Alas dos trenta pa lang ng hapon, ay may narinig akong tunog ng kotse sa labas ng bahay.Tumaas ang kilay ko at sinilip kung mapagsino ang nasa labas ng bahay, sakto naman na lumabas sa driver seat ang nagmamaneho na mas lalong nakakapagpa-taas ng kilay ko ng nakilala ito. Si Neizer nasa labas ng bahay, at kumakaway sa banda ko.
Tsk! Angas talaga akala mo naman kung sinong gwapo.
Gwapo siya Oo, pero di ko siya gusto di siya pasa sa standard ko sa mga lalake. Sa pagiging mahangin ba naman niya, dun pa lang malaking ekis na siya.Umiling-iling na lang ako at dali-daling pumasok sa banyo para naligo, at dahil likas naman sa akin ang pagiging matagal maligo, kaya di ko maiwasang magtagal talaga sa banyo. Matapos maligo ay agad akong lumabas sa banyo para makapagpalit ng uniporme sa trabaho ko ngayong araw.
Eksaktong alas tres ng hapon, ay natapos din ako.
Nang mapagtantong okay na lahat, kinuha ko na Ang bag ko at mga gamit na nakahanda na sa lamesa malapit sa kama at naglakad na papuntang pintuan.
Papalabas na sana ako ng kwarto ng marinig ang tatlong katok ng pintuan at kasunod nito ang boses ng pinsan kong nagsalita.
"Ash, someones waiting you downstairs, ready ka na ba?" Tanong ng pinsan ko.
Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa pintuan.
"Ash?" Muling tawag niya.
Kasabay nito ay ang pagbukas ko ng pintuan, nginitian ko siya ng malapad. Pero ewan ko sa pinsan kong ito at bakit parang iisa lang ang ekspresyon ng mukha araw-araw. Madalang mo lang makitang ngumiti at tumawa. Bumugtong hininga ako sa naiisip tungkol sa pinsan ko.
"May lalaking naghihintay sayo sa labas, kanina pa" Sabi niya ulit.
"Okay, thank you cous" at kumaway pa ako dito bago bumaba ng hagdan.
Pagbaba ng hagdan nakita ko si Neizer na nakatingin sa kanyang relong pambisig. Umiling ako at mas lalong natuwa, Hindi ko alam na on time pala ang lalakeng ito.
Nasa harap na niya ako ng singkit mata siyang tumitig sa akin, at tumayo.
"30 minutes" malamig na sabi niya at nauna ng naglakad sa akin palabas.
"Huh?" Takang tanong ko.
Lumingon siya, na may malamig pa ring mga titig.
"30 minutes mo akong pinag-antay" malamig na saad niya.
"So?" Walang pakealam kong tanong.
"So? Just so?" Tanong niya ulit.
"Just so." Pagsang-ayon ko sa tanong niya.
"You knew I come early to pitch you, you better see the worth of time here Ash." Mahaba pero malamig na paalala niya.
"I told you to pitch me at three, di ko sinabing agahan mo." Pagtatanggol ko sa sarili.
"Tsk" umiling pa siya at ipagpatuloy niya ang paglalakad palabas.
"Where you go? Kakain pa ako?" Sigaw ko dito. Kaya huminto ito at muling lumingon sa akin.
"What?" Tanong niya.
Ang hina talaga mag isip ng isang to. Another reason para di siya pumasa sa mga gusto ko sa lalaki.
"What? You see. Kakain pa ako" pagtataray ko dito.
"It's already three Ash, you better be in the road right now, para makarating ka sa trabaho on time." Paalala niya.
"Pinagsasabihan mo ba ako?" Pagtataray ko ulit dito.
"I'm just telling you what is right Ash." Sabi niya.
"So tingin mo mas may marami ka pang Alam sa akin?" Tanong ko dito. Nakakainis na tong isang to ha masyadong nagmamagaling.
" The truth Ash" Sabi niya.
"Umalis ka na, I don't need you." Sabi ko dito.
"Seriously? You're wasting my time, for nothing Ash?" Hopeless na tanong nito.
Nagkibit ako ng balikat.
"It's your choice Neizer, di kita pinilit na pumunta dito." Walang pakealam na Sabi ko.
"Bakit ka ganyan?" Nasasaktang tanong niya.
"Why? Di ka sanay sa mga babaeng katulad ko? Dahil sanay ka na ikaw ang nagpapaikot sa kanila?"
Maanhang na pagkasabi ko.Umiling siya at ngumiti, pero bakas sa mukha nito na nasaktan ko siya sa mga binitawan kong salita.
"You know Ash, I don't think it's a Karma or what but as far as I know I don't deserve this kind of treatment" siguradong sabi niya.
"Oh! Really? How come?" Natatawang tanong ko.
"You know I like you Ash, and when I say I like you I mean it" Sabi nito.
Pero nakatayo lang ako dito at tinatawanan lahat ng sinabi niya.
"Pero dahil sa kagustuhan kong mapalapit sayo, at maging girlfriend ka, magiging tanga ako Ash." Pagpapatuloy niya.
Natawa pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.
"It's your fault Neizer, not mine. Choice mo yan, sa bakit mo sinisisi sa akin ang lahat?" Tanong ko dito.
"I'm sorry" sinserong paumanhin nito.
"Go away Neizer" Lakas loob na pagtataboy ko dito.
Tumango ito at ngumiti akin bago tumalikod at lumabas ng bahay.
Isang mabilis na harurot ng sasakyan ang narinig ko, pero para pa rin akong tuod na nakatayo dito, Hindi ko lubos maisip kong bakit ganun na lang ka sakit ang mga salitang lumalabas sa bibig ko para sa lalaki.Napahawak ako sa dibdib ng may maramdaman akong kakaibang sakit na di ko mawari kong bakit. Para akong biglang nalungkot at di ko maipaliwanag kong bakit naman.
"Darating ang araw marealized mo ang worth ng isang tao sa buhay mo." Napatalon ako sa pagkabigla at sa lamig ng boses ng pinsan ko na bigla-bigla na lang nagsasalita sa likuran ko.
"Everybody has it's own choice, so you don't have to question them because it's there life, and it's there own choice" Sabi ng pinsan ko at tumalikod sa akin, tiningnan ko ito. Nang bigla itong huminto at muling nagsalita pero di naman ako tiningnan.
"Malalaman mo lang na mahalaga sila sa buhay mo, Kung wala na sila sa tabi mo" Sabi nito, at nagpatuloy sa paglalakad, wala akong magawa kundi ang sundan na lamang siya ng tingin. Marami akong katanungan pero di ko alam kung paano simulan at di ko mawari kong ano Ang unang itatanong. Napabugtong hininga na lang ako at umiling habang pinapakalma ang aking sarili.
Nang mapanatag ay nagpaalam na ako sa pinsan ko na aalis na para pumasok sa trabaho.
BINABASA MO ANG
My Love for a Long Time
General FictionThey met in the most unexpected ways. She hate him. He like her. She don't like him. He cares for her. She doesn't care. And then suddenly the universe rotates in three hundred-sixty degrees. She finally like him, He's already giving up on her. She...