Chapter 20

702 29 4
                                    

Chapter 20

Sashi’s POV

Pagkatapos kong magpaalam kay Ace ay napgdesisyunan ko ng bumalik sa room ko. Ngunit habang naglalakad ako ay saka ko lang na realize na hindi ko na pala kabisado ang daan pabalik. Oh lord! T^T.

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad.. Bahala na si Batman >.<. Habang naglalakad ako ay napapansin kong may nakasunod sa kin kaya mas binilisan ko pa ang paglakad.

“Aaaaaaaaaaak!”-napasigaw na lang ako nang may biglang humila sa damit ko papunta sa isang tagong lugar.

“Shut up”-Rinig kong sabi nung taong humila sa damit ko. Napatikom naman ako ng bibig ko at tinignan ang taong ito. At napasimangot naman ako nang mapagsino siya. Si Weirdo lang pala. “Sshhh”-bulong niya habang nakatingin sa labas ng pintuan..

Makikisilip sana ako kaso agad niya akong hinarangan ng kamay niya. Ano ba yan, gusto kong maki-usiso. Hindi na lang ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Ano ba’ng nangyayari at kailangan pa niya akong dalhin dito sa kwartong ito. Madilim pa naman dito. >.<

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng mga yabag sa labas.

 “Tanga, ba’t hinayaan mo siyang mawala sa paningin mo?”-Rinig kong sabi ng isang lalaki sa labas.

“Eh ang bilis niya kasi sir.”

 

“Punyemas naman oh, hanapin mo ulit”

naramdaman ko namang umalis na sila kaya hinampas ko sa braso si Troy.

“Bakit mo ba ako kinaladkad dito?”-naiinis kong taong sa kanya. Ngunit imbis na sagutin ay tiningnan niya lang ako at binuksan yung pinto ng dahandahan.

“Hoy, tinatanong kita!”-sigaw ko naman sa kanya.

“Kanina pa may nakasunod sayo”-sagot niya naman.

“oh, tapos?”

Napapigil naman siya sa paglalakad at nagsalita muli “Kasamahan yun sa mga umatake sa inyo kanina.”-sabi niya na hindi tumitingin sa kin at nagsimulang maglakad.

Para naman akong mawalan ng hininga sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Sinunsundan ako?.. Di pa ba sapat yung sinapit namin kanina sa kanila? Papatayin ba nila kami?

“tss”

Napabalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang pag ‘tss’ ni Troy. I saw him took a glance at me and started to walk again while his hands are in his pockets.

Mas lalo naman akong natakot dahil baka nandyan lang yung mga panget sa tabi-tabi at inaabangan ako para patayin.

Waaaah T^T. Gangster nga ako, pero di naman lahat kaya kong patumbahin lalo na yung 5x pa sa laki ng katawan ko.

Demon's Nightmare [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon