Chapter 17 part 2

615 16 0
                                    

 Chapter 17 part 2

Rence’s POV

Kinabahan ako bigla nang maramdaman kong nag-iiba na ang aura sa loob ng kotse. Matulin na ang pagpapatakbo ni Sashi. She’s driving 247 kph at kinakabahan na ako dahil gabi na at di pa niya ino-on yung front light ng kotse.

“S-Sashi”-kinakabahan kong sabi at akmang i-o-on yung light na nasa front ngunit bigla niya akong tiningnan ng masama. Masamang tingin na ngayon ko lang nakita. Kakaiba ito kumpara sa mga masasamang tingin niya noon. It’s a murderous glare.

“Don’t..”-cold niyang sabi at tumingin sa harapan. Napaatras ako sa inasta niya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Maari kaming mabunggo sa ginagawa niya dahil halos itim na ang nakikita ko sa paligid at wala ni isang ilaw ang makikita sa lugar na ito. Mismo ang buwan ay nagtatago at di pa lumalabas sa lungga niya. Ito na ba yung epekto ng ice cream na kinain niya? Bakit mas masama pa ‘to kesa sa nakaraan na 1 gallon na na ice cream ang kinain niya? Hindi kaya, hindi talaga ang ice cream ang dahilan ng pagkawala sa sarili niya? Baka naman unti-unti lang talaga siyang bumabalik sa dati niyang sarili..

“Sashi, hindi na ako natutuwa..”-pagw-warning ko sa kanya. Ngunit himbis na matakot ay mas pinabilisan pa niya ang pagpapatakbo ng kotse.. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘tong dinadaanan namin. Akmang i-oon ko ulit yung ilaw ngunit bigla niyang tinabig ang kamay ko at mabilis na kumuha ng dagger sa sling bag niya.

“Do you want to die?”-Sabi niya sabay tutok ng dagger sa leeg ko habang ang isang kamay niya ay nagc-control sa steering wheel. Hindi ako gumalaw dahil baka maisak-sak niya yung dagger sa leeg ko.

Pasimple akong tumingin sa harapan namin at nakikita kong may mga ilaw na sa isang lugar. Naramdaman kong ibinaba na niya ang punyal at nag focus sa pag-d-drive.

“Someone’s spying on us”-sabi niya habang nakatingin sa harap. Nagulat ako sa sinabi niya, may nag mamasid sa ‘min? Panu niya nalaman?

tumingin ako sa likod. Wala naman sigurong kahihinalang nangyayari dahil sa madilim ang parteng dinadaanan namin. Tiningnan ko siya nang maramdaman kong bumabagal na yung pagpapatakbo niya. Tumingin ako sa harapan namin at sa di kalayuan ay may nakita akong mansion. May mga ilaw sa labas ng gate nito at may mga taong nakabantay na may hawak na malalaking baril. Saang lugar na ba ito?

Biglang tumigil yung kotse..

“Shit”-rinig kong mura ni Sashi habang tina-try na paandarin ang engine. Anong nangyari? Nasira ba yung kotse ko?!

Tinignan ko muli si Sashi na busy sa pag mura. Kahit yung mga salitang binibitawan niya ay kakaiba.

Napansin ko yung kamay ng Gasoline meter, nasa pulang parte ito nakaturo. Wala ng gasolina? Pero imposible, kaka-gas ko lang kanina at yung gasoline na iyon ay aabot pa ng limang araw kahit nakadrive ka pa ng 24/5 .

Demon's Nightmare [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon