Part 4

38 1 0
                                    

Part 4 

Lester

  Nerbyos. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. At 'yan din ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya.  

  Matagal ko nang kilala sina Sandy at Anya, mula pa noong college. Una ko silang nakita 'nung minsan kaming nagka-sabay sa jeep; sila papasok sa school nila, ako papunta sa ibang school para mag-enrol. Mula noon 'di ko na sya nakalimutan, ang mga ngiti nya,mga mata nya, ang boses, everything about her. 'Yun na nga siguro ang tinatawag nilang "love at first sight". 

  Pinilit kong alamin kung ano ang pangalan nya,saan sya nakatira, lahat ng pwedeng malaman tungkol sakanya. Swerte naman at may kakilala ako na nag aaral sa school nila. And so i found out that her name is Anya Martinez. 

  It's now 8 o'clock. 30 minutes more or less, nandito na sila, nandito na sya. Wala naman akong balak na magtapat sakanya... sa ngayon. I just want to do something special for her or for them, para hindi lang manatili sa boracay ang samahan namin. 

  And then, here they are. Linapitan ko sila agad at inalalayan sa special table na para sakanilang dalawa. "Ano 'to lester?? Manliligaw ka na ba sa best friend ko?!" Sabi ni Anya na ikinagulat naming pareho ni sandy. "Sira ka ba Anya? Anong pinagsasa-sabi mo?! Nakakahiya kay lester!" Galit na sabi ni Sandy kay Anya. "Hinde, wala 'yun. Actually this is for the both of you. A thank you gift para sa friendship natin," paliwanag ko dito, sana hindi naman nila napansin na kinakabahan ako. " So, sitback,relax and enjoy the show." Sabi ko sakanila tska na ako bumalik sa mga kasama kong mga banda na nakilala ko lang din dito. " hello...sound--check," heto na, ninenerbyos na talaga ako pero i still manage to smile. "Enjoy... 'mah friends' " sabi ko sa mic at nagtawanan silang dalawa na nakatingin saakin. I raise my hand, sign na umpisahan na namin.. i chose to sing Wag Matakot by eraserheads...

"Huwag kang matakot, 

'di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi, 'di kita pababayaan kailan man... At kung ikaw ay nahulog sa bangin, ay sasaluhin kita..."

  Kahit kumakanta, hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang magandang mukha... bawat titik at salita na binibigkas ng kanta ko ay alay ko para sakanya.

"..Huwag kang matakot na matulog mag-isa, kasama mo naman ako.. Huwag kang matakot na umibig at lumuha, kasama mo naman ako... Huwag kang matakot... 

Huwag kang matakot..."

*** 

  Kahit puyat pa at pagod dahil sa mga pangyayari kagabi, pinilit ko paring bumangon ng maaga para maabutan sina Anya. Ako'y mabilis na naligo,nag toothbrush at nagbihis pagkatapos ay pumunta na ako sa room nila na di naman kalayuan. Inabutan ko si Sandy sa labas ng kwarto nila na may dala-dalang bagahe. "Good morning," bati ko dito. "Uy ikaw pala..paalis nakami. Kayo kailan kayo uuwi?" Tanong nito. "Sa susunod na araw pa, sigurado mamimiss nyo ako," pambibiro ko dito. Ngumisi lang sya sabay sabing " baka ikaw?". Sinamahan ko na sya papuntang lobby at ako na rin ang nagdala ng mga gamit nito. Naabutan naming nag hihintay ang mga magulang nya at si Anya na nakatingin saamin habang kami ay papalapit sakanya,nakangiti, ang ngiting pinaka aasam ng puso ko. 

  "Hi, Lester," hindi parin nawawala ang mga ngiti nito. And i smiled back. Heto nanaman ako, kinakabahan nanaman, lalo na ngayon na napakalapit nya saakin. "Ang bilis naman ng araw, aalis na kaagad kayo," sabi ko kay anya. "Oo nga eh, pero magkikita pa naman tayo diba??" Masayang tanong nito. "Oo naman, 3 blocks away lang naman ako sainyo eh," tila nagulat sila pareho sa sinabi ko, wala talaga silang kaalam alam na magkalapit lang ang mga bahay namin. Ibig sabihin, di talaga nila ako napapansin, lalo na si Anya. "You mean taga makati ka rin??" Nagkunot ng noo si Sandy, takang taka sya nung sinabi kong oo, parang hindi naman daw ako taga doon dahil never nya pa akong nakita dati. Ganun din ang reaction ni Anya. "Mga anak, halina kayo heto na ang Van," natigil ang pagpapaliwanag nung tawagin na sila ni tita marian.

  Nakakalungkot isipin pero tapos na ang bakasyon. Pero gagawa ako ng paraan para makasama sila, para makasama siya. "Sige..." sabi ni Anya, "..dun mo nalang ituloy ang kwento,alis na kami." At nagpaalamanan na kami sa isa't isa.

Everyday I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon