Disclaimer. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
IG: its_eyb598
Finally, My Love
© All Rights Reserved 2019
-Maynine-
" Nurse" sigaw ni doctor Villegas.
Dali-dali akong tumakbo at dala-dala ang first aid kit na siyang gagamitin namin sa ganitong sitwasyon.
Hinawi ko ang nagkukumpulang mga tao at lumapit sa tabi ni Dr. Villegas. Ginawa ko ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon nasanay na ako sa ganitong gawain kaya hindi na ito bago pa sa akin.
Hindi naman masyadong napuruhan ang pasyente may konting galos lang ito at may mga bahaging unti-unting namamaga na.
"Okay na po doc" baling ko kay Dr. Villegas.
"Thank you nurse." Pasasalamat ni Dr. Villegas sa akin.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Niligpit ko na ang mga gamit ko, habang kausap naman ni Dr. Villegas ang mga kasamahan ng pasyente.
"Thank you Nurse?" Pasasalamat ng pasyente at tila gusto pang malaman ang pangalan ko.
Huminto ako sa pagliligpit at tiningnan siya ng seryoso.
"Welcome" simpleng sagot ko at muling nagligpit ng gamit.
"Neizer nga pala, and you are?" pagpapakilala niya at naglahad ng kamay.
Patago akong umirap. Pasimple ang gago.
Tumingin ako sa kanya at nginitian siya."Nurse will do" simpleng sagot ko para ipikilala ang sarili at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.
Ngumiti ito at pinisil pa ang palad ko.
Hinila ko ng kamay ko pero ayaw niya itong bitawan."How are you feeling Neizer?" tanong ni Dr. Villegas na bumalik na pala mula sa pakikipag-usap sa kasamahan ng pasimpleng lalaking ito.
"I'm totally okay Dr. Villegas. Thanks to you and of course to your Nurse" pasasalamat nito at pasimpleng pinisil ang aking palad.
Nakarami na sa pagpisil ang lalaking ito. Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay at pwersang hinila ang kamay ko palayo kanya dahilan para mabitawan niya ito.
Nginitian ko siya ng nakakaasar.
Tumikhim si Dr. Villegas. At nagsalita.
"I guess you're really okay, halata naman." Sabi pa nito na parang may ibig ipahiwatig.
"By the way, I just want to introduce to you my Nurse" tumingin ito sa akin "Nurse Ashleen" pagpapakilala nito sa akin.
BINABASA MO ANG
My Love for a Long Time
General FictionThey met in the most unexpected ways. She hate him. He like her. She don't like him. He cares for her. She doesn't care. And then suddenly the universe rotates in three hundred-sixty degrees. She finally like him, He's already giving up on her. She...