Chapter V

24 2 1
                                    

"Aaaaaahhck!!"

"Aray kuuu!" Ang sakit ng pwetan ko, Gandang pangbungad sa umaga!

"Ohh? Nasan ang ipis? Nasan?!" Biglang pasok ni Kuya Fill sa kwarto ko, may hawak pa'ng Baygon. Nakasinghot ata!

"Wala, nalaglag lang ako sa kama. Ang sakit!"

"Ispreyan kita dyan eh! Makasigaw naman to hays, naistorbo pa ko." Nagkakamot pa sya ng likod pagkalabas ng kwarto ko haha! Nakaboxer pa kase sya at gulo gulo buhok, ang epic ng mukha eh! Ikwento ko kaya kay Eljane to haha. Major turn off siguro yon!

Umayos ako ng upo sa kama at parang tangang tumingin sa kawalan..

"Panaginip ba yun?" Grabe, kinilibutan ako sa Panaginip ko? Teka? Mukhang di iyon panaginip ah?

The Courier..

San ko ba nakuha yung words na yon?

Aissssh! Nakakaloka, sakit sa ulo.

Sana panaginip lang talaga lahat! Pati yung multo, yung Manyak na multo.

Kinikilabutan talaga ako sa naiisip ko.

Magkayakap daw kami sa may park,Yung mga pinagsasabi niya tungkol sa Itinakda at ang pangalan daw niya ay F-felix? Kaso, naputol yung panaginip ko, pero feeling ko totoo lahat!

Bumangon na ako sa kama kahit ang aga aga pa para sa pagpasok. 4:38 am oha diba? 7:30 pa class ko.

Naligo na ko tsaka nagayos ng sarili at pumunta sa kusina, hmm. Di pa gising si mama, ako muna magluluto.

My Specialty,

PINIRITONG HOTDOG.

Feel na feel ko pa ang pagbaliktad ng hotdog sa kawali,yum. Nagugutom na tuloy ako, nagsangang pa ko ng kanin na sinamahan ng itlog.

Nailagay ko na sa plato ang hotdog at akmang ilalagay ko na sa lamesa ng makarinig ako ng pagusog ng nino man sa upuan, pakingtape. Ayan na naman ang kilabot feeling.

"Mukhang masarap yan ah!"

Asdfgjjhjl!!!

Muntik ng gumulong sa sahig yung niluto kong hotdog pasalamat na lang at nahawakan ko yung plato. S-sino yung nagsalita?? Don't tell me..

Dahan dahan ako'ng lumingon sa lugar kung saan umisod ang upuan at feeling ko aatakihin ako sa puso ng makita ulit yung manyak na multo. OO SYA NGA! SYANG SYA TALAGA.

"IKAW?!" SO HINDI NGA AKO NANANAGINIP?

"Ako nga, miss me?" *wink*

*inhale* *exhale*

"What do you want?" Seryosong sabi ko,

Kalma Fixy, he's just a Ghost. Tutal mukhang hindi naman panaginip ang lahat, at napagtantong totoo lahat ng nangyari kagabi ay kumalma na ako, maayos ako'ng naupo sa lamesa at inumpisahan ng kumain.

"Bout the Mission, Tutulungan mo ko diba? You promised me." Nakangiti pa rin siya, mission? Ay tapa! Oo nga pala! I almost forget about it.

"O-okay, but let me eat first, nagugutom na ko. "

Nakatingin lang sya sa akin at pinapanood ang pagkain ko,

"Wag mo ko'ng titignan!" Sabay turo ng tinidor sa kanya, ngumiti naman sya.

Nangangalahati na ko ng pagkain pero di parin sya gumagalaw sa iniupuan niya at parang asong nakangiti. Problema nito?

"Ang takaw mo talaga." Bulong niya pero rinig ko naman! Bubulong pero narinig ko, at ano raw? Ang takaw ko? Di na lang ako umimik at nagpatuloy sa pagkain,

The COURIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon