CMS 15

141 16 2
                                    

Venus POV

Lumabas ako ng kwarto ko ng makaramdam ako ng gutom. Hindi ko kasi nakain yung dinner na inihanda nila kagabi dahil nakatulog pala ako sa kwarto ni Papa. Napaka laki ng Villa ni Papa. It took me more than 10 minutes para mahanap kung saan ang kusina. Kailangan ko pang dumaan doon sa garden. Habang papalapit ako sa kusina palakas ng palakas yung mga tawanan na nadidinig ko.

"HAHAHAHAHA........"

Natahimik at napatayo ang lahat ng makita ako. Puro sila mga kalalakihan na nakasauot ng Black suit without neckties but still they all look neat.

"Senorita may kailangan ka po ba?" Tanong ni Thomas ng makalapit ito saakin.

"Is there something to eat?"

"Ano pong gusto niyong kainin? I-oorder ka po namin."

"Order, wala bang naka-stock diyan?"

"Wala po eh, hindi po kasi kumakain dito si Don Ismael kaya kung mapapansin niyo wala ring mga katulong dito."

"Ano, totoo ba yan? I can't believe this."

Meron siyang malaking bahay at marami din siyang body guards pero ni isang katulong wala siya?

"Ibig sabihin puro order na food lang yung mga sineserve niyo saakin?"

"Ah yun po ba hindi po, Si Marcel po mismo ang nagluluto nun."

He did? He really surprise me in different ways.

"Where's Marcel?"

"Lumbas po siya para mag-jogging."

That guy, ipinagkatiwala ako sa kanya ng Tatay ko tapos gugutumin niya ako.

"Call him now!" Napatadyak pa ako sa sahig dahil sa inis. "Tell him na bumalik dito sa loob ng limang minuto."

"S...... Senorita yung paa ko po." Ibinababa ko ang tingin ko sa kanyang paa. Iniangat ko ang Kaliwa kong paa na natatapakan ang kanyang kanang paa.

"Sorry" Paghingi ko ng paumanhin. Makalipas ang mahigit bente minuto ay dumating din si Marcel. Pinapunta ko siya sa living room.

"Anong kailangan niyo Senorita?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

"You're super late, I'm dying out of hunger here"

"Hindi ka nagpadeliver?"

"I don't like delivery foods. Cook for me."

"Pero may mee-------"

"Kapag sinabi ko, sundin mo. Why do you always talk back to what I'm saying? You're really annoying, can you just do what I say."

"I'll just make a reservation at the restaurant."

"Yah, you're disobeying me. It's just a simple request but you can't do it for me? How can I trust you if you're like this?"

"Oo na oo na, ipagluluto na po kita Senorita Venus."

Sabi nito at nagtungo papuntang kusina na siya namang sinundan ko din.

"Pagkatapos mong kumain you should get change, ime-meet tayo ng lawyer ng Papa mo para sa will and testament niya."

"Bakit ngayon mo lang sinasabi saakin yan?"

"Hindi mo kaya ako pinagsasalita ng maayos kanina kaya paano ko sasabihin sayo kaagdad. Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano basta edible at malinis. You know what dapat mag hire ka ng maids para hindi ka nagmumultitask."

"We can't."

"Bakit? So sino naglilinis ng bahay?"

"Kami din."

"ANO, NILOLOKO MO BA AKO?"

"Hindi basta basta nagpapasok ng trabahador si Don Ismael dito sa Villa lalo na ang mga babae."

"Bakit?"

"Ayaw niyang may mga inosente lalo na babae na nadadamay sa gulo buhay niya. Kumbaga it's his weakness kapag may nadamay."

"Why do you think he thinks that way?"

"Ang alam ko nawala yung babaeng pinakamamahal niya dahil sa nadamay ito."

"You mean my mother?"

DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE YOUR THO ABOUT THIS CHAPTER. SALAMAT.

Call Me Señorita (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon