Part 7
LESTER
"Beeep-beep, beeep-beep"
One messaged received
from:
Anya
Para akong bakla na biglang kinilig 'nung makita kong nag-text saakin si anya. Hindi ko inaasahan 'to. Weew!
Ano kaya 'yung gusto niyang sabihin?? Haayy...
...kinakabahan ako. Sana dumating na ang bukas. I can't wait... (nababading na yata talaga ako -_- )
***
Kinaumagahan, maaga akong nagising. (Iba na ang excited) Kinalkal ko ang mga damit ko para tignan kung anong babagay na isuot ko ngayon. Hayyy, kinakabahan talaga ako.
7:30 AM palang. 7 hours and 30 minutes pa ang hihintayin...
..........
..........
10:00 AM
..........
..........
10:56 AM
Uggghhh!! Ang tagal ng oras! Kung kailan hinihintay mo dun mabagal, kung kailan naman ninanamnam mo ay napakabilis, tulad nung bakasyon sa bora, ang bilis bilis, tapos na kaagad.
..........
..........
11:30
..........
..........
12:30
..........
..........
1:30
Yes! Kaagad agad akong tumakbo papalabas ng bahay namin at tumungo sa bahay ni Anya.
........
Heto na, nandito na ako...
Kakatok na sana ako ng biglang...
"Uy lester! Anong ginagawa mo dito? " Biglang sumulpot sa kawalan si Sandy.
"Ikaw pala Sandy, ah wala may usapan lang kami ni Anya na magkita ngayon," sagot ko dito.
Biglang bumukas ang pintuan.
"Oh hey guys, nandito na pala kayo,"
ANYA
Yes, nandito na ang mga "soon to be" love birds. Plano ko talaga ito para magkakilanlan sila ng mabuti.
" oh tara na! "
" Ha? Saan tayo pupunta??"
Tanong ni Sandy. Hehe. Hindi kasi nila alam na mamamasyal kami ngayon para hindi na makatanggi itong si mah friend ko.
"Naisip ko lang na mamasyal tayo, nabitin ako 'dun sa boracay naten eh,"
****
Pumunta kami sa mall. Naglakad lakad habang nagkukwentuhan. Napaka gentleman nitong si Lester. Siya lahat ang nagbabayad sa kung ano-ano; sa pamasahe, sa ice cream, sa popcorn... hayy, pumopogi points na talaga siya.
"Upo muna tayo, baka napapagod na kayo sa kakalakad," sabi ni Lester.
"Oo nga parang namamaga na 'tong mga paa ko," dagdag naman ni Sandy.
" uhmm, Lester, ilan na ang mga naging girlfriend mo?"
"Ha?" Napalunok ito sa tanong ko, tila nabigla.
"Sabi ko ilan na ang mga naging girlfriend mo,ulit ulit?"
"Ahh... isa palang,"
"Oh, so anong nangyare bakit kayo nagbreak?" Tanong ko ulit dito.
"Uy, girl sobra ka naman kung magtanong," sabat naman ni Sandy. Para sayo 'to loka!
"Hinde sandy,okay lang.. actually nagbreak kame dahil may third party,"
"Third party??? Nambabae ka?"
napatingin kaming dalawa ni Sandy sakanya.
"Nako hinde, sa part niya yun. Ano banaman, mukha ba kong gagawa ng ganung bagay?" Sabi nito sabay tingin at kindat saakin. Napangiti naman ako.
"Sabagay...anong ginawa mo 'nung nalaman mo yun?"
" Kinausap ko siya kung anong dahilan niya bakit niya nagawa yun... sabi niya mahal daw niya kaya ayun hiniwalayan ko na."
"Hindi mo pinaglaban?"
"Hindi na, kahit naman ipaglaban ko siya at makuha ko ulit alam kong hindi na siya magiging masaya sa piling ko..."
Pinahanga nya ako 'dun sa sagot niyang yung, imagine siya na yung sinaktan, yung kaligayahan pa nung babae ang inisip niya. Lester, lester... konti nalang at papayagan ko nang mainlove sayo si Sandy.
" Paano mo nakayanan nung mawala sayo 'yung mahal mo?" Biglang tanong ni Sandy. Naku! Nakarelate ang lola.
"Syempre mahirap sa umpisa,
Lalu na kung mahal na mahal mo talaga yung tao ...
Pero wala eh,
may mga bagay talaga na sadyang hindi laan sayo,kahit anong gawin mong pag-iyak at pagmukmok hindi na siya babalik pa,"
Seryosong sagot ni Lester. At titig na titig lang sakanya si Sandy habang nagsasalita ito.
Mukhang bagay talaga silang dalawa,parehong seryoso kung ma-inlove not to mention parehong naiwan.
Hay nakuu.. match made in heaven kaya sila ? ^__^
*****
7 PM na kaming nakauwi ng bahay pero si sandy nagstay muna sa bahay ko.
Tahimik lang ito through out the whole pasyal, paminsan minsan lang siya nagsasalita pero alam ko madalas niyang pagmasdan si Lester, siguro naiisip niya nanaman yung panaginip niya nung isang gabi.
Umakyat kami sa kwarto ko pagkatapos naming mag hapunan kasama sila mama at papa.
"Oh ano girl, ano tingin mo kay Lester?" Sabi ko sakanya.
" Ha?? "
"Asuss kala mo di kita napapansin kanina?
Pinagmamasdan mo kaya siya.."
"Ano ka! Hindi kaya no.. sobra ka.." inis na sabi nito.
Asus ito talagang bestfriend ko nag-dedeny pa...
"Kala ko ba mag momove-on kana girl?
Malay mo siya pala yung makakatulong sayo para makalimutan mo si ano..."
"Oo nga, pero ano yun gagamitin ko si Lester para makalimot? Ayoko nga, unfair naman yun sakanya..." paliwanag nito.
"Hindi ko naman sinasabing gamitin mo siya...
Ibig kong sabihin pwede siya sayo girl... kung sakale boto ako sakanya," tinapik ko ang balikat nito habang pa-ngiti ngiti.
"Ewan ko sayo!" Pagtataray nito sabay hampas sa akin ng unan.
Bilang ganti, hinampas ko rin siya ng unan at ayun... pillow fight!!!!
^__^
Ang saya lang nitong araw na ito. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganito kasaya.
BINABASA MO ANG
Everyday I Love You
RomanceWhat is right? What is wrong? In love, you can never tell. Witness a story of friendship tests by destiny's playful hands, and know how love can truly wait for the right time and how true love can lasts forever.