CMS 72

71 5 0
                                    

Marcel's POV

"Amo..... Pakiusap don't hurt him. I'll tell you where we are. " Nagulat ako sa narinig ko mula kay Nyla, nakita ko kasi siyang nagmamadaling pumunta rito sa rooftop at bakas din sa kilos at mukha niya ang matinding pagaalala. Napaupo ito sa saging at tila nanlalambot. Hindi ako nag dalawang isip na bunutin ang baril ko at itutok iyon sa kanyang ulo.

" Sino ka ba talaga?" Nagulat si Nyla nang makita niya ang ginawa ko. Tuloy lang ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Inuulit ko, sino ka?" Napapikit ito at mukhang walang balak na magsalita. Niradyo ko kay Thomas na magtungo rito sa rooftop at ilang sandali pa ay dumating na ito.

"Marcel anong nangyare?" Gulat nitong tanong ng makita ang sitwasyon namin ni Nyla.

"Posasan mo ang traydor na yan." Hindi na nagtanong si Thomas at sinunod na ang utos ko. Itinayo niya si Nyla at pinosasan ang kamay nito. Nagkatinginan kami ni Nyla, at ang mga mata niya ang nanghihingi ng tawad. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit pero hindi iyon ang mahalaga ang importante nalaman ko ang totoo.

"Pinagkakatiwalaan ka ng Senorita Nyla." Nasabi ko nalang bago umalis roon.

Nyla's POV

Dinala ako nila Marcel sa kwarto ng mga securities. Narito rin ang mga cctv footages. Pinaupo nila ako sa sofa sa loob habang naupo naman sa tapat ko si Marcel. Alam kong hindi siya nakapaniwala na nagawa kong pagtaksilan sila.

"Why?" Yun lamang ang nasabi ni Marcel. Maging si Thomas ay hindi makapagsalita sa gulat.

"Wala akong dapat ipaliwanag sainyo." Yumuko ako para iwasan ang mga mata nila.
Hinding hindi ako magsasalita dahil sa oras na mangyari yun, mapapahamak ang kapatid ko. Hindi ko na alam, hindi ako makapgisip ng tama ngayon.

"Cerberus" Napatingin ako kay Marcel ng banggitin niya ang gang. "Isa ka sa kanila." Hindi iyon pagtatanong, siguradong sigurado si Marcel na miyembro nga ako at sa tingin ko'y matagal na siyang may pagdududa saakin. "Iiyak ka nalang ba diyan at hindi magpapaliwanag?" Humigpit ang hawak ko sa kamay ko. Hindi ko kanyang ipahamak ang kapatid ko.

"Nyla!" Lahat kami ay na patingin sa pinto ng makita namin si Senorita. Nangigilid ang luha sa kanyang mga mata at nakatingin ito saakin ng diretso. Lalapit sana ito saakin nang harangin siya ni Thomas.

"Senorita, delikado po ang lumapit sa kanya." Itinulak lang ni Senorita si Thomas tumigil ito sa harapan ko, nakatingin siya sa nakaposas kong kamay. Hinatak ako patayo ni Senorita at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ang init ng palad niya at sa Di malamang kadahilanan eh lalo akong napaiyak nang tumulo na din ang mga luha niya.

"Tell me, nagkakamali lang si Marcel ng bintang sayo diba? Hindi mo ako magagawang lokohin." Parang binibiyak ang puso ko na makitang Umiiyak si Senorita dahil saakin. Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay parang nagkaroon ako ng isa pang kapatid. "Hindi yun totoo diba?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi kona kaya makita siya sa gaanong lagay. Binitawan nito ang kamay ko tsaka humarap kay Marcel.

"Uncuffed her, please." Ngunit hindi iyon pwedeng gawin ni Marcel lalo na at alam nilang isa akong matalim na bagay na makakasakit sa taong prinoprotektahan nila. "She's innocent, hmm don't do this Marce-----" Tumayo na si Marcel at hinarap si Senorita.

"Senorita, ipinangako ko sa Papa mo na gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang at hindi ko hahayang patuloy kang masugatan kapag kasama mo si Nyla. Tama na na ipinahamak ka niya ng ilang beses."
Nagulat ako nang biglang lumuhod si Senorita sa sahig at hawakan ang kanang kamay ni Marcel.

" Marcel, please she's like a sister to me. She's innocent I swear. " Hindi kona kaya pa kung kaya't nagsalita na ako.

" Totoo iyon Senorita, isa ako sa miyembro ng Cerberus."

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE. THANK YOUUUUUU! 💟

Call Me Señorita (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon