La Union

304 19 0
                                    

EJ's POV:

Tinanong ko muna sya Kung ok Lang ba sakanya na mag stay muna sya sa pagdadalhan ko sakanya. At pumayag Naman sya. Kaya nandito kami ngayon sa condo nya. Nag iimpake

"3days tayo dun. Bring your swim wear Kasi mag bbeach tayo"

"Ok" She said coldly

Dumaan muna kami sa bahay, pinapasok ko sya pero she refused. Dun nalang daw sya sa sasakyan. Kaya binilisan ko nalang mag impake. Binalita na din namin sa barkada na sasamahan ko muna magbakasyon si dale at pumayag Naman silang lahat. Sila nalang muna daw bahala sa mga naiwang trabaho.

"Ready, dale?" Tanong ko

"R-ready"

Pagkasabi nya nun ay binuksan ko na Ang engine Ng sasakyan ko

"San ba tayo pupunta?" Tanong nya

"Secret. Matulog ka na muna. Matagal pa Ang byahe"

It's 4-6 hours travel (depende sa traffic). From here to La union. Yes La union, My Home town. Taga la union Kasi si mama. Ipapakikala ko sya sa mga kamag anak ko dun. And Sana, sa pag punta namin dun, Sana kahit papano ay maging masaya sya at makalimutan nya pagsamantala Ang sakit na nararamdaman nya.

MARYDALE'S POV:

After Nag subside Ang iyak ko nun, tinanong sakin ni EJ Kung may gusto pa b ko puntahan. And it's really a perfect timing Kasi gusto ko din talaga lumayo. Kaya sinabi Kong ilayo nya muna ko. Kahit saan ok Lang, I have a trust on him. Alam Kong hindi nya ko pababayaan. Sinabi nyang 3days daw kami dun Kung saan man nya ko dadalhin. Sinabi din nya na mag baon ako Ng swim wear dahil mag beach daw kami. Woah! Somehow nabawasan Ang sakit na nararamdaman ko nung nalaman kong mag bbeach kami. After namin dumaan sa bahay nila ay sinabi nyang matulog muna daw ako Kasi malayo pa Ang byahe. Pag gising ko, nasa isang kwarto ako at katabi ko si EJ. Pagtingin ko sa wall clock, 11:47 na pala Ng Gabi.

"EJ..." Pag gising ko sakanya

"Hmmm"

"Nasan tayo?" Tanong ko

"Nasa bahay tayo" sagot nya at halata Kong antok pa sya

"Kaninong bahay?" Tanong ko ulit

"Bahay namin" sagot nya

"Ha? Saan nga?" Tanong ko ulit

"Basta. Malalaman mo bukas. Matulog ka na ulit Gabi pa. Don't worry pag gising mo, mag bbeach tayo" Sabi nya. Sobrang na excite ako Kaya di nalang ako nangulit at natulog nalang ulit.

Nagising ako sa bango Ng naaamoy ko. Amoy tocino. Nag aayos ako Ng biglang bumukas Ang pinto

"Halika na. Baba ka na. Breakfast na tayo" si EJ habang sumisilip sa pintuan

Pagbaba ko, parang umurong Ang paa ko pababa. Eh Kasi Naman, Nakakahiya. Totoo ngang nasa bahay kami nila. And sa ambiance palang ay Alam Kong nasa probinsya ako. Simple Lang Kasi Ang bahay. May second floor pero gawa lamang Ito sa kahoy at mukhang vintage na itong bahay, I guess family house nila to.

"Dale baba na" Sabi ni EJ at sinalubong pa ko sa hagdan at nilahad pa Ang kamay para maalalayan akong bumaba.

Kaya no choice. Inabot ko nalang ang kamay ni EJ na nakalahad at bumaba nalang ako kahit nahihiya ako.

"H-hello po, g-good morning" Bati ko sakanila. Nauutal ako

"Good morning" chorus na Sabi nila

"Girlfriend ka ba Ng pamangkin ko anak?" Tanong sakin nung isang Mejo matanda na. Siguro mga nasa late 50 na or early 60

i never thought Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon