Part 11

24 1 0
                                    

Part 11

SANDY

  Tanong nang tanong itong si Lester kung ok lang ba ako, bakit ba ang kulit niya...

Medyo masakit lang naman ang ulo ko.. yun lang yun.

  Habang naglalakad kami papuntang restaurant ay nagtanong ulit ito, tumango ako at sumagot ng okay lang talaga.

  Pero ilang saglit lang ay parang nanlabo ang aking paningin, sumikip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga...

Biglang naramdaman ko na lang ang katawan ko na nasa semento.

Hindi ko na maalala ang susunod na nangyari...

****

  Nagising nalang ako na nakatitig saakin ang lahat. Si Lester, Anya at Joey.

Iyak nang iyak itong si Anya.

"Girl, tahan na... okay na ako," sabi ko sakanya.

"Anong okay, kanina ok ka ng ok kay Lester yun pala masama ang pakiramdam mo!" Umiiyak paring sabi nito habang tinatapik-tapik ni Joey ang kanyang likuran.

  Biglang dumating sina Mommy at Daddy. Umiiyak rin si Mommy habang si Daddy bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ana-ak, anong nangyare?? Ok ka lang ba? May masaket??"

Yakap-yakap ako ni mommy habang hawak naman ni daddy ang aking kamay.

" ok na po ako, wag napo kayong mag-alala,"

  Ilang saglit pa ay may pumasok na doctor sa kwarto at kinamusta ang pakiramdam ko.

Pagkatapos ay kinausap niya sina mommy at daddy.

  Pag-labas nila, humingi ako ng pasensya sa mga kasama ko, nakakahiya, nasira ko ang date nila... ang date namin.

Napansin kong hindi mapakali sa kinatatayuan niya si Lester.

"Uy Lester, may problema ba? Ok ka lang?" Tanong ko dito.

Lumapit siya sa higaan ko at hinarapan ako na para bang tatay na manenermon.

"Ikaw 'tong nahimatay ako yung tatanungin mo kung ok ako?" Lumapit pa siya ng kaunti at pinisil ang ilong ko.

"Sa susunod sabihin mo kung may masakit ok? tandaan mo yan," parang kuya ko lang siya kung manermon.

He's so sweet. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

ANYA

  Ang masaya sana naming date ay nauwi sa pagkahimatay ni Sandy, bakit 'di ko napansin na masama ang pakiramdam niya???

  I hate myself! Knowing her hindi niya talaga sayo sasabihin kung masama ang pakiramdam niya. Titiisin niya ito kase ayaw ka niyang mag-alala. Hay Sandy.

Sana wala naman seryosong problema.

Habang naghihintay kami sa sasabihin ng doctor, pinag mamasdan ko ang dalawa na nag-uusap.

They look perfect together. At i can see na masaya itong si Sandy sakanya.

"Good,good", sabi ko sa sarili ko.

"Labas muna tayo,babe, iwanan muna natin sila," sabi ni Joey.

Lumabas kami ng kwarto at umupo muna kami sa waiting area.

Hinawakan ni Joey ang kamay ko, pero mabilis ko rin itong binawi.

"May problema ba?" Tanong nito.

Everyday I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon