"A whirlpool romance can ruin a house of cards."-•-
Sa pagkakataong ito, nalilito na ako kung nasa realidad pa ba ako o nasa mundo ng imahinasyon. Pakiramdam ko kasi nasa alapaap pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko naman kasi inakala na darating ang oras na ito at posible pala talagang magkatotoo ang isang panaginip. Panaginip na kung saan mahal niya rin ako- mahal namin ang isa't isa. Tipong hindi ko na kailangan ipikit pa ang mga mata ko at hayaang gawin ng utak ko ang pangyayari na sana totoo. Halimbawa na lang ngayon, kitang-kita kong naka-unan siya sa aking braso habang nakayakap sa aking katawan.
"Hiro, what are you thinking?" Tanong niya habang hinahaplos ng marahan ang hubad kong dibdib. She made an eye contact with me, at nakikita ko na bother siya sa pagiging lutang ko. I'm spacing out. Hindi ko rin kasi mapigilan. Pasensya naman reyna ko.
"Gominasai. It just that I'm still overwhelmed. Maybe you'll going to laugh at me but, I can't still believe you're mine now. It feels like a dream come true." Sabi ko pagkatapos ay hinalikan ko siya sa tuktok ng kanyang ulo.
Ganun na lamang ang pagtataka ko nang bigla siyang umalis sa yakap ko. Tiningnan niya ako habang blanko ang ekpresyon sa kanyang mukha.
Shit.
Hindi ko na naman siya mabasa.
Galit ba siya?
Congrats, Hiro.
Isa ka talang malaking panira ng moment.
Timang ka talaga kahit kailan.
At dahil na rin sa pagkataranta, napa-upo ako sa kama at agad sinakop ng mga palad ko ang kanyang mga pisngi. Ngunit, tinangal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at tinulak ako ng malakas pahiga sa kama. Hindi man lang ako nakapalag.
Galit nga talaga ang reyna at mukhang paparusan niya ako.
Akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang magsalita nang bigla siyang umupo sa may tyan ko, yumuko at hinalikan ako ng marahas. Oo, marahas. Masakit sa labi. Kinagat niya ako sa labi. At hindi ko magawang makabawi kaagad. Teka, ba't may mala-kalawang na akong nalalasahan?
Ito ang pangalawang beses na natikman namin ang labi ng isa't isa. At damang-dama ko ang pagkakaiba ng una naming halik at sa klase ng halik na binibigay niya sa akin ngayon. Kung 'yung unang halik namin ay dulot ng iba't ibang emosyon na pinagsama, ang paghalik niya sa akin ngayon ay parang katulad ng isang hampas o suntok na kayang imulat ang sinuman sa reyalidad.
Sa kabila ng pagkabigla at pagiging dihado, sinubukan kong gumanti kaya lang hindi ko siya magawang sabayan. Oo, lalaki ako at dapat na mas maalam at mas magaling ako kapag ganitong bagay ang pinag-uusapan pero iba ako e. Inosente ako kung ikukumpara sa mga ka-edaran ko. Sana lang talaga hindi niya mapansin at hindi siya ma-turn off sa isang tulad kong inexperienced. Dahil ngayon ko lang din napatunayan na hindi basta-bastang babae si Boss. Na may karanasan na siya sa mga bagay na ito. Pero kahit ganun, kung tama man ang hinala ko, wala akong pakialam. Mahal ko siya. Mahal na mahal.
Hindi ko alam ang eksaktong oras na lumipas mula nung sinunggaban ako ng halik ni Akira. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto kaming naghalikan. Basta ang alam ko lang, nauubusan na ako ng hangin pero hindi pa rin siya tumitigil. Mukhang wala siyang balak na tumigil. Kaya kahit ayaw ko siyang awatin sa gusto niya- na gusto ko rin naman, marahan ko siyang nilayo sa akin. Lumikha siya ng ingay na resulta ng kanyang pagtutol, pero hindi ako nagpatinag, kahit pa nakakaramdam ako ng pangamba. Nang tuluyan nang naghiwalay ang mga labi namin, hinihingal ako, samantalang siya ay hindi, at tinapunan niya ako ng tingin na blanko pero nakakasindak. Nilalamig tuloy ako.
YOU ARE READING
Lost in Japan
General Fiction"... But when I realized I'm living that dream, I am lost in Japan." Started: 06/30/19