Chapter VI

16 1 0
                                    


Felix PoV

Kasalukuyan kaming nag lalakad ni Fixy papuntang school niya, ikwinento ko na rin ang tunay na pakay ko, ang humingi ng tulong.

Wala pa rin gaanong pinagbago rito?

"Dito na ko." Huminto kami sa tapat ng isang room. I think room niya to.

"Okay!" Nag salute pa ko sa kanya, Ngumiti naman sya sakin. Well, ang gagawin ko lang naman ay huwag syang kausapin hanggang matapos ang class niya. Sa tabi niya lang ako maghapon. Nakakabagot kaya yun!!

Pumasok na siya sa loob, sumunod naman ako. Nagmamasid sa palagid, may ibang nakatingin sa kanya, yung iba naman may kanya kanyang mundo.

Naupo na sya at ako naman, naupo sa tabi niya, sa Sahig. Bale nasa gitna ako, kase nasa may dulo sya eh. Eh may nakaupo naman dun sa kabila so dito lang ako.

Ang sama naman ng tingin niya sa akin, naka indian seat kase ko. Hahaha

"Good Morning class!" Masiglang bati ng Prof niya,

"Good Morning sir!" Nakikigood morning din ako, namiss ko to eh.

"Did you all choose your own club?

Nakikinig lang ako sa sinasabi nila, nakakabagot naman dito.

Tumayo ako tsaka nagpagpag ng pants, Syempre kahit multo kailangang magmukhang malinis!

"San ka pupunta?" Nilingon ako ni Fixy,

"Dyan lang sa tabi tabi, nakakabagot dito eh" I smiled on her tsaka nag lakad palabas ng room niya,

"huy!" Narinig ko siyang tinawag ako pero nakalabas na ko ng room niya, wow namiss ko tong school!

***

Fixy's PoV

"huy!"

"Is there any problem Miss Catublas?"

uhh..

"Nothing ma'am" Ayys nakakahiya ang lakas pala ng pagkakasabi ko, at walangyang multo yan, di man lang ako nilingon. Humanda yun sakin.

Past forward

"Uwian na, nasan kaya yun?" Nasa labas na ko ng school, at inaantay sunulpot si Felix, hindi pa rin sya bumbalik hanggang ngayon!

E kung di ko sya samahan?

asar.

"Yow Fixy!" At sa wakas, dumating din.

"San ka ba galing?!" I checked my side kung walang tao, naglakad na kami sa kung saan.

"May binisita lang" He said with a bitter smile on his face,

"Huh? sino namang bibisitahin mo? dito pa sa school?!"

"Wala never mind! tara dali Hahanapin na natin yung Pang una!" Naglakad na sya papunta sa kung saan, and swear, Parang alam ko na kung saan.

***Cemetery***

"Seryoso? Six na ng gabi oh? may mumu dyan!" Angal ko sa kanya,

"Hello! Multo na nga ko oh. Tsaka multo rin yung hahanapin natin!" Parang ewan na sagot niya, I just looked at him. weh seryoso?

"Aish. Fine!" Pumasok na kami sa loob ng sementeryo at swear, Ayoko talaga sa ambiance nito, ang creepy.

Ilang minuto na kmaing naglalakad at hindi ko alam kung saan ba talaga namin mahahanap yung multo na sinasabi niya.

"Saan ba talaga? Tsaka ano bang pangalan non?" Tanong ko sa kanya na busying busy pa rin kakalingon sa kung saan.

"Ayun!" Ay letshe di man lang sinagot yung tanong ko.

Naglakad pa kami ng kaunti at huminto sa harap ng isang puntod.

uh--huh?

R.I.P

Antonio Dumalaon
Born: April 1 19**
Died: July 8 2013

"eto na ba yon??" Tanong ko kay Felix na ngayon ay nakatingin sa kung ano,

napakunot noo akong tumingin sa tinititigan niya,

Isang lalaki ang nakaupo sa gilid ng puntod, Nakasuot ito ng duguang t-shirt, short at naka paa. Seryosong nakatingin samin ni Felix,

"Anong ginagawa niyo rito?" Napatago ako sa likod ni Felix ng biglang magsalita yung multo na sa tingin ko ay ang first ghost na tutulungan namin.

shocks.

***
(A/N: Okay ang ikli lang niya pero I tried na magupdate dahil kinukulit ako ni Dominique Estrelles lol. Ayan na yung update hahaha thank you sa pagantay :) )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The COURIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon