Chapter 9

4 1 0
                                    


"Hi Ash, I have a race now. Sama ka. I won't take no for an answer. See you."
Basa ko sa mensaheng natanggap ko.

"Tsk! Bosy talaga kahit kailan" bulong ko sa sarili.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya, nang bigla nalang tumunog ang telepono ko hudyat na may tumatawag. Nang aking tingnan ang pangalan para mapagsino ay umiling na lang ako at sinagot na ang tawag.

"Good morning My Love? Sinasagot na kita" masayang pangbungad niya sa akin sa tawag.

"Pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.

"You ask me last night, pinag-isipan ko. Bakit huli na ba ako?" Natatawang saad niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, kagabi lang sinabi niya na wag akong magloko nang ganun, bakit ngayon ganito to? May sayad ba sa utak to.

"Ano na? Tahimik ka diyan? Kilig ka no? Akalain mo nga naman boyfriend mo na ako. Di ka na lugi sa akin ha." Untag nito sa pananahimik ko.

"May sayad ka ba sa utak?" Seryosong tanong ko?

"What?" Gulat na tanong niya sa kabilang linya.

Maka-react naman to, daig pa ang babae. Bakla ba to?

"Bakla ka ba?" Tanong ko ulit.

"What the. . Ano nga ulit?" Di makapaniwalang tanong niya.

Naiilarawan ko sa isipan ko ang paniningkit ng mata ng lalaking ito dahil sa mga tanong ko. Napangiti ako at tumayo. Siguradong mag eenjoy ako nito.

"Sabi ko Bakla ka ba na may sayad sa utak?" Pag uulit ko.

"Ha?" Di pa rin makapaniwalang tanong niya.

"Ah! Di ka lang pala bakla at may sayad sa utak, slow ka din pala. Package ka ha!" Pang iinis ko pa dito.

"Ash!" May pagbabantang boses na sabi niya. Kaya mas lalo akong natuwa at naenganyong inisin siya.

"What?" Natatawang tanong ko.

"Di na nakakatuwa?" Seryosong sabi niya sa kabilang linya. Naiinis na to sigurado.

"Ang alin" maang na tanong ko.

"Are you making fun of me?" Seryoso pa ring tanong niya.

Umiling ako at natatawa pa rin "No, why would I?" Balik na tanong ko dito.

"Tsk! Bye na nga lang, sayang sa load" narinig kong sambit niya ng mahina at pinatay ang tawag.

Tawa ako ng tawa sa nangyari. Pikon pala yun, Wala pala siya sa akin eh. Naiiling habang tumatawa pa rin ako nang may biglang nagsalita sa may likuran ko, na siyang ikinagulat ko.

"Di ka naman siguro nababaliw, o nasasapian ano?" Tanong ng babae sa likuran ko.

"Ayy! Multong maputla!" Sambit ko at nakahawak pa ngayon sa dibdib ko.

Sino ba naman ang hindi magugulat sa itsura ng pinsan kong ito. Buhaghag na buhok. At nakasuot pa ng puting bestidang pantulog. Isama mo na ang kulay ng balat niyang namumutla na sa kaputian.

Linapitan ko ito at sinapak ng di gaanong malakas. Sakto lang para muntik siyang matumba.

"May sapi ka nga siguro" naniningkit ang mata na turan nito sa akin at hawak-hawak ang balikat nitong medyo namumula sa sapak ko.

"Ayy! Sorry cous" pa-cute ko at nag peace sign.

"Bakit kasi nanggugulat eh" paninisi ko pa dito.

My Love for a Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon