Part 3

55 1 0
                                    

Part 3 

Sandy 

  Malakas talagang manalangin itong si Anya. Bawat pitik at galaw palang nito alam ko na ang ibig sabihin. No way, Anya. Not this boy. Totally not him. "Tara, lunch tayo. My treat." alok nito. Lunch? Agad agad? "Maybe some other time nalang.." pagtanggi ko dito sabay baba sa duyan at hinila si anya, "..uwi na tayo." ngunit bigla itong humarang sa daan, "teka teka miss, i mean no harm okay? I just wanted to be friends,yun lang," Tumango nalang ako dito at bahagyang ngumiti. "Bye,les." Sabi ni Anya habang hila hila ko ang kanyang kamay papalayo. Ano'ng sabi niya? Les? Ilang minuto nya palang nakikilala may nickname na kaagad sya dito? Si Anya talaga. Pero, okay na rin siguro yun,atleast... 

  Bumalik na kami sa room. I thought i-enjoy naman namin yung hotel. "Girl you're so bad.." nakahiga si anya sa sofa habang binubuksan ang chips na hawak nito. ".. nakikipag friends lang yung tao tinarayan mo na agad,kawawa naman sya." Sabi nito, napansin kong medyo mainit sa kwarto kaya binuksan ko ang bintana para pumasok naman ang hangin.

  Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang lalaking tinutukoy ni anya sa may beachside. Tumalikod ako at umupo sa sahig habang nakasandal sa kinahihigaan ni anya. "Hindi ko naman sya tinarayan ah, bait ko nga sakanya eh," inabot ko ang remote control ng t.v at binuksan ito. " sabagay, bago palang natin syang kakilala..." sagot ni anya. "..though mukha naman syang mabait girl, at aminin mo gwapo sya. And yung mga mata nya girl medyo singkit, alam ko ganun mga tipo mo eh, diba?" Anya naman! kailan ba ako titigilan nito? Palagi nya itong ginagawa. Hinahanapan nya ako ng pwedeng boyfriend, in-short pamalit kay lester, kahit alam naman naming dalawa na hindi mangyayare iyon. Hinding hinde. Ayoko. Ayaw na ayaw. Never! "Girl, pwede ba tama na yang pang bibuild up mo sakanya? Friends nga lang daw eh, diba?!" alam ko naman na kahit anong gawin ko hindi sya titigil pero atleast i tried, malay ko mag work. "Okay,okay..pero if we see him again wag naman natin syang iignore ok? Malay mo naman..." malay ko naman ano? Hay nako Anya. "Dyan ka muna mah friend ha? Puntahan ko lang sina mama," mas mabuti ng iwanan ko muna ang babaeng ito kayasa sa kung ano ano pa ang masabi. "Sige lang mah friend,happy birthday! Ha!ha!" 

  Naisip king puntahan muna sina papa. Para naman may "alone time" kami sa birthday ko. Kahit na 22 na ako, gustong gusto ko paring nagpapababy sa kanila. I want to be their baby forever. And i'll always love them both. Their room is 3 doors away from ours. "Daddy...si sandy po ito," kinatok ko ang pinto nila ng ilang beses pero walang sumasagot. Maybe nasa labas pa sila so i decided na bumalik na lang sa room namin ng may biglang tumawag sa akin mula sa likod.

  "Sandy?" sabi nito. "Oh, ikaw pala les--" hindi ko masabi ng buo ang kanyang pangalan, sa dinami dami ba naman ng tao, kapangalan pa ng mahal ko ang makikilala ko. "It's Lester. Dito rin pala kayo naka check-in" Tumango lang ako. "Sorry nga pala kanina.. I'm Sandy..." at naghandshake kame. "So, ilang days kayo dito?" tanong nito. "1 week lang,alis na kame next thursday..." sagot ko naman dito. 'Di ko mapigilang matitigan ang kanyan mukha. Napansin kong pareho kami ng nunal sa bandang ilong, at tama si anya...medyo gwapo nga. Not as gwapo as my lester though. "Would you mine kung ayain ko kayong lumabas mamayang gabi? Malapit lang naman dito sa hotel natin. May hawaiian dancers silang mag peperform mamaya." Naisip ko na wala namang masamang makipag-kaibigan,he seems nice naman at isa pa kung may gagawan naman syang masama, kayang kaya ko naman syang pakitaan ng taekwondo moves ko, so pumayag na ako. " Sige, sure. Wala rin naman kaming pupuntahan mamaya eh." biglang lumaki ang ngiti nito sa labi. "Alright so kita kits mamayang seven, sa harap ng hotel ok?" sabi nito sabay ngiti at lakad papalayo. Ngumiti nalang ako sakanya at nag bbye.  

  Pagbalik ko sa room nadatnan kong nag aayos ng damit si Anya. "Oh mah friend,may lakad tayo mamaya," umupo ako sa sofa at nilakasan ang volume ng tv. "Saan?.." tanong nito, i wonder kung ano amg magiging reaction nya kapag sinabi kong kasama namin si lester mamaya. "Dyan lang..." napatingin sya saakin,nag tataka. "..kasama natin si ano," kumunot ang noo nito. "Si les--" bago ko pa mabuo ang sinasabi ko ay sumabat na ito at napatayo sa kanyang kinauupuan. "Lester?!!! OMG girl?? Really???" Kung maka react itong si anya feeling mo ang one direction ang sinabi kong kasama namin. Hay nako Anya. "Nakita ko sya kanina," paliwanag ko, hindi parin nawawala ang pag kagulat nya sa sinabi ko. "..dito rin ata sya tumutuloy." Pangiti ngiting pinagpatuloy ni anya ang kanyang ginagawa. "You just made me so happy mah friend," sabi nito habang tila kinikilig. "At bakit naman? Nako girl ha umayos ka mamaya ipapadeport kita dito sa bora," biro ko dito. Tumawa lang ito ng malakas at nanahimik na rin. 

  Kinagabihan, nadatnan na namin si Lester sa aming meeting place. Nakashorts sya na hanggang tuhod na kulay brown at plain white t-shirt. Nakita nya kaming paparating,kumaway sya saamin at dali daling lumapit.

  "Uy, buti naman at nakapunta kayo, kala ko iindianin nyo ako eh," he gave us his sweetest smile and dinala na nya kami dun sa lugar nasinasabi nya. "Sigurado, magugustuhan natin to' magagaling daw sila eh," kwento ni lester. May isang stage na nakaset sa gitna ng mga mesa at upuan na may mga candlelit sa gitna at table cloth na pute. Umupo kami sa may bandang harapan ng stage, pinareserve nya daw talaga ito para saaming tatlo. "Ang ganda naman ng setting nila..." sabi ni anya habang pinag-mamasdan ang paligid, "..ang romantic!" Dagdag pa nito sabay ngiti at tingin saakin na parang nanunukso.  

  Ilang sandali pa ay may isang lalaking umakyat sa stage at ipinakilala na ang mga performers na nakahawaiian costume at may dalawang lalaki na nagbubuga ng apoy sa magkabilang dulo ng stage. Pagkatapos nilang mag perform ay may mga nagset-up naman ng mga instruments na pang banda. Sobrang enjoy kaming tatlo na parang magbabarkada na talaga kami. Mula noong gabing iyon palagi na naming kasama sa pamamasyal si lester.For 3 days palaging kaming tatlo ang magkakasama. Kilala na din sya nila mommy at daddy dahil nalaman nila na may ibang kasama kami ni anya at okay naman sila tungkol dito at alam din naman nila na friends lang kame, mas mabuti na yung malinaw sa lahat.  

*** 

  Maaga kaming gumising ni anya for our last day in boracay. Aalis na kami bukas ng maaga kaya susulitin na namin ito ngayon. Inaya din namin si lester pero sabi nya may gagawin daw sya ngayon kaya kami nalang ang naglibot ni anya. Nag island hoping kame, snorkling, nag-food trip at syempre nag pa spa ulit. 6 o'clock nagdecide nakaming bumalik sa room para makapagready para sa pagbabar hopping namin maya-maya. Papasok na kami sa room ng may mapansin akong note na naka-tape sa pintuan. Ang sabi dito :

Exclusive for Anya and Sandy only. 

Band performance later at the hotel's rooftop. 

8:30 p.m

See you! 

- Lester

  Nagtinginan kami ni Anya. Band performance?? Exclusive for us?? Sa rooftop?? We are both so confuse...

Everyday I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon