil sa tono ng boses nito. Hindi sya makapaniwalang mayroon siyang tunay at mababait na kaibigan.

"Kahit na nakalimutan mo na kami, nandito pa rin kami.. hindi ka namin kakalimutan." Sabay ngiti niya kay Fixy. Sabay sabay nilang niyakap si Fixy habang nagiiyakan.

Napuno ang kwarto na iyon ng luha at lungkot.

Salamat at meron pa ring tao na handa siyang tulungan sa kabila ng aksidente at nakalimot siya.

Fixy. Fixy pala ang pangalan ko.

Nasa isip ni Fixy pagkaraan umalis ng mga kaibigan, nagtagal ang mga ito doon, ngunit ng maggabi na ay umuwi na rin, kailangan na daw niya kasi ang magpahinga.

Magaan ang loob niya sa mga ito, batid niya ang tunay na pakikisama nila. Ang totoong mga kaibigan.

Mula sa pagkakahiga ay nilingon niya ang bintana na tanaw ang maliwanag na langit dahil sa mga bituin na nakalatag doon.

Ngunit kapansin pansin ang isang bituin, mas makinang ito kesa sa iba, may kung anong magnet ang nagdadala sa mga mata niya upang titigan ito.

Isang napakagandang bituin.

Hindi niya namalayan ang mga luhang nagsisimula ng bumasa sa pisngi niya.

Ang pakiramdam niya ay may kung sinong nakatingin sa kanya mula sa kalangitan. Ngunit sino?

Wari niya ay sobrang inportante nito. At heto, nagawa pa niyang umiyak ng hindi alam ang dahilan.

"Fixy..."

Mula sa isang hangin na tumampi sa kanyang pisngi ay napatigil siya, para ba'ng may nagpupunas ng luha niya.

Kasabay pa nito ang guni guni na narinig niya ang pangalan sa kung saan.

"Fixy..."

Guni guni? Hindi!

Kitang kita niya ang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa veranda ng hospital. Malakas ang hangin na nag bibigay sa kanya ng kilabot na pumapasok mula sa bukas na bintana.

Kasabay ng paggalaw ng kurtina ay ang syang pagkawala ng bulto ng lalaki.

Ngunit sa kanyang muling paglingon ay nasa tabi na niya ito.

itutuloy...

***

Hi! Salamat kung binabasa mo itong story ko :) I will update soon at enjoy (*¯︶¯*)

Nga pala may isa pa ako'ng story, kung trip mo'ng magbasa ng One-Shot heto 'To My Infinity' ----->> http://w.tt/1tCQpeZ, nasa Profile ko sya :) Salamat! Xx

The COURIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon