2nd Step

46 0 0
                                    


"Our mind is a cave full of hurricanes."

—•—

Hindi pa rin maalis sa diwa ko ang nangyari kahapon. Ewan ko ba kung possible na 'yun lang laman ng isip ko sa mga nagdaang oras pero iyon lang talaga. Dinaig ko pa ang isang binata na sa wakas ay nagkaroon ng unang karanasan. Hindi ko magawang matulog kagabi. My thoughts made me awake all damn night. Maraming mga tanong na gusto ko kaagad hananapan ng sagot.

Why did she do that?

Ano bang tumatakbo sa isip niya nung mga panahon na 'yun?

Is she planning something?

Ano bang motibo niya?

Why did she kissed me?

Anong naramdaman niya nung ki-niss niya ako?

First kiss niya ba 'yun— of course not. Sa ganda niya, imposible.

Nakatulog kaya siya kagabi?

Ano bang nangyayari sa akin?

Nakakatuliro. Shit.

Napahilamos na lang ako dahil sa matinding frustration. Pansin ko lang, lagi akong frustrated nitong mga nakaraang araw at alam ko kung ano o let me say sino ang dahilan— it's Boss Akira Kudo. And speaking of, she's here at himalang late siya. May nangyari ba? Ba't siya late?

Sa kabila ng mga tanong na namahay sa isip ko, binaling ko sa ibang direksyon ang aking tingin at tinuon ang buo kong atensyon sa ginagawa kong pagpunas ng lamesa. Mahirap na baka magtagpo ang mga tingin namin at matuklasan n'yang hindi ko nagawang matulog, dahil hanggang ngayon, I can still feel her soft lips on mine. Minumulto ako ng panghahalik niya sa akin na naging resulta ng pagkakaroon ko ng mga eyebags na parang luggages na sa laki. 

"Tangi—B--oss a--nong ginagawa mo?" Ay syete. Napatagalog ako ng hindi oras. Hindi ko kasi napansin na nasa likod ko na pala siya at nakahawak pa siya sa isa kong balikat. Nakatingin lang siya sa akin at medyo nakasalungat ang kanyang mga kilay. Ay oo nga pala, hindi siya nakaka-intindi ng tagalog. Kaya naman, inulit ko ang tanong ko in English. I badly want to know bakit pabigla-bigla siyang sumusulpot na para bang kabuti. Trip niya ba talaga akong gulatin at gulangtangin lagi? Pero instead of answering my question, she just smile. Tangina? Naiintindihan niya naman ang tanong ko, malayong hindi pero ngumiti lang s'ya ng pagkatamis-tamis at umalis sa harap ko pagkatapos. Ganun-ganon na lang 'yun? Iniwan niya akong halos hindi makakibo at maka-recover sa ginawa niya. Kakaibang babae. Kainis.

Buong araw akong tahimik at halos hindi kumibo. Basta ang alam ko naapektuhan na ang work performance ko ngayon dahil sa pagiging wala ko sa sarili. Ilang beses akong nagkamali at alam kong pansin 'yun ng mga customers, ng mga kasama ko at maging ni Boss. Nakakabwesit. Para akong timang. Hindi ko magawang mag-focus, umayos at kasalanan 'to ni Akira. Sino bang sisisihin ko? Siya lang naman ang gumugulo sa akin. Naghintay lang naman ako na sisantihin niya kanina nang makagawa ako ng dahilan para maka-alis na rito pero, hanggang ngayon na magsisirado na kami, wala ni-isang salita akong narinig mula sa kanya.

"Hir, let's go home together. You look like shit brother. I think we better get some beer tonight." Sabi sa akin ni Kuya Michi habang parihas kaming nag-aayos ng gamit.

"Gominasai Kuya Mic but I can't. I need to go home early. Maybe next time." Hays. Kung 'di lang talaga ako bothered at frustrated tsk. Hindi rin kasi 'yung tipo ng tao na dinadaan sa alak ang mga issues. Hindi tumatalab sa akin ang amnesia effect ng anumang alak. Kaya para sa akin, hindi masarap na pulutan ang problema pagtumatagay.

"Oh you're killjoy now little brother. But, it's fine. I understand. So, I go ahead now."

Hindi na ako nagsalita, instead, tumango na lang kaya tumatawang lumabas ng locker area si Kuya Michi. Siguro natawa 'yun kasi halatang-halata na wala ako sa sarili. Dinaig ko pa yata 'yung mga adik na nag-i-smoke ng weeds sa sobrang pagkalutang ko ngayon. High na high ako kumbaga. Pero teka, nasaan kaya si Boss? At baka, bigla-bigla na naman 'yung sumulpot sa likuran ko.

Lost in JapanWhere stories live. Discover now