Chapter 10

786 27 4
                                    

#Demon's Nightmare by Sehurenn

Chapter 10: The fight with the unknown guys

Sashi's POV

Nakarating na ako sa park pero wala pa din si Rick...

Malamang! Sashi it's still 7:45.. masyado ka kasing excited

Umupo nalang ako sa simentong nakapalibot sa fountain at tumingin tingin sa paligid

Nakasuot lang ako ng white jeans at black t-shirt na may naka print sa likod na skull.. di ko na sinuot yung black dress kasi... kasi .. ayoko mag suot ng mga ganun >.<

Timingin ako sa phone ko... It's 8:15 na at wala ng masyadong tao dito sa park.. waah nakakatakot.. ang nagsisilbing ilaw nalang ay ang mga street lights.

Waaah nasan ka na rick! Natatakot na ako dito T^T..

Kung tawagan mo nalang kaya si Rick na nandito ka na.

Ay oo nga! Aaiisshht ang tanga tanga mo talaga sashi!

Dialing Rick....

*Ang iyo-* ay!! Oo nga pala!! wala na akong load. Waaaahhh ang malas malas ko talaga

"ba't wala pa sya dito?" napatingin ako sa likod ko nang may marinig akong nag uusap sa likod ng fountain=opposite side kung saan ako nakaupo=.. may dalawang lalaki na naka black suit at nakashades..

"hintayin lang natin, dadating din yun"-sabi ni 'men in black 2' habang nililibot ang tingin sa paligid.

"sabi mo yan ha"- men in black 1, na kumuha ng lighter sa bulsa nung suit niya

"Yeah yeah, basta pag may nakita kang babae na nakasuot ng black na dress yun na yun"- men in black 2

"sigurado ka dyan?"- Men in black 1, na sinisindihan ang yosi niya.

"oo. Si junjun pa nga ang nag padala nun.. Akin na nga yan"- sabi men in black 2, saka inagaw ang lighter sa kasama niya dahil ayaw sumindi nito. "ba't ba ayaw sumindi?"-sabi niya habang kiniclick yung lighter at di nagtagal ay lumabas na yung apoy. inilapit at sinindihan niya yung yosi nung kasama niya. saka isinauli yung lighter sa kasama niya.

"tsk. Ang tagal naman niya"- men in black 1, sabay buga ng aso.

bigla naman akong napaalis sa pagkakaupo at napatago sa likod ng simento nung fountain.

Black na dress? T-teka... sila ba yung nagpadala nung pink na box?

Kung sila, ano naman ang kailangan nila sa 'kin?

Sumilip ulit ako sa kinaroroonan nila kanina.. hanubayan! Wala na sila.. buti naman.. -.- hai

"siya ba tong sinasabi mo?"

hala! Napatingin ako sa taong nag salita.. oh noooss si men in black 1 tinuturo ako.

"hmm.. "nilapitan ako ni men in black 2 at inu-obserbahan

"oo pare, siya nga, tawagin mo ang iba nating kasamahan "- men in black 2 habang di parin inaalis ang tingin sa 'kin

0___0 oh-owh takbo sashi TAKBO!!!!

agad akong tumakbo ng mabilis paalis sa kinatatayuan ko.

Panu nila nalaman na ako yung hinahanap nila? Eh hindi naman ako naka black dress. at saka, may atraso ba ako sa kanila? ngayon ko lang naman ata sila nakita ah.

"hoy!! Bumalik ka dito!!"- rinig kong sigaw ni men in black 2 habang hinahabol ako.

Wag kang lumingon sashi.. takbo ka lang

Demon's Nightmare [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon