CMS 90

49 5 0
                                    

Marcel's POV

As soon as the call ended, napatakbo ako agad sa kinaroroonan nila Senorita Venus.

"Thomas, Josh! Ang Senorita protektahan niyo!" Sigaw ko kahit na malayo pa ako sa kanila and I'm not sure kung nadidinig ba nila ako, they don't even notice me. Nakatuon ang atensyon nila sa mga apat na Jetski na papadating at isang yatch. This is not good. Napatingin saakin si Thomas, and he seemed to understand what is going on right now.

"Umahon na kayo!" Sigaw ko pa. Hinila ni Nyla si Venus habang nakasunod naman sila Thomas sa likod nila.

"What the hell is happening?" Tnaong NO senorita Venus nang makalapit sila saakin.

"Let's go!" Hinila ko ang kanang kamay ni Venus at tumakbo. Sinalubong naman kami ni Ylona na nagtataka na rin.

"Run! Let's get out of here!" Sabi ko nang hindi humihinto sa pagtakbo. Tumingin akong muli saaming likuran at pababa na ung mga nalasakay sa yate at Jetski. May mga dala din silang baril, at walang duda mga tauhan sila ni Don Leo, ang Cerberus.

"Marcel nasaan ang mga bantay?" Tanong ni Thomas, hindi kona nasagot ang tanong niya dahil biglang nagpaputok ng baril ang mga nasa likuran namin. Napasigaw sila Senorita, Nyla, at Ylona dahil dun.

"What the fuck! Why are they shooting us?" Natatarantang tanong ni Jetro. Hindi na kami tumakbo pabalik sa rest house dahil siguradong nandun ang ilang mga tauhan ni Don Leo.

"Ambush! Tangina naiwan ko yung baril ko." Dinig kong sigaw ni Josh, Good thing I still have mine dahil hindi pa naman ako na liligo sa dagat. Dinala kami ng mga paa namin sa kakahuyan. Nagtago kami sa likod ng mataas na damo at puno.

"I'll lure them, Thomas and Josh protect the them."

"I'll come with you." Ani ni Nyla, tatanggi pa sana ako nang ipakita niya saakin ang dala niyang baril.

"No Nyla! It's too dangerous." Pagtanggi ni Senorita.

"Ako nalang ang sasama kay Marcel Nyla, you can hand me your gun." Suhestiyon ni Josh pero umiling lang si Nyla.

"I can manage, Senorita let me do this." Umiling si Venus at hinawakan pa sa magkabilang balikat si Nyla.

"No you stay." Inilipat ni Senorita Venus ang tingin niya saakin. "You too, let's stick together."

"Hey Coz if we stick together we die together, don't you get it. It's their job so let them do their job. Let them protect you." Ani ni Jetro sa kanyang pinsan.

"Tama si Jetro Senorita. Pangako babalik ako." Inalis ni Nyla ang pagkakahawak sa kanya ni Venus sa kanyang balikat.

"Umalis na kayo!" Sabi ko at ikinasa na ang hawak Kong baril. Hinila na ni Thomas si Venus, I watched them as they ran away. Tumingin ako kay Venus, she's still looking at me, her eyes are full of fear.

"I'll cover you!" Ani ni Nyla na siya namang tinanguan ko.

Agad na nagpaputok ng baril si Nyla nang lumabas siya mula sa pinagtataguan niyang puno, pagtingin ko clear na ang area, may dalawang lalaki na nakasuot ng Black suit ang nalahandusay sa lupa, nasa limang metro ang layo ng mga katawan saamin. Nagsisulputan ang mga tauhan ni Don Leo dahil sa dalawang putok ng baril na pinakawalan ni Nyla. Agad kong binaril sa dibdib ang unang lalaking lumitaw sa harap namin.

Sunod Sunod kaming nagpaputok ng baril ni Nyla habang tumatakbo leading them to the opposite direction kung saan dumaan sila Thomas.

Itinulak ko si Nyla nang paputukan siya ng isa sa mga ka laban, good thing I was right on time at hindi siya natamaan. Tumnago siya saakin at Kaagad na tumayo.

Napadapa ako nang muntik na akong tamaan sa balikat ng Bala ng baril. Hindi kona napansin ang likuran namin, may mga kalaban Din pala dun. Gumapang ako papunta sa likod ng puno. I was about to look nang magpaputok nanaman yung lalaki.

Tumingin ako kay Nyla na nagtatago din sa likod ng katabing puno. Tiningnna ko ang laman na bala ng baril. I only have 1 left. Tumingin akong muli kay Nyla at sumenyas na wala nang bala ang baril niya. 2 guns aren't enough sa dami nila.

"You should go! Puntahan mo ang Senorita at protektahan mo siya. I'll lure him!"

"Hindi ako nangiiwan ng kasamahan sa labanan!" Sabi ko at dumampot ng bato sa lupa tsaka ko ito ibinato sa gawing kanan ko para mapatingin dun ung lalaki. Agad akong lumabas sa puno at binaril ang lalaki pero maliksi siya kung kaya nakaiwas siya agad. Kakalabitin niya sana ung trigger ng baril niya nang batuhin ni Nyla ang kamay nito dahilan para mabitawan niya ang baril. Kaagad na tumakbo palapit sa kanya si Nyla at sinipa ito sa mukha bago pa man mapulot ng lalaki ang baril. Agad akong napatakbo palapit sa kanila para kunin yung baril pero napaatras ako nang may bala ng baril na tumama sa lupa sa tabi nun. Napadapa ako nang Sunod Sunod na magpaputok yung lalaki. I was again hiding behind the tree. Sumilip ako kay Nyla and she's fighting with the guy. The other guy was about to shoot Nyla and ai take the chance to shoot him too. At hindi nga ako nabigo, naunahan ko siya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Nyla at nagulat ako nang nakatutok na sa kanyang ulo ang baril na hawak ng kalaban niya kanina. I walked silently and carefully.

"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo!" Utos ko dun sa lalaki as soon as maidikit ko sa ulo niya ang baril.

"Bakit hindi yang sayo ang ibaba mo!" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang may maramdaman akong bagay na nakadikit sa bunbunan ko.

DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE YOUR THOUGHTS ABOUT THIS CHAPTER.

THANK YOU! ❤️

Call Me Señorita (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon