CMS 26

147 17 9
                                    

Venus POV

Halos mahimatay ako sa gulat ng may mag bukas ng kurtina ng fitting room at hinila ako palabas. Hindi ako nakasigaw dahil kaagad niyang tinakpan ang bibig ko at dinala ako sa katabing fitting room. Tiningnan ko siyang mabuti ngunit hindi ko makita ang mukha niya pero sigurado ako na siya yung lalaki na kanina pa sumunsunod saamin. Inilagay niya ang hintuturo niya sa labi niya senyales na wag ako mag-ingay. Itinaas niya ng kaunti ang suot niyang sumbrero. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino siya.

"Marcel" Sabi ko sa isipan ko.

 Inalis niya ang pagkakatakip niya sa bunganga ko t'saka ako itinago sa likod niya. 

Sobrang bilis ng mga pangyayari, nang sandaling bumukas ang kurtina ay tumambad sa harap namin ang isang babae na hindi ko kilala. Halata sa mukha nito ang pagkabigla, maagap siyang kumilos at sumugod ng suntok kay Marcel ngunit nakaiwas ito. Nagpatuloy ang babae sa pagsugod at umiilag naman si Marcel. Na-outof balance si Marcel kung kaya't nagkaroon ng pagkakataon ang babae. Tumama ang likod ni Marcel sa pader at napaupo ito nang sipain siya nung babae sa tiyan niya. Tiningnan ako nung babae sa mga mata t'saka ngumisi at tumakbo paalis. 

"Marcel!" Ani ko at patakbong nilapitan siya.

"Dito ka lang!" Sabi niya at hinabol yung babae.

Marcel's POV

*Earlier*

"Thomas!" Lumapit kaagad is Thomas sa pwesto ko pagkatawag ko sa kanya.

"Ikaw muna ang sumama kay Senorita ngayon."

"Bakit po?"

"May nagaabang sa labas, puting sports car kagabi pa yan nandiyan. Pumunta kayo sa mall at huwag kang magpapahalata. Nakasunod lang ako sa inyo gamit ko yung motorbike."

"Sige mag-rerequest na din ako ng back-up." Tumango ako sa kanya t'saka muling pumasok sa loob ng bahay para magpalit ng damit. Nang makaalis ang kotse kung nasaan sila Senorita ay kaagad akong nagpunta sa garahe para kunin yung motorbike. Mabilis ang patakbo ko ng sasakyan kung kaya't nakaabot ako, hindi nga ako nagkamali dahil talagang sinusundan sila. Nakarating kami sa mall ng hindi ako nahahalata nung babae na nakamanman. Napaiwas ako ng tingin nang mapatingin sa direksyon ko si Senorita pagkababa niya ng kotse. 

Mukhang may binabalak talaga ang babaeng yun, sino kaya ang nagpadala sa kanya?

*Present*

Kaagad na pinaharurot nung babae ang sasakyan niya ng marating ko ang parking lot. Pinindot ko ang earpiece ko para ma-iconnect ang tawag sa lahat ng security personel.

"Sundan niyo yung puting sports car na babae ang nagmamaneho, huliin niyo." Utos ko t'saka napahawak sa dalawa kong tuhod.

Sino ang nagpadala sa kanya? 

Here's a photo of the girl who tried to kidnap our Senorita

DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE YOUR THOUGHTS ABOUT THIS CHAPTER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE YOUR THOUGHTS ABOUT THIS CHAPTER. SALAMAT.

Call Me Señorita (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon