Hingal na hingal ako'ng umakyat ng kwarto at mabilis na isinira ang pinto.
"S-sino yon?!" Napaupo ako sa likod ng pinto habang hawak hawak ang dib dib ko sa sobrang hingal at pinaghalong takot at kaba.
"...nanghahalik lang"
Tumaas lahat ng balahibo ko sa sinabi nung multo kaya naman lakas loob na ko'ng tumakbo palabas ng library at school. Natawag ko na yata lahat ng santo sa sobrang takot, OA pero duh! Hindi ko lang nakita yung multo, kinausap pa ko! WTF.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto, May kakaiba ko'ng nararamdaman. May kung ano o sino ako'ng kasama sa loob.
Dahan dahan ako'ng tumayo at napasandal sa pinto ng kwarto ko.
Pakiramdam ko hindi ako nagiisa. Pigil ang hininga na naglakad ako papunta sa may banyo, rinig ko ang patak ng tubig sa loob nito. Sh*t lang, bakit bukas yung tubig?!
Hindi lang yon ang labis na nagpakaba sa akin, unti unti ko'ng narinig ang malapit na pagbukas ng door knob ng pinto ng cr ko, Parang slow mo ang paligid at naka pokus lang ang paningin ko sa may pinto.
S-sinundan niya ko?
Halos mapatumba na ko sa sobrang takot na biglang magbukas yung pinto ng banyo ko..
...Iniluwa nito ang nakatapis lang na tuwalya at basang basa ang buhok ng isang lalaki..
"K-KUYA?!"
"Oh kapatid! Nandyan ka na pala." Nakangiting bungad sa akin ni kuya, Susmaryosep! Napahawak ako sa dib dib ko pagkaraang makaramdam ng relief.
"Bakit nandito ka kuya!" Sabay bato ko sa kanya ng unan ko. Nasalo naman niya agad,tss. .
"Out of order ang banyo ko, kaya nakigamit ako sayo. Tsaka, bakit parang nakakita ka ng multo ha?"Sabay balik ng unan sa akin, pero mahina lang.
"W-wala! Alis na dito! Chupi!" Pagtataboy ko sa kanya
"Oo na, wag mo na itulak yung gwapo mo'ng kapatid, nananansching ka lang ng abs eh." Reklamo niya, kapal neto porket may anim na tinapay lang sa tyan eh.
"Alisss na kuya Fill!!" Sabay sarado ng pinto.
Kahit kelan talaga ito si kuya eh.
Filland Catublas
Ang gwapong PE class teacher/Prof ko'ng kuya. He is already 24 at nag tatrabaho siya sa school bilang Prof. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil nga gwapo siya at matalino, Ika nga ni Eljane, he is almost Percect! Pero, akala lang niya yon, kung alam niya lang na halos mapuno na ang unan ko ng mapa dahil sa laway ni kuya noong minsang hiniram niya yung unan ko, kadiri diba?
Pero anyways, buti na lang at wala na yung multong nagpakita sa akin kanina,
Bakit ba hindi pa ako nasanay sa tuwing nakakakita ako ng multo,
And yes. Tulad nga ng sinabi ko, nagsimula ang lahat ng ito nung magising ako sa aksidente, at ang unang una ko'ng nakita ay isang babae sa loob ng kwarto ko noon sa hospital.
At yung multong manyak na nagpakita lang kanina sa akin. Bakit? Bakit sinusundan ako nung multong yon? Ni hindi ko nga sya kilala. Ano ba'ng atraso ko sa kanya?!
Bago pa ako sumabog sa inis ay napagpasyahan ko na lang muna mag pahangin, lumabas ako ng bahay at dumiretso sa isang playground, dahil medyo madilim na, wala na ring tao.
Naupo ako sa isang maliit na swing, ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Naramdaman ko ang mainit na likido sa pisngi ko, Paking tape. Nababaliw na ba ko? Bakit umiiyak ako ng walang dahilan? Hayss.
BINABASA MO ANG
The COURIER
FantasyShe met him from nowhere, she doesn't even know him not every single details, he even need help, Why does he know her name, Who is That Pervert Ghost? Who is the COURIER?