Chapter I

73 2 2
                                    

Miracle.

Naniniwala ako dyan. Dahil kung hindi, siguro ay kasama ko na si Papa God ngayon.

Biruin niyo'ng 5 buwan ako'ng nakahiga sa kama, at natutulog.

Thankful pa rin ako dahil nabuhay pa rin ako. Pero kaakibat ng pagkabuhay ko, ay ang pagkawala ng memorya ko, kahit ano'ng pilit ko'ng alala sa nangyari nung araw ng pagkaaksidente ko, wala ako'ng maalala, kahit nga pangalan ko ay nakalimutan ko na rin, kumbaga back to zero.

Sabi nila Fiobhe Lexy Catublas ang whole name ko, and they prefer to call me Fixy. After ng pagkarecover ko sa comma ay back to school ako, 2 years ako'ng nagpahinga. 3rd year college na sana pero dahil sa aksidente back to 1st year college.

Simula rin ng pagkarecover ko, ay ang ilang pagbabago sa paligid ko. Not an ordinary change. It feels new and extra ordinary for me.

Sa madaling salita mga kababalaghan.

I can see dead people.

Mga namatay ng tao na humihingi ng tulong.

Creepy right?

Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari sa akin to, basta ang alam ko, nagsimula ito nung araw mismo ng paggising ko..

[MARCH 3 20**]

After 5 MONTHS.

"It's been exactly 5 months na pagkatapos ng aksidente, pero hindi pa rin siya nagigising.." sambit ng isang matandang babae, halata sa boses nito ang lungkot.

"Tatapatin ko na po kayo madam, Maliit na lang ang porsyento na magigising ang anak niyo, sorry but makina na lang talaga ang bumubuhay sa kanya. " Mahinahong sabi ng Doktor, At dahil doon ay napahagulgol ang Ina ni Fixy.

PAG-karaan ng pagdedesisyon ng pamilya, na huwag na lamang pahirapan si Fixy, ay ang pagdadalamhati ng mga ito.

Napagdesisyunan kasi nilang ipatanggal na lamang ang mga makina na bumubuhay kay Fixy, ayaw na kasi ng kaniyang ina na nakikita pa siyang mahirapan.

Habang hinihintay ang tamang oras,

unti unti'ng gumalaw ang mga daliri niya, dahilan upang ikagulat iyon ng buong maganak na naroroon, she can now move her fingers, ilang saglit pa ay gumalaw ulit ito.

Ipinatawag nila ang Doktor upang sabihin ang nangyari, inobserbahan siyang muli, at nangyari ang kinagulat ng lahat ng naroroon.

"She's awake!!" Bulalas ng Doktor na sumusuri sa kanya.

NANLALABO ang mga mata na tumingin siya sa kisame ng isang di pamilyar na lugar.

Kulay puti ang lahat ng nakikita niya, hilong hilo pa rin siya pero pinilit pa rin niyang dumilat. Sa kabila nito ay naging mas malinaw ang naririnig niyang paguusap sa paligid, umiiyak ang mga tao'ng nakikita niya.

Bakit? Bakit sila umiiyak. At, bakit ako nakahiga rito? Ano'ng ginagawa ko rito...

Gulo'ng gulo ang isipan niya walang siyang ideya kung ano at bakit siya naroroon.

Nilibot niyang muli ng tingin ang paligid, mga makina at tubo na nakakabit sa kanya, hindi niya alam kung ano'ng nangyayari.

Pilit niyang idinidilat ang mata, at ng sa wakas ay nakakita siya ng maayos.

Dumako ang kanyang paningin sa isang sulok ng kwarto, kapansin pansin ang isang babae, hindi niya kilala kung sino ito, walang syang ideya kung sino ang mga tao'ng naroroon. Maging siya ay hindi nya rin kilala ang sarili. Sa kabilang banda ay nakatitig lang sa kanya ang babae, naka suot ito ng uniporme at nakangiting tinititigan siya.

Sa una ay inakala niyang bisita lamang ito roon ngunit, sa kanyang pagpikit at muling pagdilat ay wala na ang babae. Wala na ito roon. Nilibot niya ng tingin ang paligid at hinanap kung nasaan na ito, hindi na niya ito makita. Sino iyon? O mas tama sa sagot na Ano iyon?

***

Fixy Lexy Catublas ---->

The COURIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon