Part 9
LESTER
Hinatid ko na sila pagkatapos naming kumain.
Habang naglalakad ako pauwi, inaalala ko ang mga pangyayari kanina.
Sinusulyap-sulyapan ko siya habang kumakanta ako at bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nagkikita ang aming mga mata.
Ano kaya ang mangyayari kapag nagtapat na ako sakanya?
Sasagutin ba niya ako?
O di naman kaya ay bigyan ng chance?
O baka naman, hindi niya ako type... haaay! Nakakabaliw na 'to.
Hindi ko na kaya ang suspense. Tatapusin ko na 'to. Magtatapat na ako bukas.
Now or never.
****
SANDY
Napahanga ako sa pagkanta kanina ni Lester kahit hindi naman 'yun ang unang beses na narinig ko siyang kumanta. Napakasarap niyang pakinggan sa tenga at yung kinakanta niya parang galing talaga sa puso. Napaka sincere.
Ewan ko ba kung bakit pero parang this past few days, palagi siyang sumasagi sa isipan ko.
Siguro dahil sa palagi siyang binabanggit ni Anya, kahit palagi ko siyang binabara sa tuwing bini-build up niya sa akin si lester, sa totoo lang,
..agree naman ako sakanya.
Tulad ng sabi ni Anya, napakabait nga nito at gentleman. Palagi siyang nakangiti kaya napaka gaan ng pakiramdam kapag kasama mo siya.
Ang sarap niyang kasama. And there's something in his eyes that would make you want to stare at him some more.
Ewan ko ba bakit ko iniisip ito, ni wala naman siyang nababanggit na manliligaw sya. Emotera lang talaga ako...
Tska parang.....
Mmmm...
Wala. XP
Pagkatapos kong mag facebook ay dumeretso na rin ako sa pagtulog.
Ano nanaman kaya ang mangyayari bukas?
:)
****
" Sandy! Halikana handa na ang almusal... "
" Opo mommy, pababa na,"
Pagkatapos kong mag almusal at maligo ay pumunta ako kina Anya. Manonood daw kame ng D.V.D na dala ni Joey.
" Anong meron? Buti at nagpakita yang boyfriend mo?"
Sabi ko kay Anya habang gumagawa kami ng Meryenda sa kusina.
"Ewan ko nga eh, nagulat nga ako. Wala man lang pasabi.
Akala ko di na magpapakita eh,"
"Kinilig ka naman," biro ko dito.
"Hinde ahh," sagot nito.
"Tinawagan mo ba si Lester?"
"Uyyyy.. hinahanaaap! Hala, tinamaan ka na no???" Biglang lumaki ang kanyamgmga mata na para bang may sinabi akong himala.
"Ikaw talaga napaka malisyoso mo girl..." sagot ko naman.
Pagkatapos namin ay pumunta na kami sa sala kung saan naghihintay si Joey, sakto at natapos na niya ring iset up ito.
Umupo ako sa maliit na sofa habang sila ay dun sa isa habang nakaakbay ang kamay ni joey sa balikat ni Anya.
Ay ang sweet, kunware pa syang hindi kinikilig.
Tinutok ko nalang ang atensyon ko sa pinapanood naming movie.
Nasa kalagitnaan na nang aming pinapanood ng biglang may doorbell.
"Ako na magbubukas mah friend," sabi ko kay Anya.
Pag bukas ko ng pinto, bumungad saakin ang napakalaking bouquet of red roses na hawak-hawak ni Lester.
*****
LESTER
Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa bahay ni Anya.
Hanggang sa may magbukas na ng pintuan at makitang si Sandy pala yun.
Hindi ko inaasahang nandito siya.
Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang sumunod kong nakita:
Nakangiting nakatingin saakin si Anya na tila gulat na gulat habang may isang lalaking nakaakbay sakanya...
Ano'ng nangyayare?
Sino siya???
Natulala ako sa aking nakita. Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib.
Nang biglang tumayo sa kinauupuan niya si Anya,
"Oh my gosshh... is that flower's for Sandy??
Manliligaw ka na ba sakanya??" Gulat na gulat na sabi nito habang bakas na bakas ang saya sa kanyang mukha.
Hindi ko alam ang gagawin ko, natataranta ako sa mga nangyayare.... kaya nakasagot ako ng 'di ako nag iisip kung anong mangyayare.
" O..o..oo. " nauutal kong sabi.
ANYA
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa nangyayare ngayon.
Atlast! Nagkatotoo na ang gusto kong mangyari.
Putlang putla si Lester habang inaabot ang flowers kay Sandy. Halatang kinakabahan.
Talagang sinundan pa niya si Sandy dito sa bahay namen. Haaayyy.. Love is in my house!!
Sabi ko na nga ba eh, dito talaga 'to hahantong. Im just so happy for my friend.
" halika lester, pasok ka!"
"Ah. H-hindi na.. d-dinaan ko lang talaga to para say-- para kay Sandy," halatang-halata na kinakabahan ito.
"May pupuntahan pa kase ako.. uhm.. kita nalang tayo b-bukas... Sandy,"
"Sige.." sagot ni sandy na tila gulat parin hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Everyday I Love You
RomanceWhat is right? What is wrong? In love, you can never tell. Witness a story of friendship tests by destiny's playful hands, and know how love can truly wait for the right time and how true love can lasts forever.