Chapter 8

2 1 0
                                    


Malamig na simoy ng hangin sumalubong sa akin pagkababa ko pa lang ng kotse. Niyapos ko ang sarili ko at inilibot ang paningin sa paligid.

I been here in this place for a long time, Kung maganda ito sa araw, di ko lubos maiisip na mas maganda pala ito sa gabi.

"You like it?" Tanong ni Neizer na ngayon ay nakatayo sa may di kalayuan sa likuran ko.

Tumango ako at ngumiti.

"Bukas pala sila pag Gabi?" Tanong ko dito.

Umiling ito. "Nakiusap lang sa isang kaibigan." Simpleng tugon nito.

Naglakad ako para mas lalong matanaw ang mga naglalakihang gusali sa syudad na mas pinaganda pa ng mga ilaw mga gusali at kabahayan.

"This is worth the risk" bulong ko sa sarili at idinipa ang dalawang braso at pikit matang nilasap ang malamig na simoy ng hangin.

Natigilan lang ako ng may nagpatong ng jacket sa balikat ko.

Ibinaba ko ang braso ko at hinarap siya.

"Baka lamigin ka" nakangiti niyang Sabi.

"Thank you, pero paano ka?" Tanong ko dito.

"Nag-aalala ka?" Pang iinis na tanong nito.

Ngumiti ako dito sabay irap.

"Asa ka"  Sabi ko.

"Palagi naman." Sagot dito.

Naglakad ako sa may di kalayuan na upuan at umupo dito habang tanaw pa rin ang magandang tanawin mula dito.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong ko dito.

Umupo ito sa tabi ko at nakatuon din ang atensyon sa tanawin.

"Di pa ba halata?" Seryosong sabi nito.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko alam." Kibit-balikat na sagot niya.

"Siguro dahil iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Sanay akong ako ang hinahabol Ash, pero sa tagal ng panahong nakikita kita race di ko man lang  napansing napagtuonan mo ako ng pansin, kahit isang sulyap wala nga eh." Natatawang sabi niya.

Tiningnan ko siya. Pero nakatuon pa rin ang atensyon niya sa tanawin.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"I don't. It's been one year or two maybe. Pero nakita kita noon sa race, ginagamot mo ang kaibigan ko. Ewan ko ba, pero Sabi ko sa sarili ko I'll do anything makilala ka lang. Pero di talaga eh tinablahan ng takot at hiya." Sabi niya at tumawa ng konti.

"That was the time that I was starting to like you from afar." Dugtong niya.

"Are you confessing?" Tanong ko dito.

"Just sharing my admiration to you" Sabi nito na ikinanganga ko.

"Baliw." Sabi ko ng mahina.

"Sayo lang naman" sagot nito. Na ikinalaki ng  mata ko.

"Ikaw?" Tanong nito.

"Anong ako?" Tanong ko ulit dito.

"Kailan ka mababaliw?" Tanong niya. Sasapakin ko na sana ito nang muli itong nagsalita.

"Sa'kin?" Dugtong nito. Ang kaninang naudlot kong sapak ay tinutoo ko na talaga.

"Aray! Sakit nun ha!" Natatawang sabi nito.

"Di pa nga tayo, sinasaktan mo na ako. Paano pa kaya pag tayo na, papatayin mo ako?" Sabi nito na umiilag sa mga sapak ko.

My Love for a Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon