Chapter 6

7.8K 77 1
                                    

Huling araw ng klase, abala ang lahat para sa pagpapapirma ng Clearance, at ang iba naman ay nagpaplano para sa closing party nila, konti na lang din ang pumasok ng araw na yun, hinahanap ko ang mga ibang guro namin. kaya kung saan saan na ko nakarating. habang naglalakad ako, napadaan ako sa classroom nila ivan. tahimik wala akong makitang mga studyante. nang bigla ako makarinig ng kalabog.

blagaaaam.

tumayo ka jan?!

isang malakas na sigaw ni marvin habang sinusuntok ng nakahandusay si ivan sa sahig.

nag-aaway si marvin at si ivan. kaya dali dali akong pumasok sa room nila. tumakbo ako papalapit sa kanila.

TUMIGIL NGA KAYO!!!  awat ko habang tinatayo at tinatakpan si ivan mula kay marvin.

Hindi ko alam kung paano nagsimula lahat yun, ang hinala ko nang asar si Marvin at nagkapikunan sila. kahit hindi ko alam ang mga nangyari dala na din ng pagkairita ko kay marvin. at lalo pa sa nakita kong inaaway niya si ivan. hindi ko na namalayan na inangat ko na ang kamay ko, at mabilis na lumapag ang palad ko sa mukha niya.

natulala siya. hindi siya lumalaban, tinitignan lang niya ko habang sinampal ko siya ng sinampal. sa bawat hataw ng kamay ko, naalala ko ang lahat pang bibwisit na ginawa niya sakin. kaya palakas ng palakas ang nabibitawan kong hataw sa kanya. ng biglang humawak si ivan sa kamay ko at inawat ako.

tumigil ako. nakatingin lang si marvin sa akin ng mga oras na yun. ilang segundo rin siyang tumingin sakin bago umalis.

tinanong ko ang mga nangyari kay Ivan.

Nag aasaran lang kami ng bigla kaming nagkapikunan.

dama kong nagsisinguling si ivan ng oras na yun pero nadala pa din ako ng inis ko kay marvin.

nakakainis talaga yung lalaki na yun kahit kailan,ang lakas ng loob mang asar, pero pag inasar mo  pikon. , 

hayaan mo na yun, sige na kailangan pa natin magpapirma ng clearance.  awat naman niya sa akin at pinakalma ako.


naglakad na kami at naghiwalay ng daan. nagtataka ako bat nagmamadali umalis si ivan nung araw na yun, pero hindi ko na rin pinansin at nag patuloy ako sa paghahanap ng guro.

--------------------

Annoying SchoolmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon