"By just one move, you can start the game."
—•—Napabangon agad ako ng marinig ang ingay na nagmula sa alarm clock ko— iba sa nakasanayan kong pampagising doon sa Pilipinas na morning greetings ng mga tandang na manok. Panibagong araw na naman, panibagong pakikipagsapalaran.
Madilim pa rin ang labas, pero kahit nandito ako sa pang-apat na palapag ng apartment building na ito, I can still hear how busy the outside world right now. Kaya kahit inaantok pa talaga ako buhat ng katotohanan na ala-una na ng madaling-araw ako natulog, pumunta ako sa banyo at naligo na. Kailangan ko rin kasing maging mas maaga ngayon or else katakot-takot na sermon ang aabutin ko sa boss kong pinalihi yata sa sama ng loob at ampalaya, kung mamalasin at ako ang bet niyang pagbuntungan ngayong araw.
Pagkatapos ay nagbihis na ako, nagtimpla at uminom ng kape para kahit papaano, magising ang diwa ko. And before going, binati ko muna ng good morning si mama.
Exactly five am ako nakarating sa train station. Kampanti na I will be on time o mas maaga pang makarating sa café na pinagtatrabahuan ko bilang waiter. Ibang-iba naman kasi ang train nila dito compared sa train na meron sa Pilipinas na mayamaya sira o hindi kaya nagka-unexpected na aberya. Here in Japan, the practice of pilipino time doesn't exist— exact at conscious ang mga tao rito when talking about time. Time is gold ika nga. Kaya naman hindi uso dito ang aberya sa train. Kasi dito kung nahuli ka, you literally missed the world.
Habang nasa biyahe ako, nakikinig ko ng music by an earbud na nakasaksak sa isa kong tinga. Kaya kahit naka-earphone ako, I can still hear the announcer. And speaking of which, I'm already here according to the station's intercom.
Akmang lalabas na sana ako ng nabangga ako ng isang babaeng maskulado na nagmamadali— wait what?! Babae ba 'yon? Grabe naman yata ang body built ng babaeng 'yon. Mas malaki pa katawan niya sa akin though hindi rin naman ako patpatin. Pero seriously, 'di tugma sa damit niyang pang Japanese Idol sa katawan niya. Weird Japanese people. Really weird.
"Ohayou." Bati ko sa mga kasamahan ko dito sa coffee shop and as expected, mas nauna pa ang boss kong pinaglihi sa sama ng loob at kami pa lang dalawa dito. Kung mamalasin ka nga naman tsk.
"What's good in morning when I see your face this early?" See? Patikim pa lang 'yan.
Nginitian ko nalang siya at naglakad papunta sa locker area. Mahirap na, baka pag nagtagal pa ako dun, mapatulan ko pa siya at masisante ako. I put my bag pack sa designated locker ko and change clothes. I was looking myself in the mirror when I noticed na nakatingin sa akin si boss.
"B—oss? Is there any problem?" I asked her kahit na muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa niya. Tinitigan niya lang ako, sinimangutan tsaka siya padabog na lumabas. Ano kayang problema nun? Siya pa galit? Mga babae nga na man. Siguro kung okey ugali nitong si Boss, hindi malayong magustuhan ko siya— gusto ko na pala siya, matagal na kaso malabo yatang gusto niya rin ako. Sa pakikitungo niya pa lang sa akin ngayon na mabagsik, I can say na walang pag-asa. Maganda naman talaga kasi si Boss Akira. Ikaw ba namang half-Canadian at half-Japanese, 'di ba? Tsaka, mabait din naman 'yan si boss palagi pag ang mga katrabaho ko ang pinag-uusapan, sa akin lang hindi. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo niya sa akin. Siguro, trip niya lang o may gusto siya sa akin— asa. Napailing na lang ako. Sayang boss, sayang talaga.
Lumabas na ako at kumuha ng basahan. Tinulugan ko siyang mag-ayos. Nagpunas ako ang mga lamesa at inayos ang mga upuan. Samantalang siya, binuksan ang mga bintana tapos biglang timunog ang bell sa pinto.
YOU ARE READING
Lost in Japan
General Fiction"... But when I realized I'm living that dream, I am lost in Japan." Started: 06/30/19