Chapter 6

4 1 0
                                    


Masaya akong nagluluto sa kusina nang biglang tumunog ang telepono sa sala.
Ibinababa ko ang sandok at iniwan muna sandali ang niluluto ko.

Naglakad ako papuntang sala at dumiritso kung saan naroroon ang telepono. Patuloy lang ito sa pagtunog at nang makarating ay agad ko itong sinagot.

"Hello, Sino po sila?" Magalang na tanong ko sa tumatawag.

Pero wala akong sagot na naririnig mula rito.

"Hello, Sino po sila?" Tanong ko ulit sa tumatawag.

Pero wala pa ring sagot. Ibababa ko na sana ang telepono nang bigla na lang may tumutugtog na gitara sa kabilang linya.

Pinakinggan ko ito nang mabuti dahil familiar na familiar sa akin ang tugtog.

I can see you Lord. Alam na alam ko ang kantang ito dahil ito ang pinakapaborito kong kanta ni Aiza Seguerra. Kahit tugtog lang ang naririnig ko sigurado akong ito iyon at hindi ako nagkakamali.

How did this caller know na paborito ko ang kantang ito or coincidence lang na tumawag siya at may tumugtog ng ganito?

Hanggang sa matapos ang tugtog ay di pa rin ako maka-get over sa galing ng kung sino man itong tumawag ang galing niyang mag gitara bigla tuloy gusto kong matutong mag gitara.

"Do you like it?" Tanong ng familiar na boses sa kabilang linya.

"The hell!" Sagot ko dito.

"Bad mouth My Love" sagot nito.

"Pwede ba--"

"Ayoko" putol nito sa sasabihin ko sana.

"Tigilan mo na ako!" Pagpapatuloy ko.

"Ayoko--"

"Ayoko sayo!" Putol ko din sa sasabihin niya.

"Aray naman" umaakto pa ang boses nito na parang nasasaktan.

"Kaso, gusto kita eh" patuloy nito.

"Di mo ba talaga ako titigilan?" Inis na tanong ko.

"Hindi, bakit gusto mo na ako?" Tanong niya.

"Oo, gusto kita!" Sagot ko.

Sumigaw pa ito parang tanga lang.

"Talaga gusto mo ako? You really made me happy. Gusto mo talaga ako?" Tanong niya ulit na tuwang-tuwa.

Ngumisi ako at sumagot.

"Oo nga" sagot ko ulit.

"Talaga?" Tanong niya ulit.

"Oo gusto kita! Gusto kitang patayin! Gago ka!" Inis na sigaw ko.

Bigla itong natahimik sa kabilang linya.

"Tigilan mo na ako dahil kung hindi, baka mapatay kita panira ka!" Inis na dugtong ko.

"But you said, you like me?" Mahinang sabi niya.

"Do you really think magugustuhan ko ang isang tulad mo?" Tanong ko habang tumatawa.

"I never knew na madali palang maloko ang mga manloloko. Dream on ,Neizer I will never let myself fall to the playboy like you" mahabang sabi ko sa kanya.

At binaba ko na ang telepono. Kainis ang lalaking yun ha.

Babalik na sana ako sa kusina nang makita ko ang pinsan kong si Lian na nakatayo sa huling baitang ng hagdan at seryosong nakatitig sa akin.

Ngumiti ako sa kanya pero di pa rin nagbago ang ekspresyon niya sa mukha.

"Hi cous, kanina ka pa?" Masiglang tanong ko sa kanya.

My Love for a Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon