Part 12
SANDY
Kaya pala sumasakit-sakit ang ulo ko kung minsan...
Kaya pala bigla nalang akong nahihilo..
May sakit pala ako..
Bakit ako pa?
Bakit ngayon pa?
Iyak ng iyak si mommy 'nung ipagtapat niya saakin ang kondisyon ko.
"Wag kayong mag alala mommy,daddy... kakayanin po natin ito.." sabi ko sakanila.
Sana nga kayanin ko.
Sana nga..
..........
..........
Alas-otso na ng gabi ng biglang dumating si Anya na may dala-dalang mga gamit.
Kahit kailan talaga ma-aasahan 'tong bestfriend ko.
"Hi girl, i'm back."
"Oh Anya, bakit kapa bumalik? gabi na ah,"
"Namiss kita eh,"
"Ikaw talaga, ilang oras mo lang akong hindi nakita namiss mo na ako?
Paano pa kaya kapag...
Nawala na ako."
Pabiro kong sabi sakanya, pero alam ko, hindi biro ang sitwasyon namin ngayon.
" huwag mo ngang sabihin yan Sandy!"
Napansin kong nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Ang drama naman ne'to... mah friend 'wag kang mag-alala... keribels ko 'to!" Sabi ko dito sabay ngiti.
"Dapat lang no... aagawin ko sayo si Lester kapag 'di mo kinaya ito," biglang sabi nito.
"Sus, bakit naman siya napasok sa usapan??"
"As if naman na 'di ko napapansin ha! Gusto mo na siya diba?diba??" Pangungulit nito.
Gusto ko na nga ba si Lester? Ewan, basta alam ko, masaya ako kapag nakikita ko siya.
" Ewan ko... basta, ok siyang kasama," sabi ko dito.
"...kaya magpagaling ka diyan, para mas matagal mo pa siyang makasama, ok?"
Ngumiti ito at bigla akong inakap ng mahigpit.
I love my bestfriend.
"Teka, biglang nawala si Joey kanina ah, ok lang ba kayo?"
"Mm,Oo ok lang, medyo nagtampo lang.."
"Bakit? Anong ginawa mo? Teka teka.. 'wag mong sabihing uulit kana nanaman?"
"Parang girl, ewan ko ba.. parang ayaw ko na.."
"Naku, ikaw talaga. Kawawa naman yung tao,"
Nagkibit-balikat lang ito.
"Nasaan nga pala sina tita?" Tanong ni Anya.
"May binili lang sa botika,pabalik na rin ang mga 'yun." Sagot ko dito.
Nanood kami ng movie sa laptop ko na dala ni Anya, girlscout talaga siya. Laging handa.
Tatlong movies ang pinanood namin hanggang sa kaming dalawa ay makatulog na.
****
Nagising ako na nakapalupot saakin ang mga kamay nitong si Anya. We are soooo close, aren't we??
BINABASA MO ANG
Everyday I Love You
RomanceWhat is right? What is wrong? In love, you can never tell. Witness a story of friendship tests by destiny's playful hands, and know how love can truly wait for the right time and how true love can lasts forever.