What to follow best: your mind or your heart? Well ofcourse, we have different opinions about it.. pero paano mo ba malalaman kung tama ang pinili mong sundin?kailan? Kapag ba....huli na ang lahat? When to follow your heart and when to listen to your mind?
Part 1
SANDY
Nasa kalagitnaan na ako ng maganda kong panaginip nang biglang "beep.beep." one message received from my bestfriend, Anya. The message goes,
" girl! What a good morning for you!
Magload ka na dali! si lester
yung crush na crush mo?
Itetext ka mamaya gaashh!!! This is it sandy!"
Sa sobrang bigla ay napatayo ako sa kama at tumili sa sobrang kilig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon,i thought nananaginip parin ako dahil noon akala ko tanging sa panaginip lang ito mangyayari, and so i texted back and said,
" waaatt??!! Baka naman pinagttripan
mo lng ako ah nako di kta mapapatawad >.<
. Pero.. bkt niya ako ittxt? Pno mo nlamn? "
Excited ko itong sinend.IIt felt like nasa cloud nine ako nung mga oras na yun at na extend pa nung nagtext na nga si lester sa akin. It started with a simple hello at ilang linggo lang ang lumipas ay niligawan na nya ako. That was one of the best moments of my life. It was like a dream came true. Before, crush ko lang sya dahil sa gwapo sya at may talent pero ngayon dahil sa pinapakita niyang kabaitan ay nainlove na 'ko sakanya. Everyday mula pagkagising hanggang sa pagtulog sya ang katext ko minsan ay lumalabas din kami. Sa isa't isa rin namin sinasabi ang mga problema namin na parang matagal na kaming mag kakilala. Napakabilis niyang makapalagayan ng loob. Hindi boring kasama at napakabait, lalu na saakin. It was like fairytale.
Ngayon ay ang ikatlong buwan niya ng panliligaw saakin. Nag aya syang manood ng sine, at syempre pumayag ako. We met at the jeepney station.nauna syang dumating, i smiled and said " kanina ka pa? Pasenya na ah na late ako, si mama kase eh".
Wala naman tlagang kasalan ang mama ko, ginawa ko lang syang excuse dahil ang totoo natagaln lang ako sa pag aayos. " Ok lang.." sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata, "kaya kong maghintay forever, basta ba ikaw ang hinihintay", sabi niya sabay pisil sa aking pisngi. Na-speechless ako dun, kaya inaya ko na syang sumakay. Binuksan ng driver ang radio at ang kanta ay forevers' not enough by sarah geronimo. Tahimik lang akong nakikinig ng biglang "..and if forever's not enough for me to love you, i'll spend another lifetime baby." Nakatitig sya sa aking mga mata ng sabihin niya ito at ako, speechless nanaman. Napangiti nalang ako at nakinig nalang muli kahit na gustong gusto kong sabihin na ganun din ang nararamdaman ko sa kanya. I will love him forever and always. " Manahimik ka dyan ok?," biro ko sakanya. " bakit naman sinasabi ko lang ang totoo, kinikilig karin eh no hindi mo lang pinapahalata ", ang sabi nito. " wow ah ang kapal mo.." sabay tawa at kurot sa knyang braso. "Kailan mo ba ako sasagutin,babe?" Pabirong tanong nito." Ano'ng sabi mo? babe? Lakas ng trip mo no," Parang kami lang ang tao sa sinsakyan naming jeep kung makatawa at magbiruan.
Ang saya ng mga sandaling iyon ng biglang nagsisisigaw ang mga pasahero at bago pa ako makalingon kung anong nagyayari ay naramdaman ko na ang malakas na paghampas ng sinasakyan naming jeep kung saang pader o kotse o kung anumang nabangga namin and the next thing i know sinusugod na kami sa ospital then everything turns dark...
Pag kagising ko ay may maingay na kung ewan sa aking tabi, monitor na walang tigil sa pagtunog ng paunti unti ngunit nakakatakot at isang tube na nakakabit sa aking bibig. Malabo parin ang aking paningin ngunit alam kong ang aking nasa harapan ay si mama at papa, nag aalala at tuliro parin ang kanilang mga mukha, may sinasabi sila saakin ngunit hndi ko ito marinig dahil ang tanging gusto kong marinig ngayon ay kung kamusta si lester. Kaya kahit hirap ay pinilit kong mag salita, "ma, na-saa-n si-i les-ter?" Matagal bago sya sumagot kaya lalu pang nadagdagan ang kaba ko sa dibdib pero ang hindi ko kinaya ay ang sumunod nyang sinabi, "Anak.. napuruhan ang ulo ni lester, hindi na kinaya ng katawan niya.." parang nablangko ang utak ko nung sinabi niya iyon. " w-alll-a na sya?" tumango at inakap ako ng mama ko. masakit man ang mga pasa at sugat ko sa katawan, sobrang sakit man ng ulo ko, mas masakit parin ang nararamdamang sakit ng puso ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit at umiyak nalang.parang dinurog ng pinong pino ang puso ko.. hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na ang mahal ko, kanina lang ang saya naming dalawa, ngayon, naiwan nalang akong nag iisa..
5 years later..
Tommorow is my 22nd birthday kaya nag outing kaming pamilya sa boracay with my bestfriend Anya. Napaka ganda ng view mula sa kwarto naming dalawa. Kitang kita ang ganda at lawak ng dagat. Pati mga turista, may mga amerikano, korean, feeling amerikano,feeling koreano at marami pang iba.
Kahit napaka init ay nag aya na si Anya na mag tampisaw sa dagat,dahil naiinip narin ako ay sumama na ako.
" Girl, ang daming gwapo no.." sabi ni Anya. "Hala ka parang wala kang boyfriend kung makatitig sa mga lalaki ah.." biro ko dito. "Heto naman sinasabi ko lang na gwapo eh, tska hindi ko nmn papalitan ang my labs ko, ikaw ang hinahanapan ko ng boyfriend, 22 kana girl,". Sa tuwing may pag kakataon si Anya ay ganito palagi ang hinihirit nya sa akin. "Ano naman ngayon kung 22 na ako? Tska wala na akong balak mag boyfriend ilang beses ko bang sasabihn sayo girl.. "ang sabi ko dito nang biglang mula sa kawalan ay sumingit sa aming usapan. "Bakit naman miss?" Isang lalaking naka shorts at white sando ang biglang nagsalita mula sa aming likod. "At sino ka naman para makinig sa usapan ng iba, aber?" Pagtataray ko dito. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pakialamero. "I'm lester," Sagot nito. Tila tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng banggitin nito ang kanyang pangalan. Bigla ko tuloy siyang naalala.. at muli,nagbalik nanaman ang sakit ng kanyang pagkawala. Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at tumakbo papalayo sakanila.
***
" Ok ka lang ba girl?" tanong ni Anya habang iniaabot saakin ang kanyang panyo. "oo naman," Matamlay kong sagot. "Tara labas tayo,kaninang hapon kapa diyan 7 na ng gabi oh, sulitin naman natin ang outing.." pag aaya nito. Pero wala na ko sa mood pang lumabas at isa pa pagod ako sa biyahe kaya nagdesisyon akong manatili nalang at matulog." Sige ikaw nalang muna,bukas nalang tayo mamasyal na dalawa,bukas panaman ang birthday ko eh." Sagot ko dito.
Pasado alas dose na nang makabalik si anya. Nagulat siya na gising parin ako, " oh akala koba matutulog ka?? Bakit gising ka pa ?",pag usisa nito. Hindi na ako sumagot pa dahil alam ko na alam niya kung ano ang dahilan nito. It's been 5 years since ng mawala siya pero hanggang ngayon iniiyakan ko parin siya na para bang kahapon lang yun nang yari. Walang araw na hindi ko siya na miss.lalu pa't hindi ko man lang nasabi sakanya na mahal na mahal ko siya.hindi ko nasabi sakanya kung gaano siya ka-importante sa buhay ko. Naalala ko ang sinabi niya saakin na kaya niyang maghintay habang buhay para saakin, na lalu pang nagpabigat ng nararamdaman kong sakit ngayon. " hintayin mo ako diyan sa langit ah..",bulong ko sa sarili ko. "Ano?.." gising pa pala si anya."lakas naman ng pandinig mo. Sabi ko goodnight." Ngumiti ito at lumapit at ako'y inakap ng mahigpit," happy birthday bestfriend,im so blessed ikaw ang bestfriend ko.napaka bait mo saakin kaya promise ko,hinding hindi ako mawawala. Andito lang ako palagi..",sabi nito habang yakap ako ng mahigpit.
Kinabukasan, ginising ako ng malalakas na mga katok sa pintuan at nang buksan ko ito bumungad saaking harapan ang mga cute na cute na pink baloons na hawak-hawak ni daddy at sina mommy at anya na sabay-sabay sumigaw ng "happy birthday sandy!". Isa isa nila akong inakap ng mahigpit. "Thank you mommy,daddy.." iniabot ni anya saakin ang isang malaking teddy bear na kulay brown at pink. "Thank you girl! I love it! Super!", sabi ko dito inakap ko ulit si anya. "Oh anak, blow na your candles.." isang heart-shaped cake ito na sa hula ko ay 22 ang mga nakalagayna candles. Napaka ganda nito at ang sarap titigan, but then again birthday candles are meant to be blown and so i did at muli silang naghappy birthday.
Pagkatapos 'non ay naligo na ako habang sila ay nag hihintay sa restaurant sa lobby ng hotel na tinutuluyan namin.
I am about to leave 'nung biglang nasagi nanaman sa isip ko si lester. Kung nandito lang sana sya sigurado mas masaya ang birthday ko,mas naging masaya sana ang graduation ko,ang debut ko...ang bawat araw ng buhay ko. Pero ang lahat ng ito ay hanggang "sana" lang. Sa maikli naming pagsasama,alam ko na minahal nya ako ng sobra. Alam ko din na alam nya na mahal ko sya kahit ni minsan hindi ko nasabi sakanya 'yon. At araw-araw ko yung pinag sisisihan.
Binuksan ko ang bintana ng kwarto at tumingin sa langit."alam ko nandyan ka..",ang sabi ko habang nakatingala sa langit,kausap sya."..tinitignan ako. Ganda ko 'no ? Bakit mo kasi ako kaagad iniwan, yan tuloy hanggang tingin ka lang saakin. Pero wag kang mag alala..", unti-unting nangilid ang mga luha sa mga mata ko,"... sa'yong sayo lang ako forever, promise." Forever. Minsan ko ng naisip kung may pagmamahal nga ba na tumatagal forever bukod sa pagmamahal ng pamilya, ngayon alam ko na ang sagot, oo, at ako ang patunay doon.
BINABASA MO ANG
Everyday I Love You
RomanceWhat is right? What is wrong? In love, you can never tell. Witness a story of friendship tests by destiny's playful hands, and know how love can truly wait for the right time and how true love can lasts forever.