A/N: Ang tagal na nito at ngayon lang ulit ako nag sulat. Gusto ko na talagang i erase to dati kaso nag bago isip ko haha. Unang kwento ko to kaya wag ka munang mag expect ng mataas^_^ Tumatanggap po ako ng suggestions o comments kahit masakit. Charr hahaha.
Bye! Continue ko na to hihi.Samantha pov
-"Samantha, uy gising na. Bat ka ba napuyat kagabi?"
Naririnig ko ang boses ni Ciara habang tinatapik ako sa balikat.
Unti onti akong nagmulat ng mata. Inikot ko ng tingin ang dorm ng maalala ang nangyari kagabi.
"Paano ako napunta dito?"
"Anong paano ka napunta dito? Wag mong sabihing nananaginip ka pa?"
Naka pamewang na tanong ni Ciara.
"Kagabi..may naghatid ba sakin dito sa dorm?"
"Hala sya. May manliligaw ka na agad dito? Uy pakilala mo naman!"
Seriously?
"Anong oras ba ako nakabalik ng dorm kagabi?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Ciara. That's nonsense.
"Around 8:30 p.m. Bakit?"
This is impossible.
Tiningnan ko si Ciara baka nagbibiro lang sya o nagsisinungaling pero seryoso sya.
"You're acting weird,Sam. May problema ba?"
-
"A-anong ginawa ko pagbalik ko ng dorm?"Tanong ko.
Things are getting weird.
"Ang labo mo naman,Sam! Natulog ka na pagkatapos mong mag shower. Hays..bahala ka na nga jan!"
Iniwan ako ni Ciara habang nakatulala sa hangin.
No.
Hindi panaginip ang lahat ng yun.
Something's wrong at kailangan kong malaman kung paano nangyari yun.
Tumayo na ako para makapag hilamos.
Naabutan ko si Lizzie na tutok nanaman sa laptop nya.
"Liz..."
tawag ko sa kanya.
Agad syang tumigil sa pagkalikot ng keyboard at tumingin sakin."Bakit, Sam?"
"A-anong oras ako natulog kagabi?"
-
"Actually, di ko napansin pero tingin ko mag na 9:00 p.m. palang. Why?""Ah.. wala. Maaga pa pala."
Dumiretso ako sa banyo para maghilamos.
I was starting to think na baka nga panaginip lang yun, pero habang naghihilamos ako naramdaman kong medyo may humahapdi sa kanang kamay ko.
Naalala ko na natisod ako sa gubat kagabi. Ito yun, hindi ako maaring magkamali.
Kung ganun...nagsisinungaling sina Ciara sakin?
Urgh. No!
Why would they lie?
Kailangan kong malaman ang totoo.
Gusto kong malaman kung sino yung lalaking nakita ko kagabi at bakit nandun din sya?
Kilala nya ba yung mga nag-uusap dun?
At sinong tumatawag sakin sa gubat?Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.
Hindi ko mapigilang magtanong."Bakit dito mo ko napiling pag aralin,Lolo? Anong dahilan?"
You must be hiding something from me, lolo at aalamin ko yun.
-
"Sam!! Kanina pa tumutunog phone mo!"
Sigaw ni Ciara kaya dali dali akong lumabas ng banyo.
Kinuha ko yung cellphone sa ilalim ng unan ko.
Speaking of
Lolo."Lo."
Tipid na sagot koTinanong nya lang kung okay lang ako dito.
Maayos ba roommates ko, at kung nagustuhan ko yung school.
Obviously not.Hindi ko gusto ang school na to.
Maya maya ay nagpaalam narin si lolo na i end nya na ang call dahil may inasikaso pa raw sya. Business.
Naupo ako sa kama ko.
Feeling ko napagod ako katatakbo kagabi.Hindi na muna ako nag agahan dahil di pa naman ako nakakaramdam ng gutom.
Nahiga ako sa kama at hinayaang lunurin ng antok.
----End of the chapter-----
BINABASA MO ANG
McQueen University
FantasyON-GOING Welcome to McQueen University! A school for a typical human and wizards. (Ang kwentong ito ay isinulat sa wikang tagalog at English. Taglish kumbaga.lol haha) ~~~ "You're my favorite mistake,Samantha. You're my sweet Peril." -Dione Foster