CMS 100 (FINALE)

89 5 1
                                    

Sa isang iglap ang napakagandang mansyon ni Don Leo ay nawarak. Napaluhod si Marcel at muntik pang mabitawan si Venus nang sumabog ang kwartong kanilang nilisan, matapos nun ay nagsunod-sunod na ang mga pagsabog, natumba si Marcel kaya nabitawan nito si Venus na wala nang malay. Mabilis din na kumalat ang apoy sa loob ng bahay at naglalaglagan na din ang mga debris na galing sa pagsabog. Agad na tumayo si Marcel upang kunin si Venus ngunit napatigil ito nang bumagsak kay Venus ang malaking kahoy na natutupok na ng apoy.

"VENUS!"

Mabuti nalang at suot ni Venus ang vest kung kaya't hindi napaso si Venus. Gamit ang paa ni Marcel ay sinipa nito ng buong lakas ang kahoy na nakapaibabaw sa vest ni Venus. May apoy na ang vest kung kaya't madaliang Hinubad iyon ni Marcel kay Venus bago ito muling buhatin palabas ng mansyon.

Natigil sa pagiyak sina Ylona at Olivia nang makitang lumabas si Marcel sa nasusunog na mansyon habang buhat-buhat si Venus.

Napamura nalang si Don Leo sa kanyang isipan nang makita ang buhay na buhay na si Marcel. Nakaluhod ito sa sahig habang nakaposas ang mga kamay kasama si Lisa. Nakatuon ang atensyon ng lahat kina Marcel, kinuhang oportunidad iyon ni Don Leo upang gawin ang nais niya.

Hindi kayo kailanman magiging masaya.

Sinalubong nila Thomas si Marcel, nagkamalay din si Venus ngunit nanghihina pa din ito, ipinahiga siya sa nakahandang stretcher.

Mabilis na binubot ni Don Leo ang baril mula sa isang swat agent, napalingon si Olivia sa kinaroroonan ni Don Leo nang nakaramdam ito ng hindi maganda, at hindi nga siya nagkamali, inaasinta nito si Marcel. Ipinutok ni Don Leo ang baril at nagulat ang lahat nang ang balang para sana kay Marcel ay sinalo ni Olivia. Kaagad na rumesponde ang mga Swat agents at pinaulanan ng bala si Don Leo nang magtangka pa itong mamaril muli. Sinalo ni Marcel sa kanyang bisig si Olivia na duguan ang dibdib dahil duon ito tinamaan ng bala.

"Ma.... MA!" Kahit nanghihina na ay napasigaw pa si Venus nang makita ang sinapit ni Olivia.

"Inga..... Ingatan mo ang anak ko.... Ingatan mo siya." Yun ang huling salita na lumabas mula kay Olivia bago ito tuluyang bawian ng buhay.

Venus POV

Gusto ko siyang makasama sa bagong umaga, pero sadyang mapanakit ang buhay. Hindi lahat nagiging masaya ang katapusan.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang nangyari ang pinakamasama at pinakanakakatakot na bangungot na dumating sa buhay ko. Ramdam ko pa ang kirot na dulot ng tama ng baril saaking binti kaya naman eto ako ngayon nakaupo sa wheelchair.

Nakasakay ako ngayon sa yate, alas tres palang ng umaga ay nagtungo na kami dito sa dagat, ano mang oras ay sisikat na ang araw.

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko but I felt warm while holding the urn jar of the most precious person sa buhay ko.

Sa sandaling nakasama kita Ma, naramdaman ko ang lubos mong pagmamahal, I'm so greatful na na kilala kita kahit sandali lang.

I'm going to live my life at peace Mom.

Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw saking mukha, it's beautiful.

Napamulat ako nang hindi na ako nasisilaw dahil ma's tumaas na ang araw.

"Are you ready?" Napalingon ako kay Marcel, binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago marahang tumango, bibit niya ang isa pang Urn jar which is naroon ang ashes ni Papa. Pinakuha ko siya sa Columbarium, isa sa mga habilin ni Papa that his ashes should be scattered sa dagat, and I decided na I'll do the same for Mom. I know they'll be happy to go together.

Call Me Señorita (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon