CMS 27

142 15 4
                                    

Marcel's POV

"So ano ba talagang nangyayari?" Pagtatanong ni Senorita Venus pagkadating niya dito sa Villa.

"May nagmamanman sa inyo at may balak na masama. Kailangan nating magdoble ingat."

"Sino siya? Ipinadala ba siya ni Celestina o ni William?"

"Hindi tayo sigurado Senorita."

"Boss Marcel!" Napatingin kami sa tumawag saakin na si Carl, isa sa mga inatasan kong sundan yung babae.

"Anong nangyare?" Pagtatanong ko.

"Pasensya na po, ginawa po namin ang lahat pero natakasan parin po kami. Ibinunggo niya po yung sinasakyan niyang kotse sa poste at paglapit namin dun wala na siya dun sa kotse pero nakita namin 'to." Iniabot niya saakin ang isang wristband, tiningnan ko yung maiigi.

" Iniabot niya saakin ang isang wristband, tiningnan ko yung maiigi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang logo na' to parang nakita kona 'to dati pa.

" What's that? " Lumapit si Senorita at Nyla at tiningnan ang wristband na hawak ko." Looks like a 3 headed dog"

"Cerberus"

Napatingin kaming lahat kay Nyla dahil sa binanggit niya.

"Anong sinabi mo?" Pagtatanong ko, alam ko narinig kona dati ang salitang yun pati na ang logo na 'to.

"Cerberus, yung aso na tatlo ang ulo sa Greek mythology. Baka fan siya nun hehe" Sabi nito at nagtungo sa kusina.

Napansin ko rin ang mga letrang HoH na nakaukit doon.

VENUS POV

Umamba ako ng katok mula sa kwarto ni Marcel. Ibinaba ko kaagdad ang kamay ko. Nagdadalawang isip kasi ako kung kakatok ba ako o hindi. Tiningnan ko yung dala kong cold compresser. Hindi kasi ako makatulog kakaisip sa nangyari kanina and then naalala ko kung paano siya sinipa nung babae sa tiyan at kung gaano kalakas yung pagtama ng likod niya sa pader. Di nagtagal nagawa ko ring kumatok. Ilang segundo na ang nakakalipas pero wala parin akong naririnig na sagot mula sa kanya.

"Is he sleeping already?" Mukha naman siyang maayos kaya sige huwag nalang. Bukas Nalang din yung pasasalamat ko. Tatalikod na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa harapan ko. Natulala ako, Am I seeing right? Napalunok ako nang mapagmasdan ko yung medyo basa na upper body ni Marcel. Nakatapis lang ito habang pinupunas ang buhok niya. He have great body, I didn't notice that he's kind of sexy.

DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE YOUR THOUGHTS ABOUT THIS CHAPTER. THANK YOU.

Call Me Señorita (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon