Chapter 7

7.7K 65 3
                                    

Marvin's POV

Isang buwan na din ang nakalipas iniisip ko pa din yung nagyari nung last day. naalala ko yung mukha niya, galit na galit sakin si genica, sana hindi ko na pala ginawa yun, doon ko lang siya nakitang nagalit ng ganon. 

itext ko kaya at magsorry ako? tanong ko sa sarili ko.

haaaay. hindi na nga baka lalo lang magalit yun sa akin. nakalimutan na din niya yun siguro

makatulog na nga lang

----------

Genica's PoV

arghhh! tinatamad na ko dito sa bahay, hindi pa kami laging nagkikita ni ivan, dahil hindi naman ako pinapayagan lagi at wala na kong allowance. haay miss na miss ko na siya. buti na lang bukas sabay kami mag eenroll. 

makatulog na nga lang

---

*cellphone ringing* *cellphone ringing* *cellphone ringing*

*cellphone ringing* *cellphone ringing* *cellphone ringing*

Nagising ako tumatawag si ivan.

Baabe? inaantok antok pa ko nung sinagot ko.

goodmorning babe gumising ka na, mag eenroll pa tayo. para maaga tayo matapos at makapag gala pa tayo.

bumangon na ko at nagpaalam sa kanya.

sige babe. kikilos na ko. iloveyou

Iloveyoutoo. 

binaba na niya. kumilos na ako nung oras na yun, naligo, kumain, at nagpaalam na kay mom and dad.

nagpunta na ko sa school kung saan doon nag aantay si ivan. nung makarating ako nilibot libot ko yung mata ko naghanap ng baka may kakilala, may mga ibang nag eenroll din. yung iba kakilala at ang iba naman ay hindi.  sinalubong na ko ni ivan, at nag enroll kami., hindi pa binigay yung section namin, papaskil na lang daw sa first day.

kainis naman yun babe, pasuspense pa, sana mag classmate tayo. "pagmamaktol  ko kay ivan habang nagpapahinga kami

kaya nga e. bahala na sa first day. tara babe kumain na muna tayo. aya sa akin ni ivan at tinayo niya na ko.

lumabas na kami ng school. nagpunta sa pinaka malapit na mall, kumain naglaro nagkulitan picture.tulad ng lagi namin ginagawa, 

matapos ang ilang oras na kulitan umuwi na kaming dalawa.

kahit nakakapagod masaya pa din ako. kahit paulit ulit lang ang ginagawa namin hindi ako nagsasawa.nakasama ko siya kaya masaya ang bawat pangyayari na yon.

-------------------------------------- 

Annoying SchoolmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon