KABANATA II

1.2K 97 0
                                    

NAGISING ako ng sobrang sakit ng ulo na tila binibiyak. Dahan- dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting kisame.

Nasa nakaraan pa rin ba ako?

Pinilit kong tumingin sa paligid. Nakahiga ako sa kama at napapalibutan ng makabagong kagamitan.

Ibig sabihin nananaginip lamang ako. Panaginip lang lahat ng mga nangyari.

Mabuti naman at gising kana.” bungad na bati ng babaeng pumasok sa kwarto. Hindi ko ito pinansin at nanatiling tahimik.

Nahimatay ka daw sabi nila Irvine. Nakita ka na lang nila na nakahandusay sa may harap ng bar. Ano bang nangyari sa iyo.?” pagpapatuloy nito habang inilalapag ang dalang tray sa table malapit sa akin.

Tumigil siya sa pagsasalita nang mapansing wala pa rin akong imik.

Lumapit ito sa tabi ko at saka umupo. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kisame.

Umupo kana para makakain ka ng lugaw na niluto ko.” sabi nito. Akma pa niya akong aalalayan nang hinawi ko ang kamay niya.

Kaya kong tumayo mag-isa.” walang buhay kong sabi.

Pwede ba kahit ngayon lang Yuan. Pagbigyan mo naman akong alagaan ka.” sabi nito sa tonong nagmamakaawa.

Hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako.

Pwede ba ! wag kang umasta na parang ina ko dahil hindi mo yun ginawa simula pa noong bata ako.” malakas kong sabi

Pinilit kong makatayo kahit naliliyo pa ako. Dumeretso agad ako sa shower ng hindi siya pinapansin.

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Kaya nga minsan pinipili ko na lang na manahimik dahil kapag nagsalita ako, masasakit na salita lang ang lalabas sa aking bibig.

Nang maramdaman kong lumabas na siya sa aking kwarto, lumabas na rin ako sa cr pagkatapos kong maligo.

Nakatapis ako ng tuwalyang lumabas . humarap ako sa salamin at tiningnan ang peklat sa aking bandang kaliwang bahagi malapit sa puso. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkaroon ng ganitong peklat.

Sa 22 years of existence ko walang naalala na naging sanhi nito. Parang kalahati ng buhay ko hindi ko alam.

Huminga ako ng malalim saka tumalikod at nagbihis. Lunes na pala . may pasok na naman ako.

Pagtapos kong magbihis ay kaagad na akong bumaba ng hagdan at naglakad na lang ako papuntang school tutal malapit lang naman.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari sa akin. Parang totoo ang lahat. Ang mga taong nakasuot ng magagarbong kasuotan noong unang panahon.  Kitang - kita ko kung paano magtawanan sina Padre Sibyla at ibang panauhin. At si Crisostomo Ibarra. Pinihig ko ang aking ulo nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo.

Tumigil na ako sa intersection para tumawid nang may biglang humawak ng aking kamay. Kaagad kong hinawi dahil sa pagkabigla.

Isang matandang babae pala. At may dala itong isang libro. Bigla kong napansin na bulag pala siya.

Nay, tatawid po ba kayo.?” mahina kong sabi. Ngunit hindi ito umimik. Pinili ko na lang na alalayan siya para makatawid tutal tatawid na din naman ako.

Malapit na kami sa may tabi ng kalsada  nang bigla itong nagsalita.

Sa ika-apat na kabilugan ng buwan, ang pintuan ng nakaraan ay muling magbubukas at ang pag-iibigang naudlot ay magkakaroon na ng katapusan.” mabagal nitong sabi pero sapat na para maintindihan ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyan sabihin.

Nay, nakatawid na po tayo. Dito po sa gawing kanan ay papuntang San Vicente. Dito naman po sa kaliwa ay papuntang bayan. May pasok pa po kasi ako kaya hindi ko kayo masasamahan.” magalang kong sabi. Pagkatapos ay lumakad na ako papuntang school. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala dun sa matanda pero medyo na-creepy-han ako sa sinabi niya.

Buong umaga lamang ako tahimik kahit kinakausap ako nila Irvine. Hindi na rin naman nila ako kinulit dahil alam na nila kapag tahimik ako.

Pagkatapos ng klase ay may tumawag sakin.

Nakita ko na ang pinapahanap mo.” sabi ng lalaki sa kabilang linya.

Talaga po? Sige pupuntahan kita.” sagot ko.

Nagpaaalam na ako kina Irvine at kaagad pumunta sa lugar na tinext sa’kin ng lalaking kausap ko kanina.

Matagal na ito dito sa amin. Wala namang interesadong bumili kaya’t naitambak ko na. Kay nakakagulat na may naghanap nito bigla.” pagpapaliwanag ni Mang George . Siya ang isa sa may-ari ng mga antique shop dito sa San Vicente.

Buti na lang at naabutan natin ito dito.” masayang sabi ni Master Amadeo. Kasamahan siya ng namayapa kong ama. Matutuwa din siguro iyon kung nabubuhay pa siya.

Tiningnan ko muli ang drawing ng kwintas na iniwan ni Papa. “Ito nga po ang hinahanap ko.”

Katulad ng napag-usapang presyo. Payag ako dun.” pagkasabi kaagad itong inilagay sa maliit na kahoy na yari sa kahoy.

Isang bagay na lamang ang hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita. Ang bracelet. Isa itong jade bracelet. Hindi ko alam kung bakit ito dinrowing ni Papa.

Malapit ka ng magkaroon ng exhibit ah.” sabi sa akin ni Master Amadeo habang naglalakad kami.

Tama. Matutupad ko na ang pangarap ni Papa. Ang magkaroon ng exhibit ang mga antique na nakolekta niya. Pangarap kasi niyang ipakita sa mundo ang mga bagay na sa tingin ng tao ay wala ng halaga dahil luma na ito.

Napatigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad ng hindi ko alam. Parang may pumigil sa akin. Napatigil din si Master ng napansin akong nakatingin sa isang pang antique shop di kalayuan sa shop ni Mang George. Lumapit ako sa bubuog nitong dingding at tiningnan ang bracelet na nakalagay sa isang bukas na kabinet.

Teka—

Kaagad kong tiningnan ang drawing. Kamukhang-kamukha ito ng nasa kabinet. Pumasok ako sa loob at bumati naman sa akin ang matandang lalaking may-ari ng shop.

Pwede po bang tingnan yung bracelet na nasa kabinet.?” sabi ko.

Ay iho. Hindi yun pinagbibili eh. Pero may duplicate ako noon kung—” hindi ko na ito pinatapos dahil bigla ulit akong nagsalita.

Yun po mismo ang gusto ko.” giit ko dito.

Hindi ko talaga iyon pinagbibili eh.” ulit nito.

Kahit magkano po bibilhin ko.” ngunit iling lamang ang tanging naging sagot niya.

Wala na akong nagawa kundi lumabas ng shop na nanghihinayang dahil hindi ko iyon makuha.

Ako ang bahala. Kakasapin ko ng maayos ang matanda baka makumbinse ko pa siya.” sabi ni Master Amadeo.

Naglakad na ulit ako dala ang pag-asang makukuha ko iyon.

Umuwi na ako ng bahay pasado alas-syete na ng gabi. Nakakapagod.  Ang dami ng nangyari gusto ko munang magpahinga. Walang tao sa bahay, nasa trabaho pa siguro siya.

Dumeretso muna ako sa kusina at uminom pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto.

At nang buksan ko ang pinto iba na naman ang bumungad sa akin. Ang tahimik kong kwarto ay naging isang maingay na silid. Mga taong nagmamamdali at may kanya-kanyang ginagawa.

Yusebio. Bakit nakatulala ka pa diyan? Halika na’t tulungan mo na akong dalhin ang mga pagkain sa mga bisita.” sabi ng isang lalaking pamilyar ang mukha.

Se—Sebastian?” malakas kong sabi.

Nagulat ito. “Ako nga.” sagot niya.

At duon ko lang napagtanto. Nandito na naman ako.

Sa nakaraan.

DONT FORGET TO VOTE :)

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon