Part 8
ANYA
Habang tumatagal ay lalo kong nakikila si Lester. Ang bilis lang niyang makapalagayan ng loob.
Bawat araw na kasama ko siya ay lalo kong inaadmire ang kanyang pagkatao; gwapo pero hindi mayabang, mabait, gentleman at....
..napakaganda ng ngiti niya.
Nakakatunaw din siya kung tumingin, minsan kinikilig na nga ako. Haha. Parang baliw lang. Syempre para kay Sandy na siya at ako...
Hmmmm...
may boyfriend na.
Di ko pa siya nakikita since nung nakabalik kame from boracay, call at text lang communication namin. Ewan ko sakanya, busy rin naman akong nagbbuild-up ng loveteam dito eh kaya Oks lang, no big deal.
His name is Joey. We've been together for about two months na... pero ang relationship namen ay parang relationTRIP lang, in short trip lang talaga.
Though alam ko may feelings naman kami sa isa't isa kahit papaano, hindi yun ganun kaseryoso.
Ewan ko ba, ganito yata talaga ako, never pa akong nagseryoso sa isang relasyon.
Kung ang iba bigay na bigay, ako parang wala lang saakin. Natatakot na nga ako kung minsan... hindi kaya ako makarma ne'to?
****
Today, magsisimba kaming tatlo.
Nasa harapan kami ng bahay ni sandy habang nakaupo at hinihintay si Lester. Nagkukwentuhan kami nito nang dumating si siya.
"Oh tara na mga beautiful,"
"Beautiful talaga, swerte mo diba," sagot ni Sandy.
"Swerte talaga," sabi naman ni Lester, sabay ngiti sa aming dalawa.
****
Pagkatapos ng misa nag-aya si Lester na kumain muna. Kaya pumunta kami sa isang resto bar. Masarap daw kase 'dun ang pagkain sabi nito.
Pagdating namin sa resto-bar ay may kumakantang mga banda. Kaya pala resto-bar...
Umupo kami sa may bandang gilid kung saan tanaw na tanaw ang view sa maliit na hardin ng resto-bar.
"Order na tayo, it's on me." Sabi ni Lester.
Umorder kami ng sweet and spicy chicken na specialty daw nila dito, beef sisig at fish fillet.
Habang hinihintay namin yung order namin, nagkukwentuhan kami tungkol dun sa bakasyon namin sa boracay. Nang biglang nagsalita ang isang member nung bandang kumakanta kanina, sabi nito,
" Good evening to all of you guys. Let's go have some fun, we are open for any song request or pwede din pong kayo ang kumanta.. just let us know,"
Bigla kong naalala noong kinantahan kami ni Lester sa boracay...
"Uy, lester, kanta ka 'dun oh,"
"Ako? Hmm.." tila nag dalawang isip pa ito.
"Oo nga, magaling ka naman eh, kanta ka na," dagdag ni Sandy.
" sige na nga... " agad-agad itong tumayo at kinausap yung mga tao sa stage.
Sus, 'nung si Sandy na ang nakiusap kaagad siyang umoo. Haayy, may nararamdaman na talaga akong something sa dalawang 'to.
'Nung nagkasundo na sila, umakyat na si lester sa stage, tumugtog na ang kanta at suddenly, nakatitig na kaming dalawa, actually lahat kami, sakanya.
" Na Na Na Na Na ...
He takes your hands
I die a little
I watch your eyes
And i'm in riddles
Why can't you look at me
That?..."
Biglang nagpalakpakan ang mga tao habang ito ay kumakanta.. napansin kong nakangiti itong si mah friend ko.. kinikilig kaya????
"... Na Na Na Na Na
When you walk by
I try to say it
But then i freeze
I never do it
My tounge gets tied
The words get trapped,
I hear the beat of
My heart
Getting louder
Whenever i'm
Near you...
But i see you
With him, slow dancing
Tearin' me apart
'Coz you don't see...
Whenever you kiss him
I'm breakin'
Oh how i wish
That was me... "
All through out the song nakatitig lang si Sandy sakanya habang pangiti-ngiti. Nakuu nadedevelop na kaya???
Pagkatapos nang kanta sabay sabay ulit nagpalakpakan ang mga tao.
Ang galing kasi niyang kumanta, lalo tuloy siyang gumagwapo. Kaya ayan tuloy natutulala itong kaibigan ko.
"Good.. Good," sabi ko sa sarili ko.
Pagbalik niya sa upuan hindi siya makatingin ng diretso, nahihiya? Ano kayang kinahihiya nito eh ang galing naman niya. Tsk, napakahumble naman.
" Ayos ah, ang dami mo nang fans," ang sabi ni Sandy at nag-high five ang dalawa.
"Syempre ako pa, ang galing ko kaya," pagmamayabang nito.
Nako, binabawi ko na yung humble. Erase. Erase. Pero, totoo naman nga, magaling talaga siya.
Halos magkasabay lang natapos at dumating si Lester at ang mga order namin.
Sabay-sabay kaming kumain habang nagkukwentuhan ng kung ano-anong bagay.
Pagkatapos ay umuwi na kami.
BINABASA MO ANG
Everyday I Love You
RomanceWhat is right? What is wrong? In love, you can never tell. Witness a story of friendship tests by destiny's playful hands, and know how love can truly wait for the right time and how true love can lasts forever.