Chapter III

50 2 0
                                    


PRESENT

"Hi Fixy!" Nilingon ko yung tumawag sa akin, silang lima pala.

"Hello guys!" Nandito ako ngayon sa cafeteria at inaantay silang lima para kumain.

"Hays! Kapagod! Gutom na ko, Ano gusto niyo? My treat!" Wow! Manlilibre si Tope.

"Nice! Ano'ng nakain mo ha?" Usisa ni Melay,

Nakita ko naman na napatingin sya sa direksyon ni Mace at saglit na ngumiti at humarap ulit sa amin. Hmm. What was that for?

"Ayeaah. Ano'ng kalandian yan tope?" Prangkang prangkang usisa ni Dominic, nasanay naman na kami, ganyan talaga sya masyadong prangka.

"Ano? Oorder pa ba kayo o hindi?" Bigling iba ni Tope sa usapan, nagsiorderan naman na kami'ng lahat.

Habang kumakain ay hindi mawawala ang asaran at halakhakan sa table namin, ganto kami kapag nagsama sama, masyadong magulo.

Nasanay naman na ako,after two years ay naging super close ko naman sila, dahil na siguro may pinagsamahan kami noon, at ang nakakainis lang nakalimutan ko ang lahat, di bale na, atleast kasama ko na ulit sila ngayon.

"Nga pala, Fixy punta ka ng Band concert namin ah?" Bigla ay abot sa akin ni Eljane ng isang ticket, oo nga pala may gaganaping Band Concert sa isang linggo, isa itong program ng mga HRM students and ang sikat na banda sa school ang guest.

"Oo nga! Pupunta rin kami!" Sangayon naman nila,

"Sige! Salamat!" Sabay kuha ng ticket, hmm. Mukhang magiging masaya ito ah!

Daylight

Ang banda na binubuo ng apat na miyembro. At masasabi ko'ng tinitilian silang lahat dito sa school. Kasama na ko doon.

***

After namin kumain ay napagdesisyunan na nilang pumasok sa kani kanilang klase, samantalang ako sy uwian na. 3rd year College na kase silang lahat, at ako ay 1st year pa lang.

Naalala ko'ng may report ako, kaya naman dumaan ako sa library para gumawa ng research.

One'oclock na ng hapon ng tignan ko ang orasan, maaga pa naman. Pagkapasok ko sa library ay di naman ako ganoong nahirapan sa pwesto, medyo kaunti lang naman na kase ang estudyante.

Sa may bandang dulo ako naupo, inilapag ko ang mga gamit ko tsaka nagsimula ng maghanap ng libro na gagamitin ko.

I was on the middle of searching ng nakaramdam ako ng malamig na hangin sa may pisngi ko, not a typical air na galing ng electricfan or aircon. Kakaiba, nakakapanindig balahibo. Aware naman ako sa mga bali balitang kababalaghan sa school specially dito sa library.

Inignora ko na lang kung ano iyon, at nag patuloy na lang ulit sa paghahanap.

Ilang saglit pa ay nakita ko na rin yung book at naupo na sa pwesto ko.

5:17 PM

Iniayos ko na ang gamit ko sa bag at dali dali na ring tumayo, hapon na, at wala na rin tao sa loob ng library, usually kase wala na talagang nagpapaabot ng gantong oras, dahil sa usap usapang may nagpaparamdam na kung ano sa library.

Kakaiba kase yung ambiance sa loob, Totoo na nakakatakot pero kung magpapadala ka sa takot, matatakot ka talaga. Kaya naman Iniignore ko na lang ang kaba at pilit ginagawang normal ang lahat.

*blag*

Sa hindi malamang kadahilanan, napahinto ako sa kinatatyuan ko.

Pati ang pag hinga ko ay natigil na rin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nilingon ko ang lugar kung saan nalaglag ang libro, dahil di naman ako ganoong paniwalain sa mga elemento o spirits, lakas loob ko'ng binalik yung libro sa kinalalagyan nito at siniguradong di na ito'ng malalaglag pa.

'My Life in heaven' tss. Nakakapangilabot na ito ha?

Ngunit hindi pa ko nakakatatlong hakbang ay nalaglag na naman ang libro.

Halos lumuwa na nga yata ang mga mata ko sa naririnig ko, kahit tinamaan na ko ng takot ay dahan dahan ko pa ring nilingon ang lugar na pinagbagsakan ng libro.

"Hello!" Isang puting puting lalaki ang nakikita ko ngayon, kumakaway ito sa akin at napaka lawak ng ngiti.

Asgfjdldndmdvskal!!!

"M-multoo?" SH*T MULTO NGA!!

Hindi ko alam kung tatakbo ba ko o hindi dahil sa sobrang kaba, sino ba naman ang hindi?! Akala ko ay hindi totoo ang mga ito pero heto! May multo sa harap ko!

Bago pa ko makapag isip ng kung ano ano, napatakbo na ko papuntang pinto ng library, ngunit halos mapatalon ako sa gulat ng nasa harap ko na yung multo.

Nakaharang sya sa pinto! PAANO NA KO MAKAKALABAS?

Nanginginig na ko sa takot, halos maluha luha na ko sa sobrang kaba, di ko naman akalain na ganto pala ang feeling ng nakakakita ng multo.

"Huyy. Wag ka'ng matakot! Di ako nangangain... " bigla ay nasa gilid ko na sya, naglean sya ng konti at tapat na sa tenga ko yung bibig niya. may binulong pa siya na sobrang nakapagpataas ng balahibo ko.

".... Nanghahalik lang."

Manyak na multo!! Aaaaaah!! Heeelp!

The COURIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon