Tulog-kain-tulog-kain.
"I love rest day!" Masayang hiyaw ko habang nag-iinat.Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto at naghahanap ng CD's na pwede kong panuorin ngayon.
Rest day is not just a rest day for me. It means dating myself. At sa araw na ito napag-isipan kong manood ng movies.
Naghahanap ako ng pelikula na pwede kong panuorin and finally may pamagat din na nakakuha ng atensyon ko.
"The fault in Our Star" Bigkas ko sa pamagat ng pelikula.
Ito ang napili kong unang panoorin. The title itself seems interesting.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko ito. Isa itong missed call galing sa hindi naka-rehistrong numero.
Pinagsawalang bahala ko na lang ito. Inilagay ko ang cellphone sa tabi ko at muling ibinalik ang atensyon sa pinanood na pelikula.
Mahigit sampung minuto ang nagdaan at muling tumunog ang cellphone ko.
Isa itong mensahe galing sa kaparehong numero na nag missed call kanina.
Binasa ito, na siyang nagpapataas ng kilay ko.
"Don't forget later, 6 PM at the nearest restaurant in your village. See you My Love"
The hell of this man!
Binura ko agad ang mensahe niya at di na nag abala pang mag reply.
Di pa nga lubusang tumagal mula sa huling mensahe niya ay muli itong tumunog. Isa na naman itong tawag mula sa kanya.
"Bakit ang kulit!" Naiinis na sabi ko pero di pa rin sinagot ang tawag. Hinayaan ko na lang itong tumunog. Bahala siyang maghintay sa wala.
Nahinto ito sa pagtunog pero wala pa nga'ng isang minuto muli na naman itong tumunog.
"Kainis!" Sabi ko at pinatay ang tawag niya na hindi man lang inilayo ang atensyon sa pelikula.
Akala ko worth it ang rest day ko, but the hell of this man at ayaw akong tigilan sa pang-gugulo.
Wala yatang magawa sa buhay ang isang to at ako pa ang napiling mapag-tripan.
Sa muling pagtunog ng cellphone ko ay sinagot ko na ito ng galit na galit.
"Pwede ba, I need peace of mind!" Bungad ko sa kanya.
"Great! Then come with me, and I'll show you the place of peace of mind"
"Alam mo, ikaw ang kulit mo-"
"Sayo lang naman" putol niya sa sinasabi ko.
"Sayo mo mukha mo" sagot ko na inis na inis na.
"If you'll say you're mine, why not I'll be honored. I'm yours too, My Love" pang-iinis nito sa akin.
"Ilang ulit ko bang uulit-ulitin na Ayoko nga sayo. Capital A.Y.O.K.O slash S.A.Y.O, para mas maiintindihan mo!" Feeling ko narinig na ng kapit-bahay naman sa mga sinasabi ko sa lakas ba naman ng boses ko ngayon. I'm sure chismis na naman ako nito.
"Ganun na ba katindi ang pagkadis-gusto mo sa akin? Well I like you too My Love" cool na sagot nito sa akin.
"I don't know kung may utak ka ba o ano at bakit ang tigas-tigas ng ulo mo!" Inis na sagot ko sa kanya. Kung nasa tabi ko lang ito sigurado ako kanina pa ito nakatikim sa lakas ng kamao ko.
"Chill, My Love. Di bagay sa maganda mong mukha ang init ng ulo mo" paglalambing na sabi nito sa kabilang linya.
"The hell! Stay away from me! Wag mo na akong guluhin please lang!" Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Love for a Long Time
General FictionThey met in the most unexpected ways. She hate him. He like her. She don't like him. He cares for her. She doesn't care. And then suddenly the universe rotates in three hundred-sixty degrees. She finally like him, He's already giving up on her. She...