Glimpse

63 1 0
                                    


"Even you have a compass in hand, still, you can be lost."

—•—


In order to survive, you need to adapt. The topic Evolution in Science thought me that. Hanggang ngayon I can still recall what my science teacher in Grade 9 said, "Mananatili ang mga malalakas, mawawala ang mga mahihina."

Paano ba masusukat ang lakas?

Paano kung ang mga malakas ay siya pa lang mahina?

Do extinction is what they trully deserve for being weak?

And speaking of survival, wala akong choice to continue life kahit na-culture shock ako nang sobra.

Hindi ko akalain na malayong-malayo sa kinagisnan kong buhay ang mararanasan ko rito sa Japan. Yes, obviously, iba nag costumes, tradition at culture pero kasi asian country pa rin naman kasi ito kahit papaano. Kaya umasa ako na ang buhay ko dito ay parang hawig lang ng nakasanayan kong buhay sa Pinas.

Literal, hindi birong mag-blend in sa isang panibagong environment. Para kang butiki na nagpapaka-chameleon. Aside sa treat ng mga bagong predators, hindi mo pa gamay ang lugar. Anytime pwede kang ma-wrong turn at ma-trap sa isang bitag na pwede mong ikapahamak. That's why surviving is not simply breathing, converting oxygen to carbon dioxide. Kasi kung ganito kadaling mag-survive baka buhay pa ang mga dinosaurs ngayon.

Pero 'yun nga, iba talaga ang dalang fascination ng pababago kahit pa minsan ito ay nakakatakot.

Tandang-tanda ko pa noon na grabe ako mag-daydream— me being here. Kung gaano ako ka-excited noong sinabi ni mama na gusto raw akong makilala ng tatay kong hapon na sa tanang buhay ko, sa pagkakataon pa lang iyon nagparamdam. Na sa unang pagkakataon, napatunayan ko na hindi pala gumagawa ng kwento si mama para lang iparamdam sa akin na hindi ako iba sa ibang mga bata—na may tatay din ako. Kaya nung panahon na 'yon, malinaw at nakapagdesisyon ako kaagad na pupunta ako rito sa Japan. Not even thinking sa mga posibilidad na pwedeng mangyari na would change or break me.

Masyado pa akong puno ng pag-asa, bata pa kasi ako nun. I was just 20 years old ng napunta ako rito sa Japan. Fresh graduate at punong-puno ng pag-asa. Eager na makahanap ng trabaho para magkabawi at makatulong man lang ng kahit konti sa nanay ko na buong buhay akong inalala, inalagan, at minahal. Balita ko rin kasi noon, mataas ang paying rate rito sa Japan.

Here, may tatay ako tapos makakatulong pa ako kay mama. It's hitting two birds in one stone.

Celerine, my mother is a great woman. Pinuno niya ako ng pagmamahal kahit pa binabato siya ng putik ng mga tao. My mother did her best para maging maayos ako. Ako lang naman itong naghanggad pa ng sobra. I want to know my father and be loved by him. Ewan ko ba. Akala ko kasi my father was the missing piece of my incomplete identity.

T

apos aside sa mga reasons na 'yan, Japan is a paradise for an anime fan like me. Everything is here for someone to fulfill otaku fantasy. Japan is indeed the Land of the Raising Sun.

Pero ngayon, hindi ko na mahanap ang parteng 'yon ng sarili ko. Nagbago na ako. Nagbago na ang lahat sa akin. Everything is different from before. Hindi ko alam ba't umabot sa puntong ito. I realized... I'm lost in Japan.

—•—

This story is written in a fictitious manner making any aspect of this work resemblance to real life purely coincidental.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language.

READ with precautions.

READ at your own risk.

You've been warned. Arigatou gozaimasu!

Hope you enjoy reading Lost in Japan!

꒰・◡・๑꒱

Lost in JapanWhere stories live. Discover now