KABANATA XXV

334 34 2
                                    

Walang kasalanan si Sebastian. Bakit ninyo siya pinagbibintangan?” naiiyak na sabi ni Tiya Aurora. Hindi na ako nakatiis at lumabas na ako sa aking pinagtataguan.

Muli akong pumasok sa may likurang pintuan at nagtungo sa sala. Sakto naman na pumasok ang mag-asawa habang inaalalayan ni Esme si Tiya Aurora.

Yusebio! Bakit naandito ka pa? Hindi ba’t sinabihan ka na ni Sebastian na magtago na?” nag-aalalang sabi ni Esme sa akin.

Paano ako magtatago kung ganito ang aking iiwanan dito? Ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ko.

“Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Ginoong Crisanto ay si Sebastian ang salarin sa pagkamatay ni Padre Dominico kaya’t----”

Hindi ‘yan totoo!” pagpuputol ko sa kanya. “Alam nating lahat na hindi iyon magagawa ni Baste. Alam mo ‘yun Esme.” sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga sunod-sunod na nangayayari.

Mamaya ay pupuntahan natin sa kwartel si Sebastian.” mahinang sabi ni Tiyo Agapito.

Nakakasiguro akong hindi si Baste ang may kagagawan ng lahat ng ito.” saglit akong tumigil. “Nararamdaman kong may kinalaman dito si Crisanto!” dagdag ko.

Yusebio!” usal ni Tiya Aurora “Huwag kang magsasalita ng hindi ka sigurado.”

Alam kong wala akong matibay na ebidensya na si Crisanto angmay kagagawan nito pero nakakasiguro ako dahil siya lang naman ang may galit sa pamilyang ito.

Ilang sandali pa ay may narinig kaming sumisigaw sa labas. Kaagad binuksan ni Esme ang pintuan habang ako naman ay nagtago kaagad sa may silid.

Agapito! Aurora! Ang sakahan ninyo nasusunog!” sabi ng isang matandang lalaki ng makapasok ito sa bahay.

ANO!?” magkasabay naming sabi.

Halina kayo’t puntahin natin!” nagmamadaling lumabas ng bahay angmag-asawa kasunod si Esme. Kinuha ko naman kaagad ang salakot at saka sumunod sa kanila ng pigilan ako ni Esme.

Yusebio! Maiwan ka na dito! Hindi ka----”

Hindi ! Sasama ako sa inyo.” tutol ko sa kanya at kaagad lumabas ng bahay.

Nang makarating kami ay halos kalahati ng sakahan ang unti-unting tinutupok ng apoy.

Hindi ito maari!

Diyos ko! Bakit ba ito nangyayari sa amin! Diyos ko!” paulit-ulit na sigaw ni Tiya Aurora

Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na ito. Nakatulala na lamang ako mainit na apoy na untin-unting umuubos sa sakahan.

Itigil n’yo na iyan. Parang awa n’yo na.” pigil ni Tiya Aurora sa mga guwardiya sibil. Itinulak naman ng malakas ng isang guwardiya si tiya kaya’t natumba. Napatakbo ako sa gawi niya at inalalayan naming dalawa ni Esme para makatayo. Si Tiyo Agapito naman ay napaluhod na lamang din dahil sa nasaksihan.

Kung ibinigay ninyo kaagad ang sakahang ito di sana’y hindi ganito ang sasapitin ng lupang inyong pinaghirapan.” napalingon ako sa lalaking nagsalita.

Si Crisanto.

Napaka-walang puso ninyo!” malakas na sigaw ni Tiyo Agapito saka hinugot ang dalang itak at akmang susugudin si Crisanto ng pumagitna ang isang guwardiya sibil sabay saksak sa tagiliran ni tiyo.

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon