Chapter 24

106 7 0
                                    

A/N: Hi! Sorry kung tinagal ng update tinamaan ako ng 'writers block' eh.

##############################

Chapter 24

##############################

Third person's POV

Nagulat ang tatlong Aedoms sa tumambad sa kanila. Sobrang galak ang naramdaman ni Seven at halos hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Ngunit bigla na lang nag iba ang timpla ng mukha niya nang makita ang mga butler nila na may hawak na baril at nakatutok sa babaeng kaharap nila ngayon.

Mabilis na humugot si Seven ng baril sa kanyang bulsa at agad na itinutok ito sa isang head butler. "Stupid morons!"

"Seven!"-saway ng matandang lalake sa kanyang anak."Ibaba mo 'yan... Masyado mong tinatakot ang bisita na 'tin."

Agad na ibinaba ng mga takot na butlers ang kanilang mga baril at nanginig dahil sa kaba. They mistreated their boss' guest kaya siguradong hindi na sila mabubuhay sa araw na ito dahil sa maling ginawa nila.

Nanlilisik ang mata ni Seven sa mga butler nila. "Leave..."-utos nito habang binababa ang baril. Agad namang nagsi-alisan ang mga lalakeng nakasuit.

Ngumiti si Mr. Sebastian sa babae kaya mas lalong natakot si Sashi.

Hindi mapakali si Makki sa kinatatayuan niya at gusto na niyang ilayo si Sashi sa lahat ng nandito sa bahay nila.. 'Sht,'-mura niya sa sarili dahil alam niyang hindi na niya to malulusutan.

"Ms. Valdez, right?" Napalingon ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang ama nang banggitin niya iyon. Biglang naguluhan si Seven nang tinanong iyon ng kanyang ama sa harap ni Sashi. Habang si Makki naman ay nagulat dahil alam pala nung ama niya ang kasalukuyang pangalan ni Sashi.

"Y-yes sir..."-nanginginig sa takot si Sashi habang sinasagot ang matandang nagtanong sa kanya.

"Come and join us"-nakangiting sabi sa kanya ni Mr. Sebastian.. Parang bigla namang gumaan ang kalooban niya dahil sa tingin niya ay mabait na tao si Mr. Sebastian.

Nagunahan si Makki at Seven sa pag lapit kay Sashi. Si Seven ang unang nakaharap kay Sashi at hiningi ang kamay ni nito.

"I'm Seven Aedoms..."-pagpapakilala nung lalake kay Sashi habang Iginigyak siya nito sa upuang nasa harap ni Makki.

Nagtinginan ulit ng masama si Makki at Seven nung nagtagpo ulit ang mga mata nila.

Nilagyan ng pagkain nung mga maids ang plato ni Sashi.. "Kumain ka ng marami hija"-utos sa kanya ni Mr. Sebastian.

...

Habang kumakain si Sashi ay hindi niya pa rin maiwasan ang mailang lao na't feeling niya ay kanina pa nakatingin sa kanya ang tatlong lalakeng kasama niya sa mahabang mesa.

Nang mapansin iyon ni Saqui ay agad niyang binasag ang katahimikan . "Ehem.!"

Napabalik naman si Seven sa kanyang katinuan at tiningnan ng masama si Saqui.

"Seven, I want you to organize your sister's party"-Seryosong sabi ni Mr. Sebastian kay Seven.

Nagsalubong ang kilay ni Saqui sa narinig.."What do you mean dad?"

"Babalik na sa atin ang kapatid niyo after 3 days"

Naguluhan si Seven sa sinabi ng ama at tiningnan ang inosenteng si Sashi na walang ka-ide-ideya sa pinag-uusapn ng tatlo. Napatango si Seven nang marealize niya na alam na pala ng kanyang ama ang tungkol kay Sashi at ayaw nitong biglain ang babaeng anak nang wala sa oras.

Demon's Nightmare [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon