Chapter 25

118 5 0
                                    

Saqui's POV

Sinusulyapan ko paminsan minsan si Vancleave na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Nakatungo lang siya. Hindi ko alam kung natutulog ba siya o ano.

Napagdesisyunan kong huwag munang umuwi sa mansion ng lolo ko dahil alam kong nandoon pa si Seven. Masama pa rin ang loob ko sa ginawa ng gagong iyon. Sumosobra na siya. Kung hindi ko siguro siya kapatid baka matagal ko na siyang pinapatay-- no, baka matagal ko na siyang pinatay sa sarili kong mga kamay.

"Mga demonyo kayo..."

Walang emosyong sabi ni Vancleave. Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

.....Alam kong kami ng pamilya ko ang pinapatamaan niya, hindi na ako nagreact dahil totoo naman talaga ang mga sinabi niya. Mga demonyo kami. Mukhang mas malala pa nga kami.

"Dadalhin muna kita sa isang exclusive na hotel, doon ka muna magpagaling dahil alam kong magpapadala sila Seven ng maraming tauhan at baka mahuli pa tayo kung sa ospital tayo dumiretso... May dala naman akong mga gamot para sa body pain. It can also lessen your bruises-- "

"How can I be so sure na para nga yan sa sakit ng katawan ko?"

Naguluhan ako sa mga sinabi niya. Parang meron siyang ibang pinahihiwatig.

"Balak mo na naman bang lasunin ang utak ko gamit ang mga droga na ginawa mo?."-Blangko ang mukha niya habang nagsasalita. " Huwag ka ng mag maangmaangan dahil alam ko na ang lahat ng ginawa mo! YOU ARSEHOLE!! YOU'RE THE ONE WHO KILLED HIM! GINAWA MO PA AKONG PESTE NA  PWEDE MONG PAGEKSPERIMENTOHAN. HOW CAN YOU DO THIS TO ME?! I've been serving your family for how many years tas ito lang pala ang matatanggap kong kapalit?!"

Nagulat ako sa sinabi niya...paano niya nalaman?

Nanatili akong walang imik...

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang nawalan na ako ng palusot. Alam na niya ang lahat kaya kahit anong gawin ko, hindi na niya ako mapagkaka tiwalaan.

It's true... pinatay ko si Makki. Pinainom ko ng drugs si Vancleave kung saan naging dahilan ito ng pagkawala ng past memories niya. Ang pagkakaalam niya, ako yung boyfriend niya...

Nagawa ko lang naman yun... dahil.. dahil... sa kagustuhan kong makasama si Vancleave.

"Inangkin mo pa talaga ang pangalan niya... Sana pala, hindi na kita binuhay nung malaman kong ikaw yung traydor sa pamilya niyo. Damn! bakit ko pa ba sinagip ang taong sumira ng buhay ko. You really are an arsehole SAQUI! "

The way she emphasize my name.. parang tinuturing niyang isa itong pinakamasamang bagay na nag-exist dito sa mundo.

"I really wanted to kill you dahil sa mga ginawa mo." - kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kagalit sa ginawa ko.

Hindi ko siya masisisi... kahit ako ay hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa mga ginawa kong kagaguhan.

"Maybe this is my karma for killing hundreds of people..."

"Van..." ito lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Umiiyak siya...

Umiiyak siya dahil sa kin...

at ako naman tong gagong wala magawa!

Nakatingin lang ako sa kanya kahit nagmamaneho ako.

Kumuha ako ng baril sa isang box at ibinigay ko ito sa kanya. Hininto ko ang kotse sa kung saan walang katao-tao.

"You can kill me..."-kung ito lang ang makakapagpagaan ng loob niya. Ayoko ng makita siyang nasasaktan nang dahil lang sakin. Ako naman ang nagsimula ng lahat kaya mas mabuti ng mawala nalang ako.

Demon's Nightmare [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon