Chapter 2

26 18 39
                                    


Umirap ako at ginulo ang buhok dahil sa inis.

Saang lupalop ba ng mundo galing ang lalaking iyon at bakit ang hirap namang ipaintindi na ayoko sa kanya, na hindi ko siya gusto?

Manhid ba iyon? Bulag? Or nag bulag-bulagan lang? Ganyan ba talaga ang mga playboy gagawin lahat makuha lang ang gusto?

"Uy? Ano yan? May textmate ka na?" Tanong ni Vanessa at sumilip pa sa cellphone ko.

"Magpapaload ka na ba niyan?" Dugtong na tanong pa nito

"Hindi, wrong send lang" simpleng sagot ko.

"Okay, sabi mo eh" pangiti-ngiti pang sambit nito at umupo na rin ng maayos.

Binura ko agad ang mensahe niya. Bahala siya at wala akong balak e-save ang number niya.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang tumunog ang telepono ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman naka-register sa phonebook ko ang numero. Agad ko itong pinatay at ipinikit ang mata.

Di pa nga ako lubusang naka-idlip ay muli na namang tumunog ang telepono ko at galing pa rin ito sa kaparehong numero na tumawag din kanina. Nag dalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito baka kasi importante o baka naman prank call lang ito.
Ring lang ito ng ring at tinitigan ko lang ang tumawag na numero.

"Pag hindi mo yan sasagutin, ako ang sasagot diyan istorbo friend ha, may nagpapahinga dito, kita mo? Kita mo kagandahan ko?" nakapikit na sabi ni Vanessa.

Kaya napagpasyahan ko lang itong sagutin.

"Finally, My love you answered my call" bungad sa akin ng nasa kabilang linya.

"The hell!" Singhal ko sa kanya.

"Oh! Bad mouth My love" natatawang turan nito sa kabilang linya.

"Where did you get my number ba ha? Alam mo bang istorbo ka?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

Tumikhim si Vanessa sa gilid ko kaya napaupo ako ng tuwid. I look around the Van, mahimbing naman ang tulog ng lahat.

"Okay to answer your question I get it from your friend." Seryosong sagot na nito sa kabilang linya.

Tumingin ako kay Vanessa. Ito ba ang nagbigay? Pero di naman sila magkakilala diba?

"The who?" Tanong ko ulit.

"I never knew a beautiful lady like you ay slow din pala" natatawa namang turan nito.

"The hell! Are you insulting me?" Galit na tanong ko dito. Kanina pa nagsilayasan ang mga balakubak ko sa ulo dahil sa inis ko sa lalaking ito.

"No, why would I insult my  love? I won't do that to you love" sagot nito.

"Kadiri ka! Get lost!" Sigaw ko sa telepono.

"Okay, okay relax" pagsuko niyang sabi.

"I get it from my friend, and my friend  get it from your friend" paliwanag nito.

Inilayo ko muna ang telepono, At tinapik ng mahina ang nakapikit na si Vanessa.

"What?" Nakapikit pa rin na tanong nito.

"Did you ever give my number to stranger? Tanong ko sa kanya.

"Nope, di naman stranger si Chris eh" sagot nito sa tanong ko, habang nakapikit pa rin.

"The who is Chris?" Kunot noong tanong ko.

My Love for a Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon