JS prom.
tinitignan ko si ivan. ang gwapo niya lalo bagay na bagay sa kanya yung coat and tie niya. pumangit lang katabi niya si marvin. pero ang gwapo pa din ni ivan. di ko inaalis yung tingin ko sa kanya. hanggang sa nakita niya kong nakatingin. lumapit siya sakin. pa onti onti. bumibilis yung tibok ng puso ko.
pwede ba kitang isayaw nica? aya sa akin ni Ivan habang nakalahad ang kamay hindi na ko nag salita inabot ko yung kamay ko at lumakad kami kung saan nagkukumpulan ang lahat at nagsasayaw. habang nagsasayaw kami. bigla siyang bumulong nica matagal ko ng gustong sabihin sayo to.
Mahal kit....
Bigla akong nagising
Nica bumangon kana anong oras na. mahuhuli kana sa klase mo.
ay panira ng moment panaginip lang pala akala ko totoo na. gusto kong bumalik sa pagtulog gusto ko bumalik sa panaginip. pero pag tingin ko 5:30 na.bumangon na ko at nagmadali na sa pagkilos
papasok na ko ng school nakita ko nanaman si marvin. as usual inasar nanamn ako ng inasar.
ayieh Ivan ka na a?" sabi niya ng nakangiti napangiti na din ako sa kilig.
eh tigilan mo nga ko ang aga aga e. sabay hampas sa kanya
ayieh pero kilig yan o, bat ka namumula. tuloy lang siya sa pang aasar
umalis ka na nga aga aga. bwisit ka! sinigawan ko na siya pero kinikilig naman talaga ko
humiwalay na ko sa kanya. bwisit talaga yun. ang chupul. aga aga ako gusto pagtripan.
biglang nag vibrate yung phone ko.
Fr:Ivan Benitez
Goodmorning nica :)) ingat ka sa pagpasok. have a nice day.
syempre kilig nanaman ako. ngiti dito ngiti doon. bago ako makarating ng room nakasalubong ko si mrs.lee isang teacher na namamahala sa iba't ibang klase ng sayaw.
Ms. benitez gusto mo bang sumali ng cotillion para sa prom?
opo maam gusto" walang alangan ang pagsagot ko dahil gusto ko.
hindi na pinatagal ni mrs. lee ang usapan. osige ija mamaya pumunta ka sa gym pagkatapos ng klase.
osige po maam nagpaalam na ko at dumeretso ng classroom.
Habang nakaupo ako sa upuan magkatext kami ni Ivan hindi ko namalayan uwian nanaman pala. dumeretso na ko ng gym para sa cotillion, habang naglalakad nakasabay ko pa si marvin. pag minamalas ka nga naman. kasali din pala siya.
uy taba kasali ka din? sigurado ka ba sa desisyon mo? pang aalaska niya
kainis lang Hindi ko na lang siya pinansin. baka masira pa ng tuluyan yung araw ko dumeretso na ko at umupo sa upuan, tinitignan ko yung mga kasali. marami rami din pala kami, napalingon ako sa likod at biglang bumungad sakin si ivan na siya rin nakatingin sa akin, binalik ko naman agad ang tingin ko sa harap sa gulat.
biglang dumating si mrs.lee. at inayos na rin agad yung mga magkakaparehas. ilang minuto din ang lumipas hanggang sa apat na lang kaming walang kapareha. si marvin.si Ivan,si janna at ako.
sa isip isip ko yes may pag asang makapartner ko siya ang saya saya ko pa. biglang nagsalita si mrs. lee
ms.Lopez and mr.de guzman. kayo ang magkapartner
Biglang nanglumo ang mukha ko sa sinabi ni mrs lee. si marvin ang kapartner ko! ang malas naman. gusto kong mag back out. sana hindi na lang ako sumali. kaasar naman o. ayoko ayoko ayoko. pero wala na kong nagawa. sa bawat practice na dumaan puro pang bibwisit nanaman ang inabot ko sa kanya. nakakainis talaga. sa bawat oras ng practice hinihiling ko sana matapos na agad.
habang nabibwisit ako lalong tumatagal yung oras. nanadya lang e no?
kaya pinagtiisan ko na lang dahil nandito na to.
----------------------------------------------------