KABANATA III

1K 92 2
                                    

-

HINDI ako makagalaw sa aking kinatatayuan at tila naging istatwa ako.

Bakit ? bakit bumalik na naman ako dito?

"Bakit nakatulala ka pa diyan? Tulungan mo na ako dito." sabi ni Sebastian ng mapansin nitong hindi ako sumunod sa kaniya.

Napahawak ako ng mahigpit sa pintuan ng makaramdam ako ng pagkahilo. Iniling-iling ko pa ang aking ulo dahil tila umiikot ang aking paligid. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Pagkatapos ay ginawa ko na ang iniuutos ni Sebastian.

Binuhat ko ang isang pinggang may lamang pagkain at saka pumasok sa malaking bulwagan. Naroon pa rin ang mga taong nakasuot ng magagarbong damit. Ngunit ang pinagtaka ko bakit wala sila Padre Damaso .

Lumapit ako sa may gawing kaliwa ng malaking mesa sa bandang gilid nang may biglang nagsalita.

"Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisanto Fuentes anak ng kaibigan kong nasa Europa." tiningnan ko ang lalaking ipanakilala ng matanda.

Nakasuot ito ng itim na americana at maganda ang tindig mistulang galing sa mayamang pamilya.

Teka. Nasaan na rin si Crisostomo Iba-

"Yusebio ! Baka makabasag ka ng gamit . Mag-ingat ka." bulong na sabi ni Sebastian sa akin. Napansin ko rin na muntikan ko ng masagi ang isang babasaging baso dahil sa abala ako sa pagtingin sa mga bisita.

"Sebastian... Nasaan si Kapitan Tiago?" tanong ko dito.

Napatingin naman ito sa akin na tila naguguluhan

"Kapitan Tiago? Sino iyon?" paguulit nito.

"Yung may-ari ng bahay na ito? Yung nagpahanda para sa mga bisita."

"Baka si Kapitan Torres ang tinutukoy mo. Siya iyong nasa gitna , iyong nagpakilala sa binatang galing Europa." sabi nito habang tinuturo pa kung sino iyon.

"Akala ko ba si Crisostomo Ibarra?" tanong ko ulit. Dahil iyon ang nakalagay sa kwento ng Noli.

"Sino namang Crisostomo ang tinutukoy mo?"

Napatingin na lamang ako sa kanya dahil naguguluhan na ako sa nangyayari.

Ibig sabihin panaginip nga lang talaga iyon?

Bigla ko lang napagtanto na baka pangitain ko na iyon. Na mapupunta ako sa nakaraan.

"Ang binatang pinakilala ni Kapitan Torres ay si Crisanto Fuentes. Balita ko galing sa mayamang pamilya iyan." pagpapaliwanag ni Sebastian ng lumapit ito sa akin.

"Nasaan na ang mga kura?" tanong ko dito dahil hindi ko na nakita sina Padre Salvi at Padre Damaso.

"Ang mga kura na tinutukoy mo ay sina Padre Lopez at Padre Dominico." sagot nito

Gulong gulo na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na nga malaman ang dahilan kung bakit ba ako napunta sa ganitong kalagayan.

Bumuntong-hininga ako saka bumalik sa aking ginagawa.

Pinagmasdan ko rin ang mga bisitang masiglang nag-uusap habang sila'y kumakain.

Hanggang sa nagsalita ang isa sa umpukan ng bisita.

"Matagal kang nawala Crisanto, marahil ay nakalimutan mo na ang inyong bayan." tanong isang matandang lalaki sa binatang galing sa Europa.

"Hindi po. Kahit na wala akong natatanggap na balita ay ni minsa'y hindi ko kinalimutan ang inang bayan." sagot nito sa matanda.

Tumindig ito at saka itinaas ang kupita .

"Ipagpaumanhin ninyo Ginoo ang aking pagtindig, kararating ko lamang at lalakad din ako bukas patungong San Diego, kaya uminom tayong lahat." dugtong nito.

Nagsi-sang ayon naman ang ibang panauhin na nasa mesa.

San Diego ? Nage-exist pa ba ang lugar na iyon sa kasalukuyan?

Matapos ang malaking piging ay nilapitan ako ni Sebastian.

"Yusebio ! Gusto mo bang sumama sa akin bukas ng umaga patungong San Diego?" tanong nito sa akin ng makalabas kami sa tahanan ni Kapitan Torres.

"San Diego? Di ba dun ang bayan ni Crisostomo Ibarra ?" magkasunod ko ditong tanong.

"Crisostomo Ibarra? Kanina mo pang binabanggit ang ngalan ng lalaking iyan. Wala akong kilalang Crisostomo. Ngunit may mga Ibarra na naninirahan sa San Diego." pagpapaliwanag nito sa akin. Hindi na ulit ako nagsalita at sinundan ko na lamang si Sebastian.

Maliwanag ang paligid sa karimlan ng gabi. Tumingala ako at napansin na bilog ang buwan.

"Sa ika-apat na kabilugan ng buwan magbubukas ang pintuan ng nakaraan , at ang pag-iibigang naudlot ay magkakaroon ng katapusan."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng matandang babae na tinulungan kong makatawid.

"Sebastian !" tawag ko. Tumiggil naman ito sa paglalakad at humarap sa akin. " Pang-ilang kabilugan ng buwan na ngayon?" tanong ko.

Tumingala ito saka nagsalita. "Sa tingin ko pang-apat na." sabi nito saka ako tiningnan. "Bakit mo naitanong." dugtong nito.

Pang-apat? Ito ba ang tinutukoy ng matandang babae ? para sa akin baa ng kanyang sinabi ?. napailing na lamang ako saka patuloy na naglakad.

Dumaan kami isang eskinita at lumabas sa isang malawak na daan. Malalaki ang mga bahay na luma ang pagkakayari. Ang nagsisilbing liwanag ay ang buwan at iilang mga lamparang nakatayo sa gilid ng kalsada. Tahimik ang paligid. Ganito nga siguro noong unang panahon. Hindi katulad nitong kasalukuyan na sobrang ingay ng paligid dahil sa mga makabagong sasakyan na polusyon lamang ang hatid.

Nakasalubong pa namin ang isang kalesang may sakay na pasahero. Sinilip ko kung sinong sakay nito.

Nang makita ko kung sino'y napatigil ako. Tila bumagal ang takbo ng orasan ng magtagpo ang aming mga mata.

Isang binibini.

Isang magandang binibini.

Biglang nanikip ang aking dibdib nang malampas ito sa amin.

Ngayon ko lamang naramdaman iyon. Tila kilala ko siya.

Tila kilala siya ng aking puso.

-

VOTE ! VOTE !

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon